Tuesday, July 14, 2015

Certified NBSB - Part 4


“Feel better, ok?  Wag ka na munang mag-isip tungkol sa trabaho.  Pahinga ka lang.”  Yan ang sabi ng boss ko sa kabilang linya.  I called in sick at nilalagnat ako, marahil dahil sa nabasa ako ng ulan kagabi habang naglalakad palabas ng office.

I have all day to recuperate, sabi ng bubble talk ko.  Kailangan kong gