Sunday, May 22, 2016

NBSB No More - Part 1


Matuling lumipas ang mga araw.

Nagpabinyag na si Frank at Gelai ng kanilang panganay.  As usual ninang na naman ako.  Hindi na kinuhang ninang ang tatlo pa naming mga kaibigan dahil masama daw iyon sabi ng matatanda, para daw nagsolian ng kandila.

Sumapit ang first birthday ni Angela.

Kumpleto kaming magkakaibigan.  Buntis ulit si Myrtle.  Naka-attend na finally si Martin, ang seaman na asawa ni Czarina.  Big girl na din si Jenine na inaanak ko naman kay Drew at Randolph.

Busy ako sa pagkuha ng pagkain sa buffet table kaya hindi ko namalayan ang paglapit ng isang tao sa aking tabi.

“Suplada ka pala sa personal, miss.”

Si Mark.















Dedicated sa mga kaibigan kong kunsintidor sa love life ko,
pero never nagsawang mag-abot ng tissue pag iyakan time na.

You know who you are.

Lab yu!


1:  ACQUAINTANCES


“O, Mark, hi!  Kumusta?”  Si Mark ay malapit na pinsang-buo ng kaibigan kong si Frank.  Siya ang ka-partner ko as veil sponsor sa kasal nila ni Gelai noong June 2013.  “I’m good!  It’s been a while.  Absent ako nung binyag ni Angela, I was out of the country for a convention.”

Luminga-linga ako para tingnan kung biglang susulpot mula kung saan ang girlfriend nito na sobrang territorial.

“Are you with someone?,” tanong nito sabay kamot sa ulo na para bang nagsisi sa kaniyang naibulalas.  “Yes.  Kasama ko ang mga girls.  Excuse me, baka hinahanap na nila ako.”

“Sure.  It’s good to see you again!,” pahabol na hiyaw ni Mark kasabay ng isang matamis na ngiti.

Malayo pa ako sa lugar na aming inuupuan ay napuna ko na ang hagikhikan ng aking mga kaibigan.  Bitbit noon ni Drew ang birthday girl na natutulog sa kaniyang balikat.

“Nakatulog na ang inaanak mo sa paghihintay sa iyo.  Ang tagal mo daw makakuha ng food sa buffet table,” pabirong sabi ni Gelai na noo’y nagpapahinga sa isa sa mga upuan.  “Hinayaan ko na muna si Angela sa Tita Drew niya.  Ang bigat na din, masakit na ang braso ko kabubuhat,” sabay taas sa kaniyang mga kamay para wari’y pagpagin.

Napansin kong kami na lamang mga girls ang nasa mesa.  Ang mga bata ay wiling‑wili sa paghahabulan sa maluwang na lawn ng mag-asawa.

Tila naunawaan naman ni Myrtle ang paghahanap ko kaya sumagot ito, “naku, may sariling mesa na ang boys.. alam mo na, for the boys na.. inuman na…”

“Kung ikaw ba naman eh…,” untag ni Czarina.  Inawat ko na ito para hindi na maituloy pa ang sasabihin.  “Oo, ako na.  Ako na naman… wait lang kayo… kakain muna ako, hahaha!”  At itinuloy ko na ang pagkain ng masarap na merienda.

Abalang-abala na kami sa picture-taking at ‘groupies’ bitbit ang mga makabagong telepono nang lumapit sa amin si Mark bitbit ang kaniyang DSLR camera.

“Hi, guys!  Care to have some pictures taken?”

Hindi pa man nakasasagot ay excited nang nagsipuwesto ang apat kong mga kaibigan para makuhanan ng larawan.

“Ay sandali, wala pa si Tin!  Tin, bilisan mo, picture daw o!  Mas maganda ang kuha sa camera ni Mark, high-tech!  Dali!!!!,” pasigaw na sabi ni Czarina.  Hindi pa rin ito nagbabago, siya pa rin ang maingay at war-freak sa aming magkakaibigan.  Napailing na lamang ako habang hinahanap ang pwesto para makuhanan na kami ni Mark.  Nagising din si Angela sa pagkakatulog nito sa balikat ni Drew marahil sa kaguluhan sa kaniyang paligid.  Himalang hindi ito umiyak at tila ready din sa pagngiti sa bawat kislap ng flash.

Sinipat ni Mark sandali ang unang picture na kaniyang kinuha.  May mga pinindot ito sa camera at maya-maya’y nagsalitang muli, “Ammm, Tin, ok lang ba kung uusod ka dito sa medyo unahan at medyo center?  Hindi kasi balance.”  Kasabay nito’y itinuro ni Mark kung saan ako uupo.

Habang inaayos ni Mark ang pwesto ko ay napansin ko ang lihim na kindatan ng aking mga kaibigan.  Ako na naman ang nakita ng mga ito.  At talagang kay Mark pa?  Hindi ba nila natatandaan kung paano magbantay ang girl friend nito noong kasal nina Frank at Gelai?

Himala nga na hindi nito kasama ang nobya sa pagtitipon.  Baka nasa abroad or may ibang commitment, sagot ng isip ko sa aking paghahanap.

“Pakita mo sa amin ‘yang mga kuha mo kung maganda kami, Mark ha?,” bati ni Gelai.

“Sure, tag ko kayo sa FB pag uploaded na.  Ay, wait, di ko pa ata kayo friends lahat.  Kayo pa lang ni Kuya Frank ang ka-FB ko.  Ok lang ba if invite ko kayo lahat as friend?”  Kasunod nito’y ang pagsuyod niya ng tingin sa aming lahat na para bang naghihintay ng sagot sa kaniyang pagpapaalam.

“Sige, add mo lang kami,” sagot naman ni Drew para sa aming lahat.

Matapos ang birthday party ay naiwan pa kaming magkakaibigan sa bahay ng mag‑asawa para mag-tea.

Nakakatuwang isipin how time really flies.  Parang kailan lang, masaya na kaming magkakasama sa lugawan ni ‘ti Mely sa may kanto malapit sa school namin noong high school.  Pilit naming tinitipid ang baon sa school para mayroon kaming pambili ng lugaw at tokwa sa hapon habang nagpapatay ng oras bago umuwi.  Dumaan din kami sa panahon na natutong uminom ng beer at hard drinks noong nakapag-debut na kaming lahat.  Madalang namang mangyari ‘yun, usually pag sem break at nasa Batangas kaming lahat o di kaya ay pag mayroong broken-hearted sa isa sa aming magkakaibigan.  Si Czarina lang din naman ang malakas uminom sa aming lima.  Madalas ay mas marami pa ang pagkain namin kaysa sa inumin.  Magkasama‑sama lang kami ay okay na.  Kaunting sound trip on the side at walang‑humpay na kwentuhan ay nairaraos na namin ang aming girl bonding.

Ngayon ay tea party na ang aming ginagawa, at sa kani-kaniyang mga bahay na.

“Tin, may balita ka kay Wilson?,” pagkarinig ng pangalang iyon ay biglang nawala ang pagmumuni-muni ko.

“Ha?  Wala eh.  Di na rin naman ako nagchecheck about him.  It’s been what, 2 years…”  Pilit kong kinapa ang aking sarili kung ano ang naramdaman ko ng marinig kong muli ang pangalan niya.

Wala na.  Walang kirot.  Walang flashback ng memories.

Weird.

Saka ko lamang siya naalala ngayong nagtanong na si Myrtle.

Two years.

Malaki na rin siguro ang anak nila ni Lira.  Boy or girl kaya?

“Wow, strong na ang bes ko!  Wala ng emotion pagkarinig ng name ni He‑Who‑Must-Not-Be-Named!  Ang galing ah… two years!,” kasunod nito’y pumorma si Drew ng isang high five sa akin.

Napangiti na lamang ako sa tuksuhan ng mga kaibigan ko.  Habang nagpapakulo ng tubig para sa aming tsaa ay nabuksan ulit ‘yung nangyari sa aming dalawa.  Nakakatuwa ang mga ala-ala.  Madami pala talaga kaming happy memories.  Kahit si  Czarina na pinaka-vocal sa pagkagalit kay Wilson ay mukhang naka-move on na rin.

“Honestly, love na love ko kayo.  I truly appreciate ‘yung presensiya ninyo lalo na nung krung-krung moments ko.  Akala ko, end of the world na.  Ganun pala ma‑broken hearted…  ang sakit pala!  Pero doon ko talaga nakita ang pagiging amasona friends ninyo, hahaha!  Kulang na lang eh sugurin ninyo si Wilson sa Dubai at sunugin ang villa nya ‘run!  Super thankie, mga sisters!  Kampai!,” sabay taas sa tea cup ko na wala pa namang laman.

Maya-maya ay lumabas na si Gelai dala ang teapot na may mainit na tubig.  Kanya‑kanya na kami ng kuha ng tea bag sa organizer.  Favorite ni Myrtle ang Earl Grey, black kay Drew, chamomile kay Gelai, green kay Czar, at lemon with mint naman sa akin.

Lumapit si Randolph bitbit ang isang bote ng ice-cold beer.  “Tin, tea or beer?,” at nagkatawanan na kaming lahat nang malakas.

Mag-aalas-nuwebe na ng gabi nang makabalik si Frank sa bahay nila ni Gelai mula sa paghahatid sa kaniyang mga parents pauwi sa kanilang bahay sa Batangas.  Kinabukasan na daw uuwi ang mga ito sa Mindoro para hindi na rin masyadong mag-alala sina Frank.

“Love, alam mo ba, tuwang-tuwa sina mommy sa mga ito,” sabay turo ni Frank sa aming magkakaibigan, “kakaiba daw ang friendship na mayroon kayo.”

Nagkatinginan kaming lahat.  Totoo ang sinabi ng mommy ni Frank.  We’ve been friends for more than half of our lives.  Mga gusgusing Batangueña pa lamang kami ay magkakasama na kami.  Classmates kami mula grade 1 hanggang maka‑graduate ng high school.  Hindi pa mandatory ang pre-school noon kaya sa aming lima, si Myrtle at si Gelai lamang ang nakapag-aral ng kinder.

Nauna nang umuwi sina Myrtle dahil hindi na pwedeng magpuyat ang buntis.  Hindi naglaon ay sumunod na ring nagpaalam ang mag-asawang Czar at Martin dahil maaga pang luluwas ang mga ito kinabukasan.

Hinintay lamang naming makapagpahinga sandali si Frank bago kami nagplanong umuwi nina Drew at Randolph.  Maluwag na ang iskedyul ng mag-asawa dahil hindi na alagain si Jenine.  Malaking-bulas nga din ito sa edad na siyam na taon.  Masaya lamang itong nagpatay ng oras hawak ang kaniyang tablet.

“O paano, sis.. Frank… uwi na kami.  Inaantok na din itong si Jenine.  May taekwondo training pa ito bukas,” pagpapaalam ni Randolph sa mag-asawa.  Pagkasabi nito’y tumayo na rin kami ni Drew para humanda sa aming pag-uwi.

Nagpasalamat din ako sa mag-asawa.  May pauwi pa itong mga dessert para kina nanay at tatay.

Sa dami ng bisitang imbitado sa party ay sa labas na nakapag-park si Randolph ng kaniyang sasakyan.  Naglalakad na kami palabas ng gate nang humimpil ang isang Ford Everest na blue sa aming tapat.

Humahangos na bumaba ng driver’s seat si Mark.

“Hi!  Naiwan ko ang spare battery pack ng camera ko sa tabi ng buffet table kanina.  Naiwan ko palang naka-charge dun!  Uwi na ba kayo?  Wait, sabay-sabay na tayo!”

Tumakbo itong papasok sa loob ng gate habang naiwan namang umaandar ang makina at nakabukas ang pinto ng kanyang sasakyan.

Napailing na tumayo si Randolph sa gilid ng sasakyan ni Mark, “Hintayin na natin ang pobre.  Baka ma-carnap pa ang Everest niya.”  Tatawa-tawang biro ni Randolph sa amin.

Wala kaming nagawa ni Drew kung hindi maghintay sa gilid ng daan.  Safe naman sa village nina Frank at Gelai dahil sa 24-hour roving security.  Hindi lang din siguro matiis ni Randolph na iwanan ang sasakyan na walang ibang nagbabantay.

Nakabalik naman agad si Mark bitbit ang isang kulay itim na bagay sa kaniyang kamay.  Nahinuha kong ito ‘yung battery pack na kaniyang nabanggit pagbaba ng sasakyan.

“Pasaan kayo, ‘pre?”  Sa Makati nakatira ang mag-asawa kaya madalas ay sila ang sumusundo at naghahatid sa akin dahil sila ang pinakamalapit sa Pasay.

“O really, saan sa Pasay?  Pasay din ako,” sabay lingon ni Mark sa akin para tanungin ang eksaktong lugar ng bahay namin.  “Sa may Taft,” sagot ko.

Nag-offer si Mark na siya nang maghahatid sa akin pauwi para makadiretso na pauwi ang mag-asawang Drew at Randy.  Maluwag na ang daloy ng trapiko nang mga oras na iyon kaya hindi rin naglaon at humimpil na kami sa tapat ng aming bahay.

Inalalayan ako ni Mark pagbaba nang sasakyan dahil medyo mataas ang Everest.  Nagpasalamat ako at inanyayahan siyang pumasok sa aming bahay para makapag‑kape man lang.

“No thanks.  Hinihintay din ako ni mommy sa condo at may kailangan daw akong pirmahang mga papeles.”

Naglalakad na akong papasok sa aming gate nang nagsalita siyang muli.

“Maybe we can have coffee some other time.  My treat.  I hope it’s okay with you.”

Lumingon ako sa kinaroroonan niya at bahagya akong ngumiti.  “Good night, Mark.  Thanks sa libreng hatid.  Ingats.”

At tuluy-tuloy na akong pumasok sa bahay kaya hindi ko napansing hindi pala sya umalis agad.  Nasa silid na ako nang marinig ko ang mahinang huni ng kaniyang sasakyang palayo sa aming gate.

Inilabas ko ang cell phone ko mula sa aking bag at inilapag ito sa aking bedside table.  May ilaw pa ito dahil sa isang kapapasok lamang na text.

To:  Tin (+63917-503-xxxx):  “It’s good to see you after a long time.  Good night.”

May number pala ako ng kumag na ‘yun.

Yeah!  We have each other’s number dahil sa meeting namin noon para sa wedding program nina Frank at Gelai.

          To:  Mark Mayabang (+63917-551-xxxx):  Salamat.  Gnyt. Ü


_____________________________________

Itutuloy.



Tuesday, May 17, 2016

Certified NBSB - Full PDF Version

Hello!

For those wanting to read the PDF version of my story "Certified NBSB", you may visit the link below and download the PDF.

https://drive.google.com/open?id=0B7QSW4Y6rucaYVg2QVlSUkQtM0U

You may also share this with your friends who enjoy reading as a pastime.

Thank you very much for supporting OPM (Original Pinoy Manunulat) ☺

God bless us all!

Monday, May 16, 2016

Certified NBSB - Part 10

Pumunta pa si Wilson sa amin hanggang sa araw nang pagbalik niya sa Dubai para humingi ng tawad at makausap ako, pero hindi ko na siya hinarap. Bukod sa pagod sa maghapong trabaho ay ayoko na rin talaga siyang makita pa.  Nag-iwan pa siya ng isang bouquet ng bulaklak na may mensahe sa card na, “Wait for me, please.  Magpapa-annul ako.”

Nabanggit ko na din kina nanay at tatay ang mga pangyayari.  Napaiyak si nanay nang malaman ang katotohanan.  Hindi man kumibo si tatay ay bakas sa kaniyang mukha ang galit.  Itinuring na rin kasi nilang parang anak si Wilson.

Kahit paano’y pinakiharapan pa rin siyang mabuti ng mga magulang ko hanggang sa huling araw ng kaniyang pagpunta sa bahay.

Isang araw ng Sabado ay naabutan ko si nanay na nagpipili ng bigas sa may terrace.  “Nay, kelan po ang balik nina Tita Mely dito sa atin?”

“Baka sa katapusan ng Abril, ‘nak.  Bakit mo naitanong?”

“Pakibilin nga po na isama si Klang-Klang, bakasyon naman eh.  May mga damit akong ipapasukat sa kaniya at mga gamit na kailangan ko nang ipamigay.”

Dumating ang katapusan ng Abril at kasama ngang dumating ni Tita Mely ang anak nitong si Klang-Klang.

Hello, Ate Tin!  Long time no see!!!”  Kasunod nito’y padambang sumugod ang dalaga sa kinatatayuan ko.  “Sabi ni Tita Lucy eh pinapasama mo daw ako ngayon?  Ano’ng meron?”

“Hala, dalaga ka na, Klang!  Parang di na bagay ang nickname mo sa iyo.. Claire na lang ang itatawag ko sa iyo para tunog dalaga na din!  Lika, sama ka sa akin sa kwarto, may mga ipapasukat akong damit sa iyo, feeling ko eh kasya na ‘yung mga ‘yun sa iyo ngayon.”

Iginiya ko paakyat si Claire patungo sa aking silid.  Nag-iisa ko siyang pinsan na babae kaya kahit na malayo ang agwat ng aming edad ay close kami.  Madalas siyang mag-text ng tungkol sa mga crush niya sa school at ako naman ay madalas ding magpayo sa kaniya ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay.

Hindi pa man nakakaupo sa aking kama ay nag-usisa na siya agad, “Ate Tin, kumusta ka na?  Nagparamdam pa ba ulit ‘yung makulit mong ex?,” dire‑diretsong tanong ni Claire sa akin.

Hindi ko inaasahan na ‘yun agad ang itatanong ng bata sa akin kaya hindi ako nakasagot agad.

Kinapa ko muna ang mga sagot sa aking sarili.

Kumusta na nga ba ako?  Mahigit isang buwan na rin pala mula nang mangyari iyon…

“O, kunin mo nga itong T-shirt na ito.  Sukat mo nga, pati ‘yung ripped jeans... sukat mo pareho.  Tingnan ko kung kasya na sa iyo..”

Dahil malaking bulas sa kaniyang edad, kasya na lahat ng damit na ipinasukat ko kay Claire.  Isang malaking paper bag ang napuno ng mga damit na ipinauwi ko sa kanya.

Excited na excited si Claire paglabas ng kwarto ko.  Nauna siyang bumaba para ibida sa Tita Mely ang mga bagong damit niya.

“Hala, bigay lahat sa iyo ng ate Tin mo ‘yan?  Mukhang mga di pa naisusuot ‘yung iba ah.  Baka naman kinuha mo lang lahat, nakakahiya, ‘nak!”

Napapangiti ako sa aking silid habang sinasamsam ang mga naiwang mga hanger.  Pababa na rin ako nang may napansin ako sa aking tokador.  May naiwan pa pala.  Pumihit ako saglit para bitbitin ang mga ito.

Pagdating ko sa kusina ay nagme-meryenda na sina nanay, Tita Mely, at Claire.  Kumuha ako ng isang maliit na pinggan para sumalo sa kinakain nilang pansit palabok na dala ng aking tiyahin.  Specialty niya ito, kaya hindi ako nag-atubiling kumain.

“Tita, tig-isa kayo ni Claire.”  Kasunod nito ay iniabot ko ang dalawang relo na nakalagay pa sa original na lalagyan nito.

“Naku, Tin, ano ba ‘yan!  Nilimas mo na ata ang laman ng kwarto mo.  Ano ba ang nangyayari sa iyo at pinamimigay mo’ng lahat ang mga ‘yan?”

“Tita, ok lang ‘yan.  Di ko na rin naman po magagamit.  Mabuti na po ‘yung mapakinabangan ng iba.  Ayoko din naman pong ibenta at regalo po ‘yan sa akin ni …”

“Voldemort!,” patudyong sabi ni Claire.

Vol-de…Bigay nino kamo?,” di makapaniwalang tanong ng nanay ko sa dalaga.

Napangiti ako dahil kami lamang ni Claire ang nagkakaintidihan.  “Nay, si Voldemort po, He-who-must-not-be-named,” siya po ‘yung kalaban ni Harry Potter.

“Ay naku, kayo talagang mga kabataan kayo… kung anu-ano ang mga nalalaman ninyo!  Kumain na nga kayong dalawa!,” pabirong sagot ni Tita Mely.  “Pero ‘nak, sigurado ka bang ipapamigay mo na lahat ang mga ito?  Mukhang mga mamamahalin, eh!”

Tumango ako para mapigilan na rin ang pag-agos na naman ng tubig mula sa mga mata ko.

Alam na din ni nanay na ganun ang plano ko sa mga regalo ni Wilson.  Noong una ay ayaw niya akong payagan na gawin ‘yun at sabi ay itabi ko na lamang sa isang kahon at itago sa kasuluk-sulukan ng aking silid kung ayaw kong maalala pa siya.

“Nay, alam ninyo namang ayoko ng madaming tambak sa kwarto.  Masasayang lamang po ang mga iyon.  Masisira nang walang gumagamit.  Mas mainam na po ‘yung maging kapaki-pakinabang sya sa ibang tao.  At saka mga malalapit naman po sa atin ang pagbibigyan ko.”

Wala naman ngang nagawa na si nanay sa naging desisyon ko.

Isang weekend ay lumabas kami ni Drew para maghanap ng sapatos na isusuot sa kasal ni Gelai.  Hindi maiiwasang hindi namin pag-usapan ang nangyari sa aming dalawa ni Wilson.

“Bes, musta na?”

“Getting by…,” sabay laro sa pasta na nasa aking harapan.  “Pero in denial pa din, somehow.  Paminsan-minsan ay naiisip ko pa din siya.  Umiiyak pa din ako pag naiisip ko ‘yung happy memories namin… ‘yung surprises, ‘yung conversations, ‘yung bakasyon ko sa Dubai…”

Hinawakan ni Drew ang aking kamay.  Pinisil ito.

“Oo naman, bes… ‘di naman ganun kadali mawawala ‘yan.  First love mo eh, first heart break pa.  Iiyak mo lang pag feel mo umiyak.  Alam mo namang andito lang kami, di ba?”

“Super na-appreciate ko nga ‘yung support ninyo sa akin.  Pero minsan talaga, sumusumpong ang sakit…

I’m not yet over him… Mahal ko pa nga din, eh…  Ang tanga ko lang, di ba?

Bes, ‘yun yung reason kung bakit di ko na siya hinarap nung bumalik pa sya…  I might change my mind.  Baka makalimutan kong may responsibilidad na sya, and I might choose to fight for what we had,” at muling tumulo ang aking mga luha.

Lumipat si Drew sa tabi ko para yakapin ako nang mahigpit, “Okay lang ‘yan.  At least you chose the right thing to do.  Cliché as it may sound, darating ang araw na pag naalala mo ang pangyayaring ‘yan eh wala ka nang mararamdamang sakit.  Mayroon sigurong kaunting kirot, pero you’ll just remember the boy but the not the feeling.  Kumbaga sa picture eh, blurred na siya.  Tatawanan mo na lang ‘yan, promise!”

“Sana nga, Bes.  Minsan nate-tempt pa din akong basahin ‘yung mga letters na bigay niya.  Minsan gusot ko pa ding icheck ang Facebook niya.  It still makes me cry.”

“O, akala ko ba na-dispose mo na lahat ng bigay ni Wilson sa iyo?”

“Yup.. lahat ng gifts niya… ‘Yung heart na pendant ay ibinigay ko kay nanay.  Iyong mga sulat, nasa akin pa.  Sana isang araw, magkalakas-loob na din ako to let it all go.”

“Anyways, change topic.  Nagkausap na ba kayo nung makaka-partner mo sa pag‑eemcee sa kasal ni Gelai?”

I rolled my eyes.  Inabot ko ang tissue na sa dulo ng mesa para ipahid sa aking mga mata.  “’Yung Mark?  Naku, ke-lalaking-tao eh ang arte-arte!  Nag-sked kami to meet one time last week para pag-usapan ‘yung program.  Last minute eh nag-cancel.  Nagresked kami the following day, tapos pagdating naman dun eh wala pa kami nasisimulan ay dumating na ‘yung girlfriend at nagpasama somewhere.  Ano pa matatapos namin pag ganun?  Naku, I bailed out.  Sabi ko kay sis eh mahirap mag‑emcee pag ‘di ko kakilala ‘yung partner ko sa pagho-host.  Di ko alam kung paano ko ibabato ang punchlines ko at hindi ko rin alam if mage-gets niya ‘yung mga ibabato ko.  Sabi ni Gelai eh ‘yun din daw ‘yung partner ko sa veil.  Haaayyy..”

“Hahaha!  Maarte ba?  Pinsan ni Frank ‘yun eh.  Sa pagkakatanda ko eh isa ‘yun sa pinaka-close na cousin ni Frank.”

“Whatever.”

Pagkatapos nito’y sinenyasan na namin ang waiter para bayaran ang bill.

Inabot din ng apat na oras ang paghahanap namin ng sapatos na babagay sa gown na aming isusuot.

“Tin, ang love, parang paghahanap ng sapatos.  Ang dami nating makikita pero isa lang ‘yung sakto sa paa natin… tama ang sukat, tama ang kulay, komportable.”

“Sana lang, matibay ‘yung sapatos, parang Spartan,” pangiting sabi ko kay Drew habang pababa kami ng escalator papunta sa parking.

June 7, 2013.  Bisperas ng pag-iisang dibdib nina Frank at Gelai.  Napagkasunduan naming magkakaibigan na mag-check-in na sa hotel na pagdarausan ng reception para sa hair and makeup at pictorial ng nakuhang supplier ng mga ikakasal.

“Hello, Tin, ready ka na?  Papunta na kami ni Randolph dyan sa inyo.  Huwag mong kalimutan ‘yung mga pinadadala ni Gelai, ‘yung garter, ‘yung posporo, ‘yung scissors.”

“Yes, ma’am, ok na po.  Hihihi.. ingats!”

Pinili pa rin ni Gelai na sumama sa kwarto namin nang gabing iyon.

“Hoy, Gelai, matulog ka na!  Bawal ang eyebags sa best day of your life!  Dapat fresh!  Sige ka, baka magbago ang isip ni Frank, hahaha.  At kailangan mo ng madaming energy bukas,” tudyo ni Myrtle.

“Mga sis, thank you so much for being there for me through thick and thin.  Salamat sa lahat ng help para masiguradong magiging maayos ang wedding ko.  Super thank you talaga.  The best talaga kayong mga kaibigan ko.  If I die and will be given a chance to live again, kayo pa din ang hihilingin ko na maging mga kaibigan ko,” sa pagkakataong ito ay umiiyak na si Gelai habang naka-group hug sa aming apat.

Si Czarina ay humihikbi na din, “Ano ba yan, death agad?  Wala pa ngang asawa si Kristinella.  Kailangan happy lang tayo!”

“At saka ‘yaan nyo naman na makahinga kami minsan from our hubby and kids.  Bawal muna ang iyakan ngayon.  In the coming months, mabi-busy na si Gelai kay Frank and kids, hahaha,” banat naman ni Drew habang sinisiko ako dahil ako na lamang ang hindi kumikibo.

“Sisters forever!,” lamang ang naidagdag ko sabay taas sa bote ng red wine na halos wala ng laman.

Ikatlo pa ng hapon ang kasal nina Gelai at Frank, pero maaga din kaming nagising dahil aayusan pa kami isa-isa at magkakaroon pa ng pictorial bago ang aktuwal na kasalan.

Ligalig ang lahat.  Parang dinaanan ng bagyo ang aming silid dahil sa mga nagkalat na damit, sapatos, makeup, accessories, mga lalag na invitation, at kung anu-ano pa.

Nakasabit sa isang rack ang mga gowns na aming isusuot.  Periwinkle blue ang motif na napili ng mag-asawa.  Iba-iba ang style ng gown na ipinagawa ni Gelai para sa amin.  Nagustuhan ko ang lapat ng gown na dinesign ng couturier para sa akin.  Hindi masyadong revealing ang sabrina cut na napapatungan ng chantilly lace na tinahi niya para sa akin.

Alas-dos pa lang ng hapon ay nasa Caleruega na kami.  Si Gelai ay nasa hotel pa para sa final pictorial bago sya ihatid ng puting Mercedes Benz SL550 na ipinahiram ng tiyuhin ni Frank.  Hindi naglaon ay nakita ko na rin sina nanay at tatay na lulan ng maroon na Toyota Revo na hiniram sa aking pinsan na siya na ring nagmaneho.

Sa pag-aayos sa procession ko na muling nakita si Mark.  “Hi, Mark po,” sabay abot ng kaniyang kanang kamay sa akin.  Iniabot ko naman ito para sa isang hand shake, “Yeah, I know.  We’ve met, right?”

“Ms. Tin?  Wow, sorry, di kita nakilala.  Blooming ka ngayon,” pabirong sabi ni Mark.

Sasagot pa sana ako nang biglang lumapit ang girlfriend niya, “Babe, I’ll sit beside your mom.”  “See yah in a while,” sabay halik sa pisngi ng binata.

Maya-maya ay nag-cue na ang wedding coordinator sa pagsisimula ng seremonya.  Hindi pa namin nakikita si Gelai.  Request niya ‘yun na hindi na magpakita sa amin pag naayusan na siya para daw surprise na lang pag naglalakad na siya sa isle.

Stunning ang aura ni Frank sa may altar.  Naka-black tuxedo ito.  Bakas ang kasiyahan sa mukha ng kaniyang mama at papa na nasa kaniyang tabi.

At tumugtog na ang klasikong “Here Comes The Bride” sa piano.  Napalingon ang lahat sa nakapinid na pinto ng simbahan.  Kasabay ng pagbubukas nito ay ang unti‑unting pagsiwang ng liwanag mula sa labas.  Maya-maya ay aninag na ang silhouette ni Gelai.  Unti-unting nalaglag ang mga petals ng mga pulang rosas mula sa isang maliit na net na nakasabit sa may entrada ng simbahan.  May putting ribbon ito sa magkabilang dulo na siyang hinila ng mga assistants para malaglag ang mga talulot kasabay ng pagpasok ni Gelai.

Naghihintay na si Tito Emil at si Tita Nora sa bandang gitna ng isle para ihatid ang anak na panganay sa altar.  Mugto na ang mata ni Tita Nora sa di-mapigilang pag‑iyak.

Kagaya nang nangyari noong kasal ni Myrtle, Drew, at Czarina ay napaiyak akong muli habang naglalakad si Gelai patungo sa altar.  Luha ito ng kagalakan sapagkat bakas sa mukha ng bride at ng groom ang lubos na kasiyahan sa kanilang pag‑iisang dibdib.  Tatlong taon na boyfriend at girlfriend.  Tatlong taon din ang engagement.

Hindi naglaon ay nagsimula na ang misa.  Napakaganda ng homilyang ibinigay ni Father Carreon.

“…Love does not rejoice at wrongdoing, but finds its joy in the truth.  It is always ready to make allowances, to trust, to hope and to endure whatever comes.

Frank and Gelai, as you start your journey together as husband and wife, always remember these words.  The anchor verse of your relationship will be this.  Your life will not always be a bed of roses.  At some point in time, you will experience struggles.  You will be tempted.  You will get angry at each other.  The Bible tells us, do not rejoice in your wrongdoings but be ready to make allowances.  Trust your partner.  Try to endure whatever comes.  Hindi na ito simpleng boyfriend‑girlfriend relationship na kung kalian ninyo gustong maghiwalay ay pwede na.  Na kapag hindi na okay ang lahat ay pwede na kayong magdesisyon na tapusin ang lahat.  ‘Iyon ang mapagpalayang pag-ibig.  Marriage is different.  You are now consecrating yourselves to the Lord.  And what God has joined together, let no one separate.  Ang love na mayroon kayo ngayon encompasses all flaws.  With God as your center, hindi ‘nyo na hahayaang matibag kayo ng imperfections.  You have to stay true with your promises sa harap ng dambanang ito.  Ito ay panghabambuhay na.  Till death do us part, ika nga…”

Mapagpalayang pag-ibig.

May kung ano’ng kumislot sa puso ko.

Masaya ang naging program sa reception ng kasal nina Gelai at Frank.  Scripted na ang bouquet toss.  Hindi na inihagis.  Kusa na nila akong pinatayo dahil ako na lamang ang dalaga sa aming magkakaibigan.  Panay ang tukso ng mga ibang mga guests na nakakikilala rin sa akin.  Ayokong bigyan ng sama ng loob ang mga bagong kasal kaya game din naman akong nakisaya sa mga inihindang games.  Ang nakasalo ng garter ay ang teenager na kapatid ni Frank kaya hindi naman naging awkward ang mga ipinagawa sa amin ng photographer dahil parang kapatid ko na din si Ferdie.

Nang matapos ang mga formalities ay nagpaalam na din ako sa aking mga kaibigan.  May kani-kaniya namang mga sasakyan kaya naisipan kong sumabay na din kina nanay at tatay pauwi para hindi na din maabala pa si Randolph o si Erick.  Isang mahigpit na yakap at matunog na halik ang iniwan ko kay Gelai.

“Frank, take good care of our sister, ha?  You know the drill.  Pag may tanong, call us any time of the night, hahaha,” pabirong sabi ni Drew habang nagpapaalam sa mga bagong kasal.

Gabi na nang makarating kami sa bahay.  Nagtimpla pa ng kape si nanay para kay tatay at akmang manonood pa ng late-night news.  Nagpaalam akong magpapatiuna na dahil sa naramdaman kong pagod dala na rin ng puyat nang nagdaang gabi.

Kinabukasan ay maaga akong nagising.  Wari ko’y nakapagwalis na si nanay sa aming bakuran dahil aninag na ang usok na nanggagaling sa mga tuyong-dahon sa aming likod‑bahay.  Bumangon ako para magkape at bumalik rin agad sa aking silid.

Bahagya kong inililis ang cover ng aking kama para abutin ang isang kahon sa ilalim nito.  Naalikabukan na ng bahagya ang kulay rosas na Papemelroti box na regalo ni Drew noong nakaraang birthday ko.  Pinagpag ko ang nanikit na agiw sa paligid ng kahon at dire-diretso akong tumungo sa likod-bahay.

“This is it, Tin,” kumbinsi ko sa aking sarili.

Marahan kong binuksan ang kahon.

Naroon ang lahat ng mga sulat at cards na ipinadala ni Wilson noong magkasintahan pa kami.

Binuksan ko ang isang liham.

Mayroong drawing ng isang lilang bulaklak sa may gilid ng dilaw na papel.

19 August 2011

Honey ko!!!

I miss you!

Yang naka-drawing ay isang arab flower… monsonia nivea.  Naisip ko na parang ikaw yan.  Nung inoffer ko ‘yung love ko syo, you opened up yourself to be loved.  Naks!  Korni ko…

Kadadating ko lang from …

Hindi ko na rin nakayanang tapusin pang basahin ang laman.  Nilukot ko na nang tuluyan ang liham at inihagis sa nagbabagang mga dahon.

Hilam na ng luha ang aking mga mata nang maabo ang lahat ng mga papel na inilagay ko sa siga.  Masakit pa rin palang maalala lahat nang masasayang kwentuhan naming dalawa, lahat ng pangakong napunta sa wala…

Ilalapat ko na sana ang takip ng kahon nang may nalaglag pang isang papel na tumama sa aking paa.  Dinampot ko ito para tingnan kung ano pa ang naiwan.  Picture naming dalawa sa entrance ng Ferrari World.  Natatandaan ko ito.  Nakiusap kami sa isang matandang Indian para kunin ang larawang ito.

Ang pag-ibig ay mapagpalaya.

Niyakap ko nang bahagya ang picture at pagkatapos ay hinayaan ko na rin itong maging abo kasama ng iba pa.

“Paalam, mahal ko.”

Pagkatapos nito’y tumalikod na ako pabalik sa aking silid.

Mahaba pa ang araw.

Pag-akyat sa aking silid ay binuksan ko ang aking Facebook account.  Matagal-tagal ko na din palang hindi ito nabubuksan.  Naka-upload na ang ibang mga pictures mula sa kasal nina Gelai at Frank.  May mga mensahe akong hindi pa nababasa.  Pumunta ako sa aking timeline at itinipa ang mga ito sa keyboard:

Moving on.

Post.


___________________________________

- THE END - 



Matuling lumipas ang mga araw.

Nagpabinyag na si Frank at Gelai ng kanilang panganay.  As usual ninang na naman ako.  Hindi na kinuhang ninang ang tatlo pa naming mga kaibigan dahil masama daw iyon sabi ng matatanda, para daw nagsolian ng kandila.

Sumapit ang first birthday ni Angela.

Kumpleto kaming magkakaibigan.  Buntis ulit si Myrtle.  Naka-attend na finally si Martin, ang seaman na asawa ni Czarina.  Big girl na din si Jenine na inaanak ko naman kay Drew at Randolph.

Busy ako sa pagkuha ng pagkain sa buffet table kaya hindi ko namalayan ang paglapit ng isang tao sa aking tabi.

“Suplada ka pala sa personal, miss.”

Si Mark.

___________________________

Abangan … J





Thursday, May 12, 2016

Certified NBSB - Part 9

Dalawang araw ang naka-file kong vacation leave sa trabaho pagkatapos ng isang araw
na sick leave ko, pero naisip kong mas dapat akong maging busy upang hindi ko masyadong maisip ang mga pangyayari kaya kinabukasan ay pumasok na din ako.

Nakasalubong ko sa may lobby si Ma'am Ems, "Tin, why are you here?  Two days yung filed leave mo, di ba?"

"Ma'am, naiinip po ako sa bahay, so I decided to just retract this day.  Naalala ko po kasi mayroon pa akong report na due i-send sa US office natin by end of business day today."

Pagdating ng break time ay tumawag ako sa customer service ng aking mobile network provider.  Nag-request ako na palitan ang mobile number ko pero same account pa din dahil nanghihinayang ako sa loyalty perks.  Pwede naman daw 'yun dahil postpaid subscriber ako, at ichacharge na lang nila ung 500 pesos sa susunod na billing statement ko.

Anxious ako sa bawat araw na dumadaan dahil naalala ko ang huling SMS ni Wilson sa akin... "Uuwi ako next week - emergency leave ng 5 days.  Pag-usapan natin 'to,"  kaya alam kong any moment ay magkikita talaga kami.  Nakakatatlong araw na mula noong ipadala nya ang text na 'yun.

Masakit pa rin 'yung impact.  Hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap tungkol dito.  Hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba ang kwento sa likod ng mga kaganapang ito.  Ang dami ko pa ding pinagdudugtung-dugtong na mga pangyayari para pilit kong mabigyan ng kasagutan 'yung mga tanong sa bumabagabag sa akin.

In denial pa din ako.

Wala akong idea kung kailan sa "next week" ung sinasabi ni Wilson.  Sa pagkakatanda ko, Thursday night sya bumibyahe pauwi ng Pilipinas dahil Biyernes ang simula ng weekend sa Dubai.  Kung ganun pa rin ang schedule niya, andito na sya sa Pilipinas ng Friday ng hapon.

"Gaga!  Bakit ikaw ang iiwas?  Ikaw ba ang may kasalanan?", pasungit na biro ni Czarina nang tawagan ako sa opisana para kumustahin noong lunch break ko.

"Hindi ko lang kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko.  Hindi ko rin alam kung kaya ko siyang harapin."

"Sis, kung hindi ka pa ready, tell him.  Pero I suggest that you get over it the soonest.  Do not prolong the agony.  And there is no better preparation.  I'm telling you, kahit ano'ng practice ang gawin mo ngayon sa mga bagay na gusto mong sabihin or itanong, it won't matter.  Iba pag kaharap mo na sya.  Mata sa mata.  It will hurt the most pag kaharap mo na 'yung taong akala mo ay magiging kakampi mo for the rest of your waking life."

"Thanks, Czar... sana kaya ko nga..."

Walang Wilson na naghihintay sa lobby paglabas ko bandang alas-sais ng gabi.  Part of me was disappointed.

Bakit ganun?  Bakit wala siya?

Sh*t, Tin... 'wag kang tanga!  He hurt you.  Period.

I hate this bubble talk inside my head.  Nakakainis!

And then I hoped again.

Pero wala din ang kotse niya sa may gate namin nung dumating ako.

Wala siya.

Hindi na 'yun darating.  Wag ka nang umasa.  Sinaktan ka na nga, hinahanap mo pa?

Naisip kong pinasakay niya lang ulit ako sa text niyang 'yon na parang pampalubag-loob. Pinaasa.  At umasa naman nga ako.

Biling-baliktad ako sa higaan nang gabing iyon.  Hindi ako sumabay kina Tatay at Nanay sa pagkain ng hapunan.  Hindi ko pa rin ikinuwento sa kanila kung ano ang nangyayari sa aming dalawa ayon na rin sa advice ng mga kaibigan ko.  Give him the benefit of the doubt, ika nga nila.

"Let them know kapag malinaw na ang lahat.  We don't want to make him look bad agad sa parents mo.  Baka naman mali ang lahat at baka magkaayos din kayo sa bandang huli, mahirap na," dagdag pa ni Drew nang minsang tumawag sya sa bahay.

Weekend na kinabukasan kaya hindi ako nagmadaling gumising.  Mag-aalas diyes na ng umaga nang maisipan kong bumaba para magkape.  Mabigat ang buong katawan ko marahil sa bigat ding dinadala ng kalooban ko.  Balak ko naman ay magkulong lamang din sa kwarto sa maghapon kaya hindi na ako nagpalit ng damit.  Suot ang kupas kong Hello Kitty na pyjamas, pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto papunta sa kusina.

Routine na sa akin ang pagtitimpla ng kape pagkagising.  Bangon - hilamos - kape.

Noong araw na iyon, may kakaibang nahagip ang mga mata ko pagbaba ko ng hagdanan. Malapit na ako sa komedor nang maisipan kong umatras para sipatin kung ano ung kakaiba sa aking paningin sa may sala.

Kinabahan ako.

Napakaraming lobo na hugis puso.  Kulay rosas at pula.  At napakaraming bulaklak.  Iba't ibang talulot ang nakakalat sa sahig.. sa mesita.. sa mga upuan.  Sa upuan ... hindi ko na kailangang suriin pa ang buong bahay.

Si Wilson.

Bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan pagkakita sa akin.

"Hon..."

Napasalampak na lamang ako sa sahig sa biglang panlalambot kasabay nang pagbalisbis ng luha sa mga mata ko.  Nanikip ang dibdib ko sa dami ng mga bagay na gusto kong sabihin pero wala ni isa mang kumawala sa bibig ko.

Nasa tabi ko na si Wilson nang mahimasmasan ako.  Pareho kaming nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding.

Kagat-labi akong naghihintay na makarinig ng salita mula sa kanya.  Hindi ko siya tinitingnan.  Hindi rin ako kumikilos.  Nakatingin ako sa kabuuan ng aming sala at kusina na napapagitnaan lamang ng isang maliit na divider kung saan nakalagay ang TV at ilang mga maliliit na ceramic figurines.

Ginagap nya ang aking mga kamay.

Hindi pa rin ako natinag.  Pilit ang pagmamatigas ko.

"Hon... Look at me, please?  I am sorry.  Let me explain."

"Si Lira 'yung girl.  Kapatid ni Laila.  You met her, right?"

Wala pa rin akong imik.

"Galing sya ng Kuwait.  Hindi maganda ung naging experience niya with another expat there, kaya kinuha sya ni Laila para makalipat sa UAE mga first week ng July.  I met her sa baba ng villa at a later time.  I was rushing to go to MoE para sa isang business lunch and hindi ko pa nakuha sa casa 'yung kotse so I decided to take the metro.  She approached me to ask kung ano ang pinakamalapit na mall.  I told her that the nearest one is ung Deira City Centre.  You remember that?"

And then he laced his fingers through mine.  'Yung paglalambing na klase ng hawak sa mga palad ko.  He was gently sqeezing my fingers.  Ninenerbyos?  Natatakot?  I really have no idea.

"Well, to make it shorter, sa MoE din sya natuloy.  While on the metro, naikwento niya who she is and what she went through sa Kuwait.  Nagkataon naman na 'yung imimeet ko for lunch had an emergency so nag-inform na malelate.  Sinamahan ko na muna sya while killing time.  Dun ko nalaman na kapatid pala siya ni Laila."

"In a short span of time, naging close kami.  Dahil wala pa syang trabaho, every time she would cook something special, binibigyan nya din kami.  She knew about you.  I showed her pictures of us.  I tell her everything I miss about you.  And I missed you more habang kinukwento ko ang mga 'yun sa kanya."

Mahabang katahimikan.  Isang malalim na buntung-hininga.

"And then one time around early October, nagyaya sila mag night out sa isang club.  Celebration kasi unang sweldo niya sa bagong work and on process na ung visa niya.  Nataon namang ang toxic sa office noong araw na 'yun kaya I had to breathe.  Sa sobrang saya nung bonding, di ko napansin na ang dami ko na pala nainom.  Ayokong mag-drive ng nakainom so Arnold had to drive for us.  Pero pagdating sa villa, hilung-hilo na ako kaya in-assist ako ni Lira and ni Arnold para makaakyat.  At naiwan kami ni Lira na kami lang ang tao sa room."

"She made coffee for me.  Nagkwentuhan nang konti siguro para bumaba ang tama ng alkohol sa kukote ko."

Then he started crying.

"Pero hon, I really missed you that time!  It's my fault!  Gago lang ako!!!  Gago!!!"

Sinusuntok na ng kanang kamao niya ang sahig namin.  Pero tiniis ko pa ding hindi siya lingunin.

"I'm sorry!!!  I'm sorry ... na kahit aware ako sa nangyayari, I didn't have the inhibition to stop myself from doing it with her.  I'm sorry, hon!  You know how much I love you!!!" 

Pilit kong inalis ang mga kamay niya sa kamay ko.  I started crying, too.

Hikbi na naging hagulgol.

At saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.

"Iyong nakita ni Randolph?"

Sumagot si Wilson.  "She got pregnant.  Hindi siya pwedeng mag-stay sa UAE as a single person tapos buntis.  Makukulong sya.  Makukulong din ako.  They would ask her who the father is.  Madedeport kami."

Pasabunot niyang hinawakan ang kanyang ulo.

"Hon, you know I can't give up my job there.  That's the best I have so far.  Para sa kinabukasan ng magiging pamilya natin.  Di ba?"

"Hindi ko alam, I'm so lost.  'Yun din ang dahilan kaya ang sabi ko sa iyo ay hindi ako makakauwi nang December kasi gulung-gulo talaga ang isip ko.  Nagising na lang ako isang araw na kailangan ko nang desisyunan 'yung nagawa ko.  And getting married civilly dito bago pa man maging obvious 'yung dinadala nya was the only way out at that time. That was the time Randy saw us.  Dalawang linggo lang kami tumigil sa Pinas para sa kasal."

Nasagot na lahat ng tanong na tumatakbo sa isip ko.  Naramdaman kong bigla ang pagod.

Tumayo ako.

"Kailangan ko nang magpahinga.  Makakaalis ka na."

Dali-dali akong nagpilit makatayo para makabalik sa aking silid.

Pilit niya akong pinigilan.  "No, hon... talk to me!  Sampalin mo ako!  Saktan mo ako!  ... Patawarin mo lang ako, please?  Gagawin ko ang lahat, 'wag mo akong iiwan, hon.  Ikaw ang mahal ko.  Please, please?  Honey, don't do these...  Don't leave me!!!  Di ba sabi mo, walang bibitiw?"

Panay ang sigaw, iyak, at pagmamakaawa ni Wilson.

Pagdating sa may pintuan ng aking kwarto ay lumingon ako nang bahagya sa direksiyon niya.

Hilam na ng luha ang mga mata ko.  Hindi na ako makahinga.

"Ikaw ang bumitiw, hindi ako," sabay kandado sa aking pinto upang kahit paano'y hindi ko na marinig pa ang mga sumunod na pakiusap na Wilson.

Ibinagsak ko ang aking sarili padapa sa aking kama para yakapin ang malaki kong unan. Ito na lamang ang nakarinig ng mga katagang sinabi ko bago ako makatulog dahil sa labis na kapaguran...

"Bye, Wilson." 

___________________________________

Itutuloy :)


Certified NBSB - Part 1


Certified NBSB - Part 8


Certified NBSB - Part 10