Humahangos akong tumakbo sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Bad trip, one hour akong late! Ngarag mode na ako sa bonding namin!
Kwentuhan as usual...all-the-single-ladies' day. Pagod sa trabaho, kulang ang budget, derma concerns. Tapos, may dumating.
Kilala ko na naman!
Bakit ganun? May connection din?
Ang bilis ng mga pangyayari...walang masyadong dialogue. Slow-mo. Lumapit si boylet and held my hand.
Yun lang, walang usap-usap.
Bigla na lng, sabi nya, "I knew it was you all along." He gave me a big hug...and I cried. Narinig ko na lang ang sarili ko na nagsalita, "So, November 16 ang anniv natin?"
We just stood there for a while. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo.
Tapos nakita ko ang ibang friends ko na lumapit. They congratulated us. Ang saya-saya ng lahat.
May boyfriend na ulit ako! This time, I hope it's for good.
I stared at his familiar face one more time trying to check if he is real. He smiled back at me and gave me a kiss.
Sya na nga.
(♪ ♫ I wanna be a billionaire... ♫♫)
Snooze.
Sh*t! Alas syete na! 9 AM ang pasok ko! Late na ko!
~ The End
No comments:
Post a Comment