This is a collection of witty punchlines that my niece, Arlain,
said when she was younger.
1. May bisita si Tita Ninang (Ella). Naglalaro si Arlain.
Tita
Ninang: Arlain, pagod ka na. Wag kang maingay (sabay senyas ng 'ssshhh...')
Arlain: Hindi kaya 'to simbahan, Tita
Ninang!
2. Arlain and Tita Ninang, nagkukulitan.
Arlain: Tita
Ninang, mamagic-in kita. Gagawin kitang
palaka!
Tita Ninang: (Pagkasalita ni Arlain, biglang
nag-react) Kokak... kokak...
Arlain: Wala
pa kaya akong hawak na magic wand, Tita Ninang!
3. Mommy Lala and Arlain eating beef wanton
noodles.
Mommy: Anak,
kumain ka na.
Arlain: Sarap
ng noodles, mommy! (Humigop ng sabaw.) So
creamy!
Mommy biglang napaisip… kelan pa
naging creamy ang beef wanton noodles?
4. Tita Yen and Arlain having a casual
conversation.
Tita
Yen: Arlain, sabi ng mga kasamahan
ko sa office, masarap daw ung goto. Magtinda ka na lang daw.
Arlain: Yoko nga. Mapapagod kaya ako!
5. Mommy
and Arlain singing the alphabet song.
Mommy: A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K…
Arlain: L-M-N-tary
(pronounced ‘elementary’)
6. Lola ‘my (Mommy Norma) and Arlain sa may
poso.
Lola ‘my: San nagpunta si father?
Arlain: Lumaboy
po.
Lola ‘my: Naku, lumaboy pala si father!
Arlain: Hindi naman po yun sa simbahan
na father. Tawag po kaya sa kanya ay
Tatay Ben, hindi si father!
7. Tita Yen
and Arlain eating potato chips.
Tita
Yen: (Kunwaring nagpunas ng
kamay sa sando ni Arlain.)
Arlain: (Galit mode.) Tita Yen, basahan ba ito?
8. Nanay,
Tita Yen, Mommy Lala, Ate Mary, and Arlain in White Hat-Glorietta.
Mommy: Anak, kainin mo na yung yogurt mo.
Arlain: (Pagkasubo ng isang choco loco
hat, biglang sigaw.)
Selecta,
number one!
9. Arlain
with Tita Yen and her MxSecure colleagues (naglalakad papunta sa kanto).
Tita
Yen: Arlain, ayun si Emil o…
tawag ka ni Mama Rea.
Arlain: (Buntung-hininga muna) Hay, naiinis ako sa sarili ko!
Tita
Yen: O bakit ka naman naiinis
sa sarili mo?
Arlain: Kasi ang dami kong broy-pen!
[translation: boyfriend]
10. Mommy
Lala and Arlain going to SM Dasma.
Jeepney
Driver: Ibabayad ho ba ang
bata?
(Tahimik
sa loob ng jeep.)
Arlain: Hindi kaya ako
pera!
11. Tita
Ninang magpapahilot kay Lola ‘my.
Tita
Ninang: Mommy, magpapahilot po ako sa
inyo.
Arlain: Tita Ninang, hindi kaya sya si
Lola Maria!
*Lola
Maria – ‘hilot’ ni Arlain
12. Mommy
Lala and Arlain inside the jeep (going home from her lola’s house in Amadeo). May sumakay na African-American
guy. Panay ang kalabit ni Arlain sa
nanay nya.
Mommy: Bakit ba?
Arlain: Bakit sya madumi, Mommy?
(Pertaining to the man)
Mommy: Anak hindi, ganyan lang talaga ang
kulay nya.
Arlain: Ang dumi-dumi nya, Mommy. Kadiriii… yakiii…
(Supladang bata. Akala mo naman tisay ka, hahaha!)
13. Tita
Ninang, biglang nasaling ang isang pimple at dumugo ito.
Arlain: Nakakaawa ka naman, Tita Ninang.
Tita
Ninang: Bakit naman?
Arlain: Kasi may tigyawat ka… at saka
mamamatay ka na.
Tita
Ninang: Ha? Bakit naman ako mamamatay?
Arlain: Eh kasi buhay ka pa!
14. Nagtatanong ng recipe si Ella sa Nanay ko.
Tita Ninang: Nay, anu-ano po ang sangkap ng spaghetti?
Tita Ninang: Nay, anu-ano po ang sangkap ng spaghetti?
Nanay: 1 kg Royal (pasta brand)
Arlain: Saka COKE!
(Akala
ni Arlain ay Royal na soft drink ang sinasabi ni Nanay.)
15. Habang
nag-iinom sa may terrace sina Tatay, Kuya Junjun, and Ka Pitoy, pababa naman ng
hagdanan si Arlain.
Mommy: Anak, dahan-dahan lang ang
pagbaba. Kapit… hoy!
Arlain: Hindi po ako si Ka Pitoy, mommy!
16. Nanay
Luz habang nagluluto ng tanghalian.
Arlain: Ano po niluluto nyo, nanay?
Nanay: Nagpiprito ako ng espada.
Arlain: Hindi kaya niluluto ang
espada!
17. Melo
Family going to Alabang Town Center via Daang Hari. Biglang may lumagapak sa windshield.
Tatay: Ano un? May bumato ba sa atin?
Lala: Wala
po. Ibon lang, sumalpok sa salamin. Lasing lang po, hilo eh.
Arlain: Ay! Parang si Tatay Ben lang! (Lasing)
18. Arlain
– nagising nang maaga. Pinatutulog pa ni
Lola ‘my para hindi humabol kay Mommy Lala pagpasok sa office.
Lola
‘my: Arlain, tulog ka ulit. Maaga pa.
Arlain: Masakit na po ulo ko kakatulog,
Lola ‘my! Ayoko na po matulog!
19. Mommy
Lala and Lola ‘my from the office.
Mommy: Baby, asan si nanay?
Arlain: Natutulog na po.
Lola ‘my: Bakit natutulog na? (Masama ba
ang pakiramdam kaya maagang natulog?)
Arlain: Eh sa gusto na nya po matulog
eh.
20. Bumisita
si Lolo Ganie at Lola Elsa sa bahay. Naglalaro
si Arlain ng doll house at nagkalat sa sahig ang mga laruan.
Lola
Elsa: Arlain, samsamin mo na yang
mga laruan mo.
Arlain: (Hindi kumikibo)
Lola
Elsa: Sige, gusto mo tawagin ko
pa si Mommy mo? Pag nakita yan, itatapon
yan sa garbage bag.
Arlain: (Natakot) Magtulungan tayo, Lola
Elsa!
21. Arlain
and Tita Yen watching PBB Unli Night (Finding Fifi episode).
Arlain: Tita, hindi mahahanap ng
housemates si Fifi.
Tita
Yen: Bakit naman?
Arlain: Eh kasi balloon lang sya di ba?
Tita
Yen: Yup.
Arlain: Eh di may kanta? ♪ Ako ay may lobo, lumipad sa langit… ♪
Kaya tiyak pumutok na po ‘yun si Fifi at nasa langit na sya.
Kaya tiyak pumutok na po ‘yun si Fifi at nasa langit na sya.
22. Arlain
and Tita Yen watching TV together.
Arlain: Tita, asan na po yung pimple mo?
Tita
Yen: Eto po sa noo.
Arlain: Bakit may pimple ka?
Tita
Yen: Magkakaroon na siguro ako.
Arlain: Ako rin, meron na po.
Tita
Yen: Ha? Meron ka na?
Arlain: Opo, meron na ko pimple kasi
palagi akong puyat.
23. Tita Yen
going to work.
Tita
Yen: Nay, alis na po ako. (Sabay suot ng sunglasses.)
Arlain: Bye, Tita Yeyen! Wow, ang sosyal mo naman, Tita!
Nakasalamin ka pa!
Nakasalamin ka pa!
Tita
Yen: So pag nakasalamin, sosyal
na agad, Arlain?
Di pwedeng mainit lang?
Di pwedeng mainit lang?
Arlain: Sosyal ka pa rin, Tita!
24. Arlain and
Ate Mary while watching Goin’ Bulilit:
Goin’
Bulilit: Kung ang corn oil ay galing
sa mais,
at ang vegetable oil ay galing sa gulay,
saan naman galing ang baby oil?
at ang vegetable oil ay galing sa gulay,
saan naman galing ang baby oil?
Ate
Mary: Sa baby galing ang baby
oil!
Arlain: Hindi kaya sa baby galing ang baby
oil…
Lola ‘my: Eh saan galing ang baby oil, Arlain?
Arlain: Ang baby po oil po ay galing sa “mommy
oil.”
25. Sa
Luna Blanca teleserye ng GMA, ginamitan ni Luna ng gayuma si Joaquin para magpakasal
sa kanya kahit si Blanca ang totoong mahal niya. Para matanggal ang epekto ng gayuma, hinalikan
ni Blanca si Joaquin sa mismong araw ng kasal nito.
Arlain: Mommy, hinalikan na po ni Blanca
si Joaquin!
Mommy
Lala: Ano ang nangyari?
Arlain: Natanggal na po ang RAYUMA!
No comments:
Post a Comment