Thursday, May 12, 2016

Certified NBSB - Part 9

Dalawang araw ang naka-file kong vacation leave sa trabaho pagkatapos ng isang araw
na sick leave ko, pero naisip kong mas dapat akong maging busy upang hindi ko masyadong maisip ang mga pangyayari kaya kinabukasan ay pumasok na din ako.

Nakasalubong ko sa may lobby si Ma'am Ems, "Tin, why are you here?  Two days yung filed leave mo, di ba?"

"Ma'am, naiinip po ako sa bahay, so I decided to just retract this day.  Naalala ko po kasi mayroon pa akong report na due i-send sa US office natin by end of business day today."

Pagdating ng break time ay tumawag ako sa customer service ng aking mobile network provider.  Nag-request ako na palitan ang mobile number ko pero same account pa din dahil nanghihinayang ako sa loyalty perks.  Pwede naman daw 'yun dahil postpaid subscriber ako, at ichacharge na lang nila ung 500 pesos sa susunod na billing statement ko.

Anxious ako sa bawat araw na dumadaan dahil naalala ko ang huling SMS ni Wilson sa akin... "Uuwi ako next week - emergency leave ng 5 days.  Pag-usapan natin 'to,"  kaya alam kong any moment ay magkikita talaga kami.  Nakakatatlong araw na mula noong ipadala nya ang text na 'yun.

Masakit pa rin 'yung impact.  Hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap tungkol dito.  Hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba ang kwento sa likod ng mga kaganapang ito.  Ang dami ko pa ding pinagdudugtung-dugtong na mga pangyayari para pilit kong mabigyan ng kasagutan 'yung mga tanong sa bumabagabag sa akin.

In denial pa din ako.

Wala akong idea kung kailan sa "next week" ung sinasabi ni Wilson.  Sa pagkakatanda ko, Thursday night sya bumibyahe pauwi ng Pilipinas dahil Biyernes ang simula ng weekend sa Dubai.  Kung ganun pa rin ang schedule niya, andito na sya sa Pilipinas ng Friday ng hapon.

"Gaga!  Bakit ikaw ang iiwas?  Ikaw ba ang may kasalanan?", pasungit na biro ni Czarina nang tawagan ako sa opisana para kumustahin noong lunch break ko.

"Hindi ko lang kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko.  Hindi ko rin alam kung kaya ko siyang harapin."

"Sis, kung hindi ka pa ready, tell him.  Pero I suggest that you get over it the soonest.  Do not prolong the agony.  And there is no better preparation.  I'm telling you, kahit ano'ng practice ang gawin mo ngayon sa mga bagay na gusto mong sabihin or itanong, it won't matter.  Iba pag kaharap mo na sya.  Mata sa mata.  It will hurt the most pag kaharap mo na 'yung taong akala mo ay magiging kakampi mo for the rest of your waking life."

"Thanks, Czar... sana kaya ko nga..."

Walang Wilson na naghihintay sa lobby paglabas ko bandang alas-sais ng gabi.  Part of me was disappointed.

Bakit ganun?  Bakit wala siya?

Sh*t, Tin... 'wag kang tanga!  He hurt you.  Period.

I hate this bubble talk inside my head.  Nakakainis!

And then I hoped again.

Pero wala din ang kotse niya sa may gate namin nung dumating ako.

Wala siya.

Hindi na 'yun darating.  Wag ka nang umasa.  Sinaktan ka na nga, hinahanap mo pa?

Naisip kong pinasakay niya lang ulit ako sa text niyang 'yon na parang pampalubag-loob. Pinaasa.  At umasa naman nga ako.

Biling-baliktad ako sa higaan nang gabing iyon.  Hindi ako sumabay kina Tatay at Nanay sa pagkain ng hapunan.  Hindi ko pa rin ikinuwento sa kanila kung ano ang nangyayari sa aming dalawa ayon na rin sa advice ng mga kaibigan ko.  Give him the benefit of the doubt, ika nga nila.

"Let them know kapag malinaw na ang lahat.  We don't want to make him look bad agad sa parents mo.  Baka naman mali ang lahat at baka magkaayos din kayo sa bandang huli, mahirap na," dagdag pa ni Drew nang minsang tumawag sya sa bahay.

Weekend na kinabukasan kaya hindi ako nagmadaling gumising.  Mag-aalas diyes na ng umaga nang maisipan kong bumaba para magkape.  Mabigat ang buong katawan ko marahil sa bigat ding dinadala ng kalooban ko.  Balak ko naman ay magkulong lamang din sa kwarto sa maghapon kaya hindi na ako nagpalit ng damit.  Suot ang kupas kong Hello Kitty na pyjamas, pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto papunta sa kusina.

Routine na sa akin ang pagtitimpla ng kape pagkagising.  Bangon - hilamos - kape.

Noong araw na iyon, may kakaibang nahagip ang mga mata ko pagbaba ko ng hagdanan. Malapit na ako sa komedor nang maisipan kong umatras para sipatin kung ano ung kakaiba sa aking paningin sa may sala.

Kinabahan ako.

Napakaraming lobo na hugis puso.  Kulay rosas at pula.  At napakaraming bulaklak.  Iba't ibang talulot ang nakakalat sa sahig.. sa mesita.. sa mga upuan.  Sa upuan ... hindi ko na kailangang suriin pa ang buong bahay.

Si Wilson.

Bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan pagkakita sa akin.

"Hon..."

Napasalampak na lamang ako sa sahig sa biglang panlalambot kasabay nang pagbalisbis ng luha sa mga mata ko.  Nanikip ang dibdib ko sa dami ng mga bagay na gusto kong sabihin pero wala ni isa mang kumawala sa bibig ko.

Nasa tabi ko na si Wilson nang mahimasmasan ako.  Pareho kaming nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding.

Kagat-labi akong naghihintay na makarinig ng salita mula sa kanya.  Hindi ko siya tinitingnan.  Hindi rin ako kumikilos.  Nakatingin ako sa kabuuan ng aming sala at kusina na napapagitnaan lamang ng isang maliit na divider kung saan nakalagay ang TV at ilang mga maliliit na ceramic figurines.

Ginagap nya ang aking mga kamay.

Hindi pa rin ako natinag.  Pilit ang pagmamatigas ko.

"Hon... Look at me, please?  I am sorry.  Let me explain."

"Si Lira 'yung girl.  Kapatid ni Laila.  You met her, right?"

Wala pa rin akong imik.

"Galing sya ng Kuwait.  Hindi maganda ung naging experience niya with another expat there, kaya kinuha sya ni Laila para makalipat sa UAE mga first week ng July.  I met her sa baba ng villa at a later time.  I was rushing to go to MoE para sa isang business lunch and hindi ko pa nakuha sa casa 'yung kotse so I decided to take the metro.  She approached me to ask kung ano ang pinakamalapit na mall.  I told her that the nearest one is ung Deira City Centre.  You remember that?"

And then he laced his fingers through mine.  'Yung paglalambing na klase ng hawak sa mga palad ko.  He was gently sqeezing my fingers.  Ninenerbyos?  Natatakot?  I really have no idea.

"Well, to make it shorter, sa MoE din sya natuloy.  While on the metro, naikwento niya who she is and what she went through sa Kuwait.  Nagkataon naman na 'yung imimeet ko for lunch had an emergency so nag-inform na malelate.  Sinamahan ko na muna sya while killing time.  Dun ko nalaman na kapatid pala siya ni Laila."

"In a short span of time, naging close kami.  Dahil wala pa syang trabaho, every time she would cook something special, binibigyan nya din kami.  She knew about you.  I showed her pictures of us.  I tell her everything I miss about you.  And I missed you more habang kinukwento ko ang mga 'yun sa kanya."

Mahabang katahimikan.  Isang malalim na buntung-hininga.

"And then one time around early October, nagyaya sila mag night out sa isang club.  Celebration kasi unang sweldo niya sa bagong work and on process na ung visa niya.  Nataon namang ang toxic sa office noong araw na 'yun kaya I had to breathe.  Sa sobrang saya nung bonding, di ko napansin na ang dami ko na pala nainom.  Ayokong mag-drive ng nakainom so Arnold had to drive for us.  Pero pagdating sa villa, hilung-hilo na ako kaya in-assist ako ni Lira and ni Arnold para makaakyat.  At naiwan kami ni Lira na kami lang ang tao sa room."

"She made coffee for me.  Nagkwentuhan nang konti siguro para bumaba ang tama ng alkohol sa kukote ko."

Then he started crying.

"Pero hon, I really missed you that time!  It's my fault!  Gago lang ako!!!  Gago!!!"

Sinusuntok na ng kanang kamao niya ang sahig namin.  Pero tiniis ko pa ding hindi siya lingunin.

"I'm sorry!!!  I'm sorry ... na kahit aware ako sa nangyayari, I didn't have the inhibition to stop myself from doing it with her.  I'm sorry, hon!  You know how much I love you!!!" 

Pilit kong inalis ang mga kamay niya sa kamay ko.  I started crying, too.

Hikbi na naging hagulgol.

At saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.

"Iyong nakita ni Randolph?"

Sumagot si Wilson.  "She got pregnant.  Hindi siya pwedeng mag-stay sa UAE as a single person tapos buntis.  Makukulong sya.  Makukulong din ako.  They would ask her who the father is.  Madedeport kami."

Pasabunot niyang hinawakan ang kanyang ulo.

"Hon, you know I can't give up my job there.  That's the best I have so far.  Para sa kinabukasan ng magiging pamilya natin.  Di ba?"

"Hindi ko alam, I'm so lost.  'Yun din ang dahilan kaya ang sabi ko sa iyo ay hindi ako makakauwi nang December kasi gulung-gulo talaga ang isip ko.  Nagising na lang ako isang araw na kailangan ko nang desisyunan 'yung nagawa ko.  And getting married civilly dito bago pa man maging obvious 'yung dinadala nya was the only way out at that time. That was the time Randy saw us.  Dalawang linggo lang kami tumigil sa Pinas para sa kasal."

Nasagot na lahat ng tanong na tumatakbo sa isip ko.  Naramdaman kong bigla ang pagod.

Tumayo ako.

"Kailangan ko nang magpahinga.  Makakaalis ka na."

Dali-dali akong nagpilit makatayo para makabalik sa aking silid.

Pilit niya akong pinigilan.  "No, hon... talk to me!  Sampalin mo ako!  Saktan mo ako!  ... Patawarin mo lang ako, please?  Gagawin ko ang lahat, 'wag mo akong iiwan, hon.  Ikaw ang mahal ko.  Please, please?  Honey, don't do these...  Don't leave me!!!  Di ba sabi mo, walang bibitiw?"

Panay ang sigaw, iyak, at pagmamakaawa ni Wilson.

Pagdating sa may pintuan ng aking kwarto ay lumingon ako nang bahagya sa direksiyon niya.

Hilam na ng luha ang mga mata ko.  Hindi na ako makahinga.

"Ikaw ang bumitiw, hindi ako," sabay kandado sa aking pinto upang kahit paano'y hindi ko na marinig pa ang mga sumunod na pakiusap na Wilson.

Ibinagsak ko ang aking sarili padapa sa aking kama para yakapin ang malaki kong unan. Ito na lamang ang nakarinig ng mga katagang sinabi ko bago ako makatulog dahil sa labis na kapaguran...

"Bye, Wilson." 

___________________________________

Itutuloy :)


Certified NBSB - Part 1


Certified NBSB - Part 8


Certified NBSB - Part 10

No comments:

Post a Comment