Thursday, July 19, 2018

NBSB No More - Part 6



6:  WAY BACK INTO LOVE


Naulit pa nang maraming beses ang pagpasyal ni Mark sa aming tahanan, at alam ko na sa bawat pagdalaw na iyon ay natutuwa rin ang aking mga magulang sapagkat mas nakilala nila nang husto ang pagkatao ng aking bagong kaibigan.

Nang malaon ay nagyayaya na rin siyang manood kami ng sine.  Medyo matagal na panahon ko ring iniwasang manood ng mga romantic movies dahil ayokong maging emosyonal sa mga eksena, pero it’s a breather na mabalikan kong muli ang hilig ko na ‘yun.

Mas naging consistent na rin ang communication sa pagitan naming dalawa.  Araw‑araw na ang natatanggap kong “good morning” at “good night” messages sa text, bukod pa sa mga mensaheng “Kumain ka na ba?” at kung anu-ano pang messages in between.  Minsan pa’y nabiro ko siyang wag masyadong mag-text at baka masanay ako na may nakaka-alala sa akin.  Pabayaan ko lang daw siya dahil masaya siya sa ginagawa niya.

Well, masaya rin naman ako.

Pagkasabi ko ng aking morning prayers pagkagising isang umaga ay excited kong kinuha ang cell phone kong nasa bedside table lang naman.  Walang message.  Walang missed call.  Saka ko naalalang wala rin akong natanggap na good night message kagabi.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko.

“Sinabi ko na sa iyo, Kristinella, bawal masanay…” bulong ng isip ko sa puso ko.

Shake it off, Tin.

Bumangon na ako at naghanda para sa pagpunta sa office.

Hindi masyadong busy sa office kaya napakarami kong oras para i-check ang phone ko.  Maya’t maya ay tinitingnan ko kung may text na ba si Mark.  Lumipas ang lunch break at afternoon snacks, wala pa ring message.

Nagsimula na akong mag-alala.  Mag-isip.

Kahit pa sabihing simple at paulit-ulit lang ang mga messages niya, iba pala ‘yung pakiramdam ngayon na wala akong natanggap na kahit ano na galing sa kaniya.

Nami-miss ko siya.

Napansin nga rin ni Riza na matamlay ako the whole day.  Sinabi ko na lang na medyo masama nga rin ang pakiramdam ko.

Palabas na ako ng opisina ng makita ko si Mark na nakaupo sa waiting lounge sa lobby.  Kaagad siyang tumayo nang makita akong palabas ng elevator.

Na-holdup pala siya the night before pagkatapos ng isang business meeting niya sa Taguig.  Pasakay na sana siya sa Everest nang may dalawang matipunong mga lalaki na naka-motor na humimpil sa kaniyang tabi sabay tutok ng balisong sa kaniyang tagiliran at nagdeclare ng holdup.  Nakuha ang wallet niya, laptop, at cell phone.

Bigla ang aking pagkatakot at pag-aalala.

“Oh my, buti at hindi ka nila sinaktan.  Did you report it to the police?  May mga nakakita ba sa pangyayari?  Did you tell Tita Carmen?  Is she okay?”

Sunud-sunod ang mga tanong ko kay Mark.  Hindi ko namalayang nakangiti na pala siya sa akin.

Saka ko lamang napansin na napakahigpit na pala nang pagkakakapit ko sa braso niya.  Agad din naman akong bumitiw nang ma-realize ko ‘yung ginawa ko.

“Sorry.  Nag-alala lang ako.”

“I’m okay, Tin.  Okay din si Mommy.  She’s at home resting.  Mabuti at hindi tumaas ang blood pressure when she found out.  Walang witnesses kagabi dahil medyo secluded ‘yung nakuha kong parking slot ni Blue dahil peak hours pa nang dumating ako sa restaurant.  Napuntahan din ng pulis ung scene, at tatawagan na lamang daw ako if they have leads from the CCTV near the area na posibleng dinaan nung mga kawatan.”

Nakahinga ako nang maluwag.  At napaisip in between.

“I’m bad with memorizing numbers kaya hindi kita natawagan agad nung maka‑settle na ako sa bahay.  Masyado na ring late if abalahin ko pa sina Gelai for your landline number.”

“‘Yun naman pala, Tin, naisip ka naman pala.”

Pilit kong sinaway ang sarili ko sa mga tumatakbong conversation sa isip ko.  Nag‑focus na lamang ako sa pagsasalaysay ni Mark sa nangyari sa buong maghapon, na naging busy siya sa pagpapa-block ng mga cards niya sa banko, pagpapa-block ng kaniyang cell phone number, at pagpa-file ng affidavit of loss para sa mga importantent IDs at dokumentong nakuha sa kaniya.

