Pumunta
pa si Wilson sa amin hanggang sa araw nang pagbalik niya sa Dubai para humingi
ng tawad at makausap ako, pero hindi ko na siya hinarap. Bukod sa pagod sa maghapong trabaho ay ayoko
na rin talaga siyang makita pa. Nag-iwan
pa siya ng isang bouquet ng bulaklak na may mensahe sa card na, “Wait for me,
please. Magpapa-annul ako.”
Nabanggit
ko na din kina nanay at tatay ang mga pangyayari. Napaiyak si nanay nang malaman ang
katotohanan. Hindi man kumibo si tatay
ay bakas sa kaniyang mukha ang galit. Itinuring
na rin kasi nilang parang anak si Wilson.
Kahit
paano’y pinakiharapan pa rin siyang mabuti ng mga magulang ko hanggang sa
huling araw ng kaniyang pagpunta sa bahay.
Isang
araw ng Sabado ay naabutan ko si nanay na nagpipili ng bigas sa may terrace. “Nay, kelan po ang balik nina Tita Mely
dito sa atin?”
“Baka
sa katapusan ng Abril, ‘nak. Bakit mo
naitanong?”
“Pakibilin
nga po na isama si Klang-Klang, bakasyon naman eh. May mga damit akong ipapasukat sa kaniya at
mga gamit na kailangan ko nang ipamigay.”
Dumating
ang katapusan ng Abril at kasama ngang dumating ni Tita Mely ang anak nitong si
Klang-Klang.
“Hello,
Ate Tin! Long time no see!!!” Kasunod nito’y padambang sumugod ang dalaga
sa kinatatayuan ko. “Sabi ni Tita
Lucy eh pinapasama mo daw ako ngayon?
Ano’ng meron?”
“Hala,
dalaga ka na, Klang! Parang di na bagay
ang nickname mo sa iyo.. Claire na lang ang itatawag ko sa iyo para tunog
dalaga na din! Lika, sama ka sa akin sa
kwarto, may mga ipapasukat akong damit sa iyo, feeling ko eh kasya na ‘yung mga
‘yun sa iyo ngayon.”
Iginiya
ko paakyat si Claire patungo sa aking silid.
Nag-iisa ko siyang pinsan na babae kaya kahit na malayo ang agwat ng
aming edad ay close kami. Madalas siyang
mag-text ng tungkol sa mga crush niya sa school at ako naman ay madalas ding
magpayo sa kaniya ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay.
Hindi
pa man nakakaupo sa aking kama ay nag-usisa na siya agad, “Ate Tin, kumusta ka
na? Nagparamdam pa ba ulit ‘yung makulit
mong ex?,” dire‑diretsong tanong ni Claire sa akin.
Hindi
ko inaasahan na ‘yun agad ang itatanong ng bata sa akin kaya hindi ako
nakasagot agad.
Kinapa
ko muna ang mga sagot sa aking sarili.
Kumusta
na nga ba ako? Mahigit isang buwan na
rin pala mula nang mangyari iyon…
“O,
kunin mo nga itong T-shirt na ito. Sukat
mo nga, pati ‘yung ripped jeans... sukat mo pareho. Tingnan ko kung kasya na sa iyo..”
Dahil
malaking bulas sa kaniyang edad, kasya na lahat ng damit na ipinasukat ko kay
Claire. Isang malaking paper bag ang
napuno ng mga damit na ipinauwi ko sa kanya.
Excited
na excited si Claire paglabas ng kwarto ko.
Nauna siyang bumaba para ibida sa Tita Mely ang mga bagong damit niya.
“Hala,
bigay lahat sa iyo ng ate Tin mo ‘yan?
Mukhang mga di pa naisusuot ‘yung iba ah. Baka naman kinuha mo lang lahat, nakakahiya,
‘nak!”
Napapangiti
ako sa aking silid habang sinasamsam ang mga naiwang mga hanger. Pababa na rin ako nang may napansin ako sa
aking tokador. May naiwan pa pala. Pumihit ako saglit para bitbitin ang mga ito.
Pagdating
ko sa kusina ay nagme-meryenda na sina nanay, Tita Mely, at Claire. Kumuha ako ng isang maliit na pinggan para
sumalo sa kinakain nilang pansit palabok na dala ng aking tiyahin. Specialty niya ito, kaya hindi ako
nag-atubiling kumain.
“Tita,
tig-isa kayo ni Claire.” Kasunod nito ay iniabot ko ang dalawang relo
na nakalagay pa sa original na lalagyan nito.
“Naku,
Tin, ano ba ‘yan! Nilimas mo na ata ang
laman ng kwarto mo. Ano ba ang
nangyayari sa iyo at pinamimigay mo’ng lahat ang mga ‘yan?”
“Tita,
ok lang ‘yan. Di ko na rin naman po
magagamit. Mabuti na po ‘yung
mapakinabangan ng iba. Ayoko din naman
pong ibenta at regalo po ‘yan sa akin ni …”
“Voldemort!,”
patudyong sabi ni
Claire.
“Vol-de…Bigay
nino kamo?,” di makapaniwalang tanong ng nanay ko sa dalaga.
Napangiti
ako dahil kami lamang ni Claire ang nagkakaintidihan. “Nay, si Voldemort po,
He-who-must-not-be-named,” siya po ‘yung kalaban ni Harry Potter.
“Ay
naku, kayo talagang mga kabataan kayo… kung anu-ano ang mga nalalaman
ninyo! Kumain na nga kayong dalawa!,” pabirong sagot ni Tita Mely. “Pero ‘nak, sigurado ka bang ipapamigay mo
na lahat ang mga ito? Mukhang mga
mamamahalin, eh!”
Tumango
ako para mapigilan na rin ang pag-agos na naman ng tubig mula sa mga mata ko.
Alam
na din ni nanay na ganun ang plano ko sa mga regalo ni Wilson. Noong una ay ayaw niya akong payagan na gawin
‘yun at sabi ay itabi ko na lamang sa isang kahon at itago sa kasuluk-sulukan
ng aking silid kung ayaw kong maalala pa siya.
“Nay,
alam ninyo namang ayoko ng madaming tambak sa kwarto. Masasayang lamang po ang mga iyon. Masisira nang walang gumagamit. Mas mainam na po ‘yung maging kapaki-pakinabang
sya sa ibang tao. At saka mga malalapit
naman po sa atin ang pagbibigyan ko.”
Wala
naman ngang nagawa na si nanay sa naging desisyon ko.
Isang
weekend ay lumabas kami ni Drew para maghanap ng sapatos na isusuot sa kasal ni
Gelai. Hindi maiiwasang hindi namin pag-usapan
ang nangyari sa aming dalawa ni Wilson.
“Bes,
musta na?”
“Getting
by…,” sabay laro sa
pasta na nasa aking harapan. “Pero in
denial pa din, somehow. Paminsan-minsan
ay naiisip ko pa din siya. Umiiyak pa
din ako pag naiisip ko ‘yung happy memories namin… ‘yung surprises, ‘yung
conversations, ‘yung bakasyon ko sa Dubai…”
Hinawakan
ni Drew ang aking kamay. Pinisil ito.
“Oo
naman, bes… ‘di naman ganun kadali mawawala ‘yan. First love mo eh, first heart break pa. Iiyak mo lang pag feel mo umiyak. Alam mo namang andito lang kami, di ba?”
“Super
na-appreciate ko nga ‘yung support ninyo sa akin. Pero minsan talaga, sumusumpong ang sakit…
I’m
not yet over him… Mahal ko pa nga din, eh…
Ang tanga ko lang, di ba?
Bes,
‘yun yung reason kung bakit di ko na siya hinarap nung bumalik pa sya… I might change my mind. Baka makalimutan kong may responsibilidad na
sya, and I might choose to fight for what we had,” at muling tumulo ang aking mga luha.
Lumipat
si Drew sa tabi ko para yakapin ako nang mahigpit, “Okay lang ‘yan. At least you chose the right thing to
do. Cliché as it may sound, darating ang
araw na pag naalala mo ang pangyayaring ‘yan eh wala ka nang mararamdamang
sakit. Mayroon sigurong kaunting kirot,
pero you’ll just remember the boy but the not the feeling. Kumbaga sa picture eh, blurred na siya. Tatawanan mo na lang ‘yan, promise!”
“Sana
nga, Bes. Minsan nate-tempt pa din akong
basahin ‘yung mga letters na bigay niya.
Minsan gusot ko pa ding icheck ang Facebook niya. It still makes me cry.”
“O,
akala ko ba na-dispose mo na lahat ng bigay ni Wilson sa iyo?”
“Yup..
lahat ng gifts niya… ‘Yung heart na pendant ay ibinigay ko kay nanay. Iyong mga sulat, nasa akin pa. Sana isang araw, magkalakas-loob na din ako
to let it all go.”
“Anyways,
change topic. Nagkausap na ba kayo nung
makaka-partner mo sa pag‑eemcee sa kasal ni Gelai?”
I
rolled my eyes. Inabot ko ang tissue na
sa dulo ng mesa para ipahid sa aking mga mata.
“’Yung Mark? Naku, ke-lalaking-tao
eh ang arte-arte! Nag-sked kami to meet
one time last week para pag-usapan ‘yung program. Last minute eh nag-cancel. Nagresked kami the following day, tapos
pagdating naman dun eh wala pa kami nasisimulan ay dumating na ‘yung girlfriend
at nagpasama somewhere. Ano pa matatapos
namin pag ganun? Naku, I bailed
out. Sabi ko kay sis eh mahirap mag‑emcee
pag ‘di ko kakilala ‘yung partner ko sa pagho-host. Di ko alam kung paano ko ibabato ang
punchlines ko at hindi ko rin alam if mage-gets niya ‘yung mga ibabato ko. Sabi ni Gelai eh ‘yun din daw ‘yung partner
ko sa veil. Haaayyy..”
“Hahaha! Maarte ba?
Pinsan ni Frank ‘yun eh. Sa
pagkakatanda ko eh isa ‘yun sa pinaka-close na cousin ni Frank.”
“Whatever.”
Pagkatapos
nito’y sinenyasan na namin ang waiter para bayaran ang bill.
Inabot
din ng apat na oras ang paghahanap namin ng sapatos na babagay sa gown na aming
isusuot.
“Tin,
ang love, parang paghahanap ng sapatos.
Ang dami nating makikita pero isa lang ‘yung sakto sa paa natin… tama
ang sukat, tama ang kulay, komportable.”
“Sana
lang, matibay ‘yung sapatos, parang Spartan,” pangiting sabi ko kay Drew habang pababa kami ng
escalator papunta sa parking.
June
7, 2013. Bisperas ng pag-iisang dibdib
nina Frank at Gelai. Napagkasunduan
naming magkakaibigan na mag-check-in na sa hotel na pagdarausan ng reception
para sa hair and makeup at pictorial ng nakuhang supplier ng mga ikakasal.
“Hello,
Tin, ready ka na? Papunta na kami ni
Randolph dyan sa inyo. Huwag mong
kalimutan ‘yung mga pinadadala ni Gelai, ‘yung garter, ‘yung posporo, ‘yung
scissors.”
“Yes,
ma’am, ok na po. Hihihi.. ingats!”
Pinili
pa rin ni Gelai na sumama sa kwarto namin nang gabing iyon.
“Hoy,
Gelai, matulog ka na! Bawal ang eyebags
sa best day of your life! Dapat
fresh! Sige ka, baka magbago ang isip ni
Frank, hahaha. At kailangan mo ng
madaming energy bukas,”
tudyo ni Myrtle.
“Mga
sis, thank you so much for being there for me through thick and thin. Salamat sa lahat ng help para masiguradong
magiging maayos ang wedding ko. Super
thank you talaga. The best talaga kayong
mga kaibigan ko. If I die and will be
given a chance to live again, kayo pa din ang hihilingin ko na maging mga
kaibigan ko,” sa
pagkakataong ito ay umiiyak na si Gelai habang naka-group hug sa aming apat.
Si
Czarina ay humihikbi na din, “Ano ba yan, death agad? Wala pa ngang asawa si Kristinella. Kailangan happy lang tayo!”
“At
saka ‘yaan nyo naman na makahinga kami minsan from our hubby and kids. Bawal muna ang iyakan ngayon. In the coming months, mabi-busy na si Gelai
kay Frank and kids, hahaha,”
banat naman ni Drew habang sinisiko ako dahil ako na lamang ang hindi kumikibo.
“Sisters
forever!,” lamang ang
naidagdag ko sabay taas sa bote ng red wine na halos wala ng laman.
Ikatlo
pa ng hapon ang kasal nina Gelai at Frank, pero maaga din kaming nagising dahil
aayusan pa kami isa-isa at magkakaroon pa ng pictorial bago ang aktuwal na
kasalan.
Ligalig
ang lahat. Parang dinaanan ng bagyo ang
aming silid dahil sa mga nagkalat na damit, sapatos, makeup, accessories, mga
lalag na invitation, at kung anu-ano pa.
Nakasabit
sa isang rack ang mga gowns na aming isusuot.
Periwinkle blue ang motif na napili ng mag-asawa. Iba-iba ang style ng gown na ipinagawa ni
Gelai para sa amin. Nagustuhan ko ang
lapat ng gown na dinesign ng couturier para sa akin. Hindi masyadong revealing ang sabrina cut na napapatungan
ng chantilly lace na tinahi niya para sa akin.
Alas-dos
pa lang ng hapon ay nasa Caleruega na kami.
Si Gelai ay nasa hotel pa para sa final pictorial bago sya ihatid ng puting
Mercedes Benz SL550 na ipinahiram ng tiyuhin ni Frank. Hindi naglaon ay nakita ko na rin sina nanay
at tatay na lulan ng maroon na Toyota Revo na hiniram sa aking pinsan na siya na
ring nagmaneho.
Sa
pag-aayos sa procession ko na muling nakita si Mark. “Hi, Mark po,” sabay abot ng kaniyang
kanang kamay sa akin. Iniabot ko naman
ito para sa isang hand shake, “Yeah, I know.
We’ve met, right?”
“Ms.
Tin? Wow, sorry, di kita nakilala. Blooming ka ngayon,” pabirong sabi ni Mark.
Sasagot
pa sana ako nang biglang lumapit ang girlfriend niya, “Babe, I’ll sit beside
your mom.” “See yah in a while,”
sabay halik sa pisngi ng binata.
Maya-maya
ay nag-cue na ang wedding coordinator sa pagsisimula ng seremonya. Hindi pa namin nakikita si Gelai. Request niya ‘yun na hindi na magpakita sa
amin pag naayusan na siya para daw surprise na lang pag naglalakad na siya sa
isle.
Stunning
ang aura ni Frank sa may altar. Naka-black
tuxedo ito. Bakas ang kasiyahan sa mukha
ng kaniyang mama at papa na nasa kaniyang tabi.
At
tumugtog na ang klasikong “Here Comes The Bride” sa piano. Napalingon ang lahat sa nakapinid na pinto ng
simbahan. Kasabay ng pagbubukas nito ay
ang unti‑unting pagsiwang ng liwanag mula sa labas. Maya-maya ay aninag na ang silhouette ni
Gelai. Unti-unting nalaglag ang mga petals
ng mga pulang rosas mula sa isang maliit na net na nakasabit sa may entrada ng
simbahan. May putting ribbon ito sa magkabilang
dulo na siyang hinila ng mga assistants para malaglag ang mga talulot kasabay ng
pagpasok ni Gelai.
Naghihintay
na si Tito Emil at si Tita Nora sa bandang gitna ng isle para ihatid ang anak
na panganay sa altar. Mugto na ang mata
ni Tita Nora sa di-mapigilang pag‑iyak.
Kagaya
nang nangyari noong kasal ni Myrtle, Drew, at Czarina ay napaiyak akong muli habang
naglalakad si Gelai patungo sa altar. Luha
ito ng kagalakan sapagkat bakas sa mukha ng bride at ng groom ang lubos na
kasiyahan sa kanilang pag‑iisang dibdib.
Tatlong taon na boyfriend at girlfriend.
Tatlong taon din ang engagement.
Hindi
naglaon ay nagsimula na ang misa. Napakaganda
ng homilyang ibinigay ni Father Carreon.
“…Love
does not rejoice at wrongdoing, but finds its joy in the truth. It is always ready to make allowances, to
trust, to hope and to endure whatever comes.
Frank and
Gelai, as you start your journey together as husband and wife, always remember
these words. The anchor verse of your
relationship will be this. Your life
will not always be a bed of roses. At
some point in time, you will experience struggles. You will be tempted. You will get angry at each other. The Bible tells us, do not rejoice in your
wrongdoings but be ready to make allowances. Trust your partner. Try to endure whatever comes. Hindi na ito simpleng boyfriend‑girlfriend
relationship na kung kalian ninyo gustong maghiwalay ay pwede na. Na kapag hindi na okay ang lahat ay pwede na
kayong magdesisyon na tapusin ang lahat. ‘Iyon ang mapagpalayang pag-ibig. Marriage is different. You are now consecrating yourselves to the
Lord. And what God has joined together, let
no one separate. Ang love na mayroon
kayo ngayon encompasses all flaws. With
God as your center, hindi ‘nyo na hahayaang matibag kayo ng imperfections. You have to stay true with your promises sa
harap ng dambanang ito. Ito ay
panghabambuhay na. Till death do us part,
ika nga…”
Mapagpalayang
pag-ibig.
May
kung ano’ng kumislot sa puso ko.
Masaya
ang naging program sa reception ng kasal nina Gelai at Frank. Scripted na ang bouquet toss. Hindi na inihagis. Kusa na nila akong pinatayo dahil ako na
lamang ang dalaga sa aming magkakaibigan. Panay ang tukso ng mga ibang mga guests na
nakakikilala rin sa akin. Ayokong bigyan
ng sama ng loob ang mga bagong kasal kaya game din naman akong nakisaya sa mga
inihindang games. Ang nakasalo ng garter
ay ang teenager na kapatid ni Frank kaya hindi naman naging awkward ang mga
ipinagawa sa amin ng photographer dahil parang kapatid ko na din si Ferdie.
Nang
matapos ang mga formalities ay nagpaalam na din ako sa aking mga kaibigan. May kani-kaniya namang mga sasakyan kaya
naisipan kong sumabay na din kina nanay at tatay pauwi para hindi na din
maabala pa si Randolph o si Erick. Isang
mahigpit na yakap at matunog na halik ang iniwan ko kay Gelai.
“Frank,
take good care of our sister, ha? You
know the drill. Pag may tanong, call us
any time of the night, hahaha,”
pabirong sabi ni Drew habang nagpapaalam sa mga bagong kasal.
Gabi
na nang makarating kami sa bahay. Nagtimpla
pa ng kape si nanay para kay tatay at akmang manonood pa ng late-night news. Nagpaalam akong magpapatiuna na dahil sa
naramdaman kong pagod dala na rin ng puyat nang nagdaang gabi.
Kinabukasan
ay maaga akong nagising. Wari ko’y
nakapagwalis na si nanay sa aming bakuran dahil aninag na ang usok na
nanggagaling sa mga tuyong-dahon sa aming likod‑bahay. Bumangon ako para magkape at bumalik rin agad
sa aking silid.
Bahagya
kong inililis ang cover ng aking kama para abutin ang isang kahon sa ilalim nito.
Naalikabukan na ng bahagya ang kulay
rosas na Papemelroti box na regalo ni Drew noong nakaraang birthday ko. Pinagpag ko ang nanikit na agiw sa paligid ng
kahon at dire-diretso akong tumungo sa likod-bahay.
“This
is it, Tin,” kumbinsi
ko sa aking sarili.
Marahan
kong binuksan ang kahon.
Naroon
ang lahat ng mga sulat at cards na ipinadala ni Wilson noong magkasintahan pa
kami.
Binuksan
ko ang isang liham.
Mayroong
drawing ng isang lilang bulaklak sa may gilid ng dilaw na papel.
19
August 2011
Honey
ko!!!
I
miss you!
Yang
naka-drawing ay isang arab flower… monsonia nivea. Naisip ko na parang ikaw yan. Nung inoffer ko ‘yung love ko syo, you opened
up yourself to be loved. Naks! Korni ko…
Kadadating
ko lang from …
Hindi
ko na rin nakayanang tapusin pang basahin ang laman. Nilukot ko na nang tuluyan ang liham at
inihagis sa nagbabagang mga dahon.
Hilam
na ng luha ang aking mga mata nang maabo ang lahat ng mga papel na inilagay ko
sa siga. Masakit pa rin palang maalala lahat
nang masasayang kwentuhan naming dalawa, lahat ng pangakong napunta sa wala…
Ilalapat
ko na sana ang takip ng kahon nang may nalaglag pang isang papel na tumama sa
aking paa. Dinampot ko ito para tingnan
kung ano pa ang naiwan. Picture naming
dalawa sa entrance ng Ferrari World. Natatandaan ko ito. Nakiusap kami sa isang matandang
Indian para kunin ang larawang ito.
Ang
pag-ibig ay mapagpalaya.
Niyakap
ko nang bahagya ang picture at pagkatapos ay hinayaan ko na rin itong maging
abo kasama ng iba pa.
“Paalam,
mahal ko.”
Pagkatapos
nito’y tumalikod na ako pabalik sa aking silid.
Mahaba
pa ang araw.
Pag-akyat
sa aking silid ay binuksan ko ang aking Facebook account. Matagal-tagal ko na din palang hindi ito
nabubuksan. Naka-upload na ang ibang mga
pictures mula sa kasal nina Gelai at Frank. May mga mensahe akong hindi pa nababasa. Pumunta ako sa aking timeline at itinipa ang
mga ito sa keyboard:
Moving
on.
___________________________________
- THE END -
Matuling
lumipas ang mga araw.
Nagpabinyag na si Frank at Gelai ng
kanilang panganay. As usual ninang na
naman ako. Hindi na kinuhang ninang ang tatlo
pa naming mga kaibigan dahil masama daw iyon sabi ng matatanda, para daw
nagsolian ng kandila.
Sumapit ang first birthday ni Angela.
Kumpleto kaming magkakaibigan. Buntis ulit si Myrtle. Naka-attend na finally si Martin, ang seaman
na asawa ni Czarina. Big girl na din si
Jenine na inaanak ko naman kay Drew at Randolph.
Busy ako sa pagkuha ng pagkain sa
buffet table kaya hindi ko namalayan ang paglapit ng isang tao sa aking tabi.
“Suplada
ka pala sa personal, miss.”
Si Mark.
___________________________
Abangan
… J
Can't wait to read the ending! Bilisan mo pagsulat!
ReplyDeleteAng next story after this aabangan ko...
ReplyDeleteThanks, Pench, for supporting my project :) Hahaha..
ReplyDeleteDon't worry. Am writing the next story na.. promise, masaya na ito..
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletethat hurts bigtime! :( very heart tightening, i really wish your a fan of happy endings, but its a breath of fresh air, great story & you made me cry, sob, sob sob
ReplyDeleteThank you, Rose! :) Don't worry, the sequel's gonna be lighter.. :)
ReplyDeletebuti pa si Tin "moving on" na agad, ako still hurting pa rin, hehehe
ReplyDeleteMakaka-move on din tayo :)
ReplyDelete