Nagyaya si Mark para masamahan ko siyang bumili ng bagong cell phone sa isang mall sa Ortigas sapagkat mahalaga ito sa mga day-to-day transactions niya sa negosyo nila.  Pagkapili ng isang magandang modelo ng cell phone ay dumiretso na rin kami para mag-dinner sa isang restaurant na nasa loob din ng mall.

Habang kumakain ay nagbiro pa si Mark, “Ayan, number mo ang kauna-unahang naka-save sa bagong phone ko.”

Dahil pagod sa maghapong pag-aasikaso ng mga nawala sa kaniya, inihatid na rin niya ako pauwi pagkatapos naming maghapunan.

Tulad ng dati ay inanyayahan ko siyang bumaba muna kahit saglit subalit nagpaumanhin na ang binata.

Nasa may gate na ako nang muling magsalita si Mark.

“Tin, may lakad ka ba sa Sunday?”

Umiling ako.

“Okay lang bang sunduin kita?  Let’s hear mass and then spend the rest of the day together?”

Tumango ako sabay sabing, “Okay, sige.  Good night.  Thanks for today.”

Kina-Lingguhan, alas-sais pa lang ng umaga ay nasa amin na si Mark.  Pagbaba ko sa sala ay nadatnan ko na sila ni Tatay na umiinom ng kape at masayang nagkukwentuhan.  Nang dumako ang tingin ng binata sa akin ay bahagya itong tumayo para bumati.

Di naglaon ay umalis na rin kami para maabutan ang misa.  Tinanong niya ako kung preferred ko pa rin na sa Our Lady of Lourdes sa Tagaytay kami magsimba.  Nabanggit niya kasing naikwento daw minsan ni Gelai na ‘yun ang paborito kong simbahan noong kami pa ni Wilson.  Sinabi ko naman sa kaniya na hanggang ngayon ay iyon pa rin ang paborito kong simbahan, may Wilson man o wala.

Binanggit ni Mark na mayroon siyang reservation sa isang restaurant na hindi rin kalayuan mula sa simbahan.  Ang pagkakaalam ko pa ay may kamahalan din ang presyo ng mga pagkain doon.

Habang tinatahak namin ang Aguinaldo Highway papunta sa restaurant ay tahimik lamang ako sa sasakyan.  Pinakikiramdam ko ang aking sarili kung kumusta ba ako matapos magbalik sa paboritong simbahan namin ni Wilson dati.

Wala na akong naramdamang kahit ano.

Nagpakawala ako nang isang malalim na buntung-hininga na siyang nagbalik ng masiglang kwentuhan sa pagitan naming dalawa ni Mark.

“Wow, ang lalim nun ah!”  Pabirong sambit ni Mark sa akin.  “Akala ko ay makakarating tayo sa restaurant na di ka pa rin umiimik, nag-iisip na sana akong ipihit ang sasakyan at baka gusto mo nang umuwi.”

“No, I’m okay, Mark,” kasabay ng banayad kong paghawak sa balikat nito, “may naalala lang ako kanina… pero okay na ‘ko…”

Marahil ay naisip na niya kung ano ang naging dahilan ng pananahimik ko.  Pabiro ulit itong nagsalita, “Miss, ipapaalala ko lang po sa iyo, ha?  Ako ang kasama mo, Mark ang pangalan ko.”

Ngumiti lamang ako at itinuon na ang aking mata sa aming dinaraanan.

Hindi na ako nagtanong kung saan pa kami pupunta pagkatapos ng aming brunch.  Para siyang batang naglalambing nang isang sandaling lingunin ako para sabihing, "Relax lang, ha?  We have all day.  Pinagpaalam kita kina Tito Eddie and Tita Lucy…”

Naaliw ako sa mga nadaanan naming tindahan ng mga sariwang prutas at bulaklak sa gilid ng highway.  Parang nabasa rin niya ang laman ng isip ko.  “Marami ring ganyan sa palengke.  May mga suki si Mommy dun… at doon tayo pupunta ngayon!”  Bakas sa mukha ng binata ang excitement.

Kahit laking-Maynila ay maraming nakakikilala kay Mark sa Tagaytay Public Market, patunay na madalas itong nasa lugar na iyon.

“Hijo, kumusta si Ma’am Carmen?  Naiwan ba sa mansiyon?”

“Mark, dito ba kayo matutulog ngayon?”

“Dating-gawi ba, hijo?”

Magiliw ang sagot ni Mark sa bawat taong bumabati sa kaniya.

Napag-isip-isip kong mabuti siyang makipag-kapwa-tao.  Hindi magiging ganoon kainit ang pagbati ng mga taga-palengke sa kaniya kung hindi sya maayos makiharap sa mga ito.

Napadako kami sa isang maliit na tindahan ng sariwang karne ng baka.  Papalapit pa lamang kami sa pwesto ay malapad na ngiti na ang isinalubong ng tindera sa amin.

“Mark, anak, ready na ‘yung itinawag mo kahapon.  Ako ang personal na pumili nyan kanina, prime cut at sariwang-sariwa,” wika ng matandang babae.  “Mukhang may ipagluluto ka na naman, ah!  Kasama mo ba si mommy mo?”

“Thank you po, ‘Nay Nita!  Hindi ko po kasama si Mommy, eh.  May kasama po akong kaibigan…  Nga po pala,” sabay giya ni Mark sa akin upang ipakilala sa matanda, “si Kristine po, kaibigan ko.”

Kinumusta ko ang matandang babae at nalaman kong siya pala ang may-ari ng pwesto.  Naikwento niyang bata pa si Mark ay suki na silang mag-asawa nina Tita Carmen.

Hindi na rin kami nagtagal sa pakikipag-usap sapagkat may mga kailangan pa raw bilhin si Mark sa dry goods section.

Iniligay muna ni Mark ang aming mga pinamili sa isang malaking plastic tub sa likod ng sasakyan at saglit na nagpaalam na may nakalimutan pa siyang bilhin.  Naghintay na lamang ako sa passenger’s seat.  ‘Di naman naglaon at nakabalik din agad ito na may bitbit na isang malaking bouquet ng sariwang yellow at pink Malaysian mums.

“For you.”

Isang mahinang ‘thank you’ lang ang nasambit ko nang abutin ko na ang bouquet mula sa kaniya.

Medyo traffic na sa highway nang muli naming bagtasin ang daan.  Inabot din kami ng halos 30 minutes bago nakalusot sa maraming tao at sasakyan na lumalabas mula sa simbahan at sa mga magkakadikit na restaurants dito.

Mabuti na lang nga at maaga kaming nakapagsimba at nakapunta sa palengke.

Hindi ko pa rin alam kung saan ang susunod na destinasyon namin.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan.  Sinadya kong ibaba ang bintana para ma-feel ang lamig sa labas.  Paminsan-minsan ay nahuhuli ko si Mark na tumitingin sa akin at bahagya itong napapangiti kapag nahuli ko siya.

Pumasok ang Everest sa isang simpleng gate ng isang village makalampas lamang ng Tagaytay City Hall.  Nahinuha ko na may property sila doon mula sa mga kumustahang narinig ko kanina sa palengke.  Di kalaunan ay humimpil kami sa tapat ng isang dalawang-palapag na bahay.  Modern-rustic ang yari nito, bagay na bagay sa malamig na klima ng lugar.

“Welcome to Carmen’s Den,” masiglang pagbati ni Mark.  “Dream property ito ni Mommy, kaya tinawag naming Carmen’s Den.”

Panay pa rin ang bigay ng background ng binata habang ipinapasok ang sasakyan sa maluwag na lawn nito papunta sa garahe na kasya ang tatlong sasakyan.  “I usually go here on weekends para mag-unwind mula sa stress sa Manila.  Dito rin tumitigil sina Ate pag nagbabakasyon from the States, mas gusto kasi ng mga pamangkin ko ang klima dito.  Minsan, Mommy stays here longer pag kailangan ko nang lumuwas pabalik ng Manila.”

“And it’s all ours today.  Feel at home!”

Tinulungan ko siyang ibaba ang mga pinamili namin sa palengke kanina para maiayos na ito sa kitchen nila.

I was expecting na may katiwala sila na naiiwan doon para ayusin ang mga pinamili namin.  Napag-alaman ko na hindi stay-in ang caretaker ng kanilang rest house.  Maya-maya ay iti-nour na ako ni Mark sa kabuuan ng bahay.  Minimalist ang may-ari ng bahay, at maganda ang pagkaka-maintain ng mga muwebles at kasangkapan.  May tatlong bedrooms sa ikalawang palapag – ang master’s bedroom at dalawang mas maliit na silid.  Ang hall ay patungo sa veranda kung saan matatanaw mo ang maluwag na hardin na maraming tanim na orchids.

Sa ground floor naman ay mayroong isang maliit na silid na halos katapat ng maluwag na living room.  Kanugnog nito ay ang maluwag din na dining area at kusina na kumpleto sa mga gamit sa baking at pagluluto.

Pagkatapos mag-ikot ay bumalik na kami ni Mark sa living room.  Binuksan nito ang malaking wall-mounted smart TV at iniabot sa akin ang remote control.

“You’re the boss, Tin.  Ikaw muna bahala dito kung ano gusto mong panoorin.  I have quite a good selection of DVDs, check mo na lang if you feel like watching classics or whatever.  If you want to take a nap, prepared naman ‘yung isang bedroom sa taas so you can freshen up.”

Bahagya man akong inaantok dahil sa masarap na klima ay naisipan kong maglagi na lamang sa living room at mag-browse ng mga original DVDs na masinsing nakasalansan sa isang glass shelf di kalayuan sa TV.

“Mark, I just have to go to the bathroom to freshen up a bit.”

Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na rin ako sa sala upang manood na ng napili kong movie mula sa kaniyang collection.  Nagulat ako sapagkat mayroon ng tea kettle at tea organizer na nakalapag sa mesita.

“Tin, ikaw na muna bahala diyan.  Enjoy the movie!  Dito lang ako sa kusina if you need anything, sigaw ka lang, hahaha!”

Mahigit dalawang oras ang itinagal ng pelikulang aking napili.  Pagkatapos ay naisipan kong silipin si Mark sa kusina.  Amuy na amoy ang niluluto nitong baka mula sa dining area.  Nakatalikod ito mula sa pinto kaya hindi niya namalayan ang aking paglapit.  Abalang-abala ang binata sa paggagayat ng kung anumang gulay sa chopping board.

Nakakatuwang pagmasdan si Mark.  May isang black apron na nakapatong sa suot niyang khaki pants at dark blue polo shirt.  Sumisipol pa ito habang abalang-abala sa kaniyang ginagawa.

“Uhum… need help here?”

At saka pa lamang napukaw ang atensiyon ng binata patungo sa kinatatayuan ko.

“Actually, no.  You’re my guest.  Mag-relax ka lang doon sa living room.  Tapos na ba ang movie?  I’m almost done here.  Hintayin lang natin lumambot ang meat, probably just in time for a quick dinner before we head home.”

Napangiti na naman ako.  “Kain ulit?  Di pa nga nada-digest ng tiyan ko ‘yung kinain natin kanina sa Antonio’s.”

Habang nakasalang ang kaniyang pinalalambot na karne ay nagpaalam saglit ang binata upang magpalit ng damit.  Pagbaba nito galing sa master’s bedroom ay nakasuot na ito ng dark maong pants at Old Navy na T-shirt.  Halata ring nag-spray ito ng mamahaling pabango.  May bitbit din itong Scrabble board.

“Ayan, naglinis na rin muna ako.  Mahirap na, baka sabihin mo naman pag naglaro tayo ng Scrabble eh amoy sibuyas ang kalaban mo.”

Hindi namin namalayan ang oras sa walang-tigil na kwentuhan.  Panalo ako sa unang round ng Scrabble.  Nakabawi si Mark sa pangalawang set.  At sa pangatlo.  Paminsan-minsan ay nangungulit ang binata habang naglalaro kami.  Nariyang “ILUVU” ang mga letrang inilatag niya sa board.  May isang pagkakataong “YESNO” ang nakasulat sa tiles.  Hampas lang sa balikat at ninenerbyos na tawa lamang ang sagot ko sa mga pagbibiro niyang iyon.

Medyo madilim na sa labas ng mansiyon ng mag-decide kami na ihanda na ang dinner bago kami bumalik ng Manila.

Ang sarap ng kaniyang iniluto.  Malalasap mo talaga na sariwa ang baka na aming nabili.  Tamang-tama lamang ang alat at may halong tamis ang sabaw dahil sa mais na inihalo niya.  Half-cooked din ang mga gulay na idinagdag niya kaya malutong ito kapag kinain.  May pinalamig din siyang hinog na mangga at melon para sa aming dessert.  Hindi na ako halos nakakain ng kanin kaya in-enjoy ko na lamang ang mainit na sabaw ng bulalo.

Matapos linisin ang mga pinagkainan ay naghanda na rin kami sa pagluwas.

“Tin, madami ang niluto ko.  Ipinagbukod ko na sina Tito Eddie at Tita Lucy para matikman nila ang specialty ko.  At saka nakalimutan kong sabihin sa iyo, nilagyan ko nga pala ng gayuma ‘yung ibinigay ko sa iyong bowl.”

Bahagya akong nalungkot ng matanaw ko ang trangkahan ng aming gate.  Tapos na agad ang Sunday.  Napakasayang araw ang lumipas.  Bakas sa mukha ni Mark ang kasiyahan.

Hindi muna ako bumaba ng sasakyan paghimpil ni Blue sa tapat ng aming bahay.  Masaya rin ako sa buong maghapong nagdaan.

“Hey Mark, thanks for this wonderful day.  I really had a great time.”

“The pleasure is mine, Tin.  Thank you for spending the day with me.  I hope this won’t be the last.”

Tumango akong bahagya.

Bumaba si Mark upang alalayan ako papasok ng gate.  Bitbit nito ang bouquet ng bulaklak at ang take-home bulalo para kay Tatay at Nanay at ipinatong sa aming terrace.

Bago ako pumasok nang tuluyan ay hinawakan ni Mark ang aking kamay.

“Tin, we’ve been friends for a while now…”

Buntung-hininga…

”And I really am serious in telling you that I want us to be more than friends.  Mahal kita, and I have never felt this way with anyone before.”

“I hope you’ll consider this question of mine before you go to sleep tonight.”

“Will you be my girlfriend?”

Ngumiti akong muli sa binata.  Hindi ko inalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

“Good night, Mark.  Ingat pag-uwi.  Text me when you get home.”

Pagkatapos ay binuhat ko na ang mga bulaklak at ang mga pasalubong namin para kay Tatay at Nanay, at diretso na akong pumasok ng bahay.

Ilang sandali pa ang aking ginugol sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina saka pa lamang ako nakapanhik sa aking kwarto.  Maya-maya pa ay nag-text na si Mark upang sabihing nasa bahay na siya at naabutan pang gising si Tita Carmen.

To:  Tin (+63917-503-xxxx):  Tin, arrived home safely.  Mommy's still awake.  Ngpkwento p abt s lakad ntin.  Tnx ulit for this day.  U knw I love u, ryt?

To:  Mark (+63917-551-xxxx):  Tnx din for 2day.  I really had fun.

To:  Mark (+63917-551-xxxx):  And Mark, by the way…

"Kristinella, sigurado ka na ba," tanong ko sa sarili ko.

Inhale.  Exhale.

To:  Tin (+63917-503-xxxx):  Yes?

To:  Mark (+63917-551-xxxx):  The feeling is mutual. <3

Mark calling…

“Tin… you mean?”

“Yes, Mark.  My answer is yes.  Mahal din po kita.”

Wait!  Babalik ako diyan… give me a sec…”

“Mark, matulog ka na.  I’ll see you tomorrow.  Hihihi…”

“So girlfriend na kita?”

“Opo nga.  Sige, babawiin ko pag di ka pa naniwala.  Sige na po, magpahinga na tayo.  Bukas na natin ito pag-usapan nang maayos.”

Tumahimik sa kabilang linya.

“Hello, Mark?  Still there?”

Masaya ang boses ng binata sa kabilang linya, “I love you, Kristinella Arguelles.  You just made me the happiest person on earth today.”

“I love you, too, Mark Estancio.  Good night.”

Inihanda ko muna saglit ang damit na isusuot ko para bukas.

Papikit na ako nang tumunog ang notification ng Facebook Messenger ko.

Si Gelai.

"Kristinella, ano ito?  Paki-explain?" <3<3<3

Screenshot ng post ni Mark sa timeline niya.

Mark Estancio
In a Relationship with
Kristinella Arguelles
November 10, 2015

Seen-zoned.

Ihahanda ko na ang sarili ko bukas.  Tiyak na uusok ang cell phone ko at office phone ko sa tawag at tili ng mga kaibigan kong sina Gelai, Czar, Myrtle, at Drew.

In a relationship na akong muli.

May ngiti sa aking mga labi nang patayin ko ang switch ng lamp shade.

Lord, sana nga po ay siya na nga.

____________________________

Itutuloy...


Tuesday, October 10, 2017

It is the Lord's

In this busy world we live in, frustrations abound the moment we open our eyes to start our day.  We may plan a lot of things on how we are going to handle our activities, but it may unexpectedly turn sour.  And then we get frustrated.

Allow me to share with you a wonderful experience that has just happened to me in the not so distant past.

Sometime in February, an announcement was made in our prayer assembly about the need for a Singles for Christ member to go on a weekend mission to Lebanon.  It must have been the leading of the Holy Spirit because I barely slept that night having that mission on my mind.

After my morning prayer the next day, I sent a message to my household leader informing her about my desire to say yes to that invitation.  That day was a breeze.  My supervisor allowed me to take a leave, and I have leave credits to spare.  The feeling was surreal!

The mission was set sometime in early March.  I prepared for the topic assigned to me.

However, the Lord has other plans.

The mission date was moved to the first week of April, and having no conflict whatsoever, it is still a go for me.

And then my mother got hospitalized.  Again with fluid in her lungs which was supposed to be fully drained during her admission in February.

This time, a chest tube had to be inserted directly through her right chest wall.

When you know your mother has a very high pain tolerance and yet hurts all over because of this chest tube, you know it is something out of the ordinary.  I had to book the soonest flight back to the Philippines for an emergency leave.  I was hoping the hospitalization would just be a short one because of two things - I only have 10 days available from my annual leave, and I am set to go on mission on the first week of April.

I am a girl who loves surprises; I have made surprise vacations to the Philippines twice.  This time, the reason for the surprise was really not for a jolly reason.

The plane landed uneventfully in Manila.  I went straight to the hospital.  Nobody knew I am coming home except for my two younger sisters.  (Thanks to my best friend for picking me up at the airport despite the short notice.)


My heart broke into a million pieces when I saw her on the hospital bed.  Nanay was in pain.  She lost weight.  Gone is her cheerful face that can light up a dim room.

Since my youngest sister was sent to the UK for training, my younger sister and I had alternating schedules at the hospital.  She takes care of Nanay during the day, while I stay in the hospital at night.  In the wee hours of the morning, after regular rounds by residents, I would just sit at the corner of the dark room, praying silently and crying.  During those times, I would ask the Lord His plans for us.  Nanay's condition is nowhere improving, and I have the Lebanon mission in 2 weeks' time.  Half of me wanted to let go of the mission and stay in the Philippines for a few more days.

In my reflective moments, the Lord replied, "The battle is not yours but mine."*


So after 2 weeks, I enplaned back to Qatar.  With a heavy heart, I dragged myself out of the hospital room right after kissing my Nanay goodbye.  When I got back to Doha, I slept the whole morning, unpacked later in the afternoon, attended a joint praise and worship with my fellow Singles for Christ across the GCC at night, and then packed for my Lebanon trip.

During the praise and worship, the Lord once again affirmed me of His plans through the song "You Have Chosen Me" ... the lyrics were sang as if being directly sent to me:

"With Your Sprit, I will carry on
To spread Your love to each and every one
You have chosen me"

So in spite of a troubled heart, I went on with my mission.  And God is so great with surprises here and there!  The CFC tito and tita who accompanied me were very accommodating.


Our host family was very generous and very kind.  They even brought us to the mountains to see the last snow for the season.  It was my first time see and hold snow, how cool is that!


I guess it was the Lord's way of easing my pain and preparing me for the activities ahead.

The next day, prior to my first talk, my sister gave me an update about the painful procedure done on my mother.  She said Nanay was wailing and shouting in pain and said that it felt like her chest wall would explode.  I broke into tears, but then during my prayer time, He spoke to me once again and said that it is His battle not mine.

That was one when I truly learned the essence of surrendering it all to God.  No if's, no but's... It is the Lord's.

And lo and behold, right after finishing my second talk the following day, my sister sent me a message that Nanay finally got clearance to be discharged.  I was so elated!  Tears of joy streaming down my face!  We got victory on the last day of our mission trip.  Just wow!

Fast forward to today, Nanay is in good condition (thank you, Lord!)  She is back attending her regular church activities and chores.

We are still awaiting for her PET scan schedule (and I believe she wants it done during my annual vacation), but we believe and we claim that everything will be okay.  We worry no more, for we know God is in control.

After all, the battle is God's, not ours.

For that, may God be praised!


__________________________________ 

*Suggested readings:
  • 1 Samuel 17:47
  • Exodus 14:14
  • Deuteronomy 20:4
  • 2 Chronicles 20:15





Monday, May 22, 2017

NBSB No More - Part 5


5:  LOVE MOVES


Maaga pa lang kinabukasan ay may text na akong natanggap mula kay Mark.  Nagpapaalam siya na kung maaari raw ay susunduin niya ako paglabas sa opisina.  May commitment na akong lalabas kasama ang team ko for some clean fun kaya nag-decline na muna ako, subalit sinabi ko rin namang free ang schedule ko the following day.

Alas-kwatro pa lamang ng hapon ay tumawag na siyang papunta na siya sa office ko.  Sinabi kong 5 pa ang out ko dahil may mga kailangan pa akong tapusing E‑mails.  Halos 5:30 na rin nga ako nakababa dahil may isa pang correspondence na ipina‑rush si Ma’am Ems sa akin.

Pagbukas ng elevator ay nakita ko na agad si Mark na nakaupo sa may couch sa tabi ng reception area.  Maaga pa, kaya ang bagong security na si Jessie pa ang naka-duty.  Kilala na rin naman ako sa mukha nito, kaya pagdaan ko ay bahagya siyang ngumiti at bumati sa akin.

Pagkakita ni Mark sa akin ay kaagad siyang tumayo habang inaayos ang kaniyang coat na bahagyang nalukot sa pagkakaupo.

“Hi, Tin!  How’s your day?”, masiglang bati ng binata sa akin.

“Hey, Mark, I’m good.  Thanks!  Formal tayo, ah… sa’n ang lakad?” pabiro kong tanong sa kaniya.

Napangiti na rin siya nang tuluyan.  “Ammm, I actually had a meeting with a new business partner kaya nakapang-malakasan.”

Pagdating sa parking lot ay agad hinanap ng mga mata ko ang kaniyang asul na sasakyan, subalit wala ito roon.  Iginiya niya ako papunta sa direksiyon ng isang maroon na kotse.  Mukhang bago pa rin ito at personalized ang plaka sapagkat napansin kong MRK ang mga letra nito.

Tumunog ang alarm ng sasakyan nang kami ay papalapit na.  Binuksan ni Mark ang pinto ng kotse sa side ko subalit hindi muna ako pinasakay nito.  Yumuko siya pasumandali upang kuhanin ang isang bagay na nakapatong sa may upuan.  Paglabas niyang muli ay iniabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak, puro pink Equadorian roses!

“Pink daw ang favorite color mo sabi ni Gelai.  So… for you…”

Bahagya kong inamoy ang mga talulot nito at saka ako nagpasalamat sa kaniya sabay pasok na rin sa loob ng sasakyan.  Umikot siya papunta sa driver’s side at masiglang pinaandar ang kotse.

Magaang ang kwentuhang namagitan sa aming dalawa sa kahabaan ng aming byahe.  Biniro pa ako ni Mark na kotse raw ang naisipan niyang dalhin pagsundo sa akin dahil napansin niyang nahihirapan akong mag-akyat-baba sa Ford dahil sa taas nito.  Ito kasi ang sasakyan na madalas niyang dala sa tuwing naisasakay niya ako sa ilang pagtitipon dati.  Natampal ko nang bahagya ang kaniyang balikat sa aking pagkakatawa.

Kinumusta rin niya ang naging takbo ng aking maghapon sa opisina, at gayundin ang itinanong ko sa kaniya.

Paghimpil sa tapat ng aming bahay ay natanaw kong sumilip si Nanay mula sa kusina.  Aninag ang liwanag na nagmumula sa TV sa aming sala, kaya alam kong naroroon din si Tatay.

Batid ng dalawang matanda na kasama kong darating si Mark.  Si Nanay na rin ang nagsabing doon na maghapunan ang binata para raw maka-kwentuhan din nila ito.  Kinakabahan man ako ay umayon na rin ako sa kagustuhan ng aking mga magulang.

Bago pa kami nakapasok sa aming bakuran ay nakita kong sinenyasan na ni Nanay si Tatay upang lumabas kasama niya.

Relaxed na relaxed lang si Mark.

Pagpasok sa aming terrace ay kaagad itong humalik sa kamay ng mga magulang ko.  “Mano po,” kaagad na sabi ng aking kasama sabay abot ng isang cake box sa nanay ko.

“Kaawaan ka ng Diyos, anak,” tugon naman ng aking Nanay.

Naiwan sa living room ang tatay ko kasama si Mark habang inihahanda namin ng nanay ko ang hapag-kainan.  Dahil kanugnog lang naman ng aming komedor ang sala ay mabilis kong nasisipat ang dalawang lalaki.

Hindi ko kinakitaan ng nerbyos o awkwardness si Mark.  Dinig ko ang masaya nilang usapan tungkol sa basketball.  Pareho pala silang Ginebra fan ng tatay ko.  Maya‑maya’y napunta na sa pulitika ang kanilang diskusyon.  Tipikal na usapang‑lalaki.

Di kalaunan ay tinawag na sila ni Nanay upang makapaghapunan.

Mukhang at home na at home ang binata.  Nag-second serving pa siya talaga sa pork sinigang.

“Di po ako mahihiya, tita.   Super sarap po ng sinigang ninyo, parang luto ni mommy ko!  ‘yung natutunaw ung taba sa sobrang lambot!!!”

Napatawa ako ng malakas sabay sabing, “Eh akala ko ba diet ka?”

“Kaya kong i-burn sa gym ito bukas, promise,” pabirong sagot naman ni Mark sabay higop ulit sa sabaw.

Maya-kaunti pa’y inilabas ko na rin ang red velvet cake na dala niya.  Maliliit lamang na slice ang aking ginawa sapagkat alam kong di naman kakain nang madami ang mag-asawa dahil tumataas na ang sugar nila, subalit nagustuhan ng tatay ko ang cake at humingi pa ng isang slice.

“Masarap ang pagkakagawa ng cake na ito, hindi masyadong matamis,” puri ng aking ama.

“Naku, ganoon po ba?  Hayaan po ninyo at makakarating sa mommy ko na nagustuhan ninyo ang gawa niyang cake.  Specialty niya po talaga ‘yan.”

Napahinto ako sa pagnguya para suriin kung tama ba ang aking narinig.

Wari’y nahulaan naman ni Mark ang laman ng aking isip.  “Yup, si mommy ang gumawa niyan.  Na-excite nang malamang dadalaw ako dito sa inyo para ma‑meet ang parents mo.  Kaagad nag-volunteer na magbe-bake daw sya.  Kaya I’m pretty sure na tataba ang puso ‘nun pag nalamang nagustuhan nina Tito and Tita ang gawa niya!”

Sa sala na namin ipinagpatuloy ang kwentuhan.  Saglit kaming sinamahan ng aking mga magulang habang umiinom ng tsaa.  Maya-maya ay nagpaalam na rin ang mga ito upang makapagpahinga na.

Nakatuon pa ang aking mga mata sa kapipinid lamang na kwarto nang mag-asawa nang biglang nagsalita si Mark.

“Ang cool ng parents mo, Tin.  Nakakatuwa si Tito Ed, ang dami niyang kuwento.  Saglit pa lang kami nagkakausap kanina before dinner, pero ang dami ko na nakuhang insight sa kanya!”

Ako man ay naninibago rin kay tatay.  Kilala ko siya bilang isang seryoso at hindi palakibong tao, pero sa tingin ko nga kanina ay nag-enjoy din itong kausap ang aking bisita.

“Uy, magmemessage na lang ako kay Tita Carmen about the red velvet.  Ang sarap ng cake na gawa niya, promise!”

Nakatingin lamang si Mark sa akin pero bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

Nakakatuwa ang taong ito, when I thought eh napakahambog niya when we first met for Gelai and Frank's wedding.

Hindi namin namalayan ang oras sa dami ng aming napagkwentuhan.

Bandang alas-diyes ay nagpaalam na rin si Mark.

Hindi na pumanaog ang dalawang matanda kaya pakiwari ko ay nakatulog na ang mga ito.  “Salamat sa pagdalaw, Mark.  And thanks ulit for the cake.”

“No, I should be the one thanking you.  Na-appreciate ko ang warmth ng family mo.  I hope this won’t be the last time.  Papayagan mo ba akong bumisita ulit?”

Namula na naman ang pisngi ko.

Isang mahinang, “sure,” lamang ang naging sagot ko.

Biglang sumigla ang mukha ng aking kausap.

“Sya, pumasok ka na bago ako umalis.  I’ll be fine from here, Tin.  Good night and thanks again.”

Pagtango ako ay tumalikod na rin ako papasok sa aming bahay.  Lumingon lamang akong muli nang ako ay nasa may terrace na.  Masaya pa ring nakangiti si Mark sa akin.

“Sige na, Mark.  Good night.”

Iniligpit ko lamang sandali ang mga pinag-inuman ng tsaa at di naglaon ay umakyat na rin ako para magpahinga.

Ilang saglit pa ay tumunog ang aking cell phone.

Si Mark.

To:  Tin (+63917-503-xxxx):  “Home na, magandang binibini.  Thanks again.  Pahinga ka na po.”

To:  Mark Mayabang (+63917-551-xxxx):  Ukis.  Nyt po.

Natawa ako nang mapansin ko ang pangalan niya sa phone book ko.

Pumunta ako sa contacts para i-edit ang kaniyang pangalan.

Ang dating Mark Mayabang, ngayon ay ginawa ko ng Mark lang.

At sa unang pagkakataon sa loob nang mahabang panahon, pakiramdam ko ay ngayon lang ulit ako natulog nang may ngiti sa aking mga labi.

___________________________________

Itutuloy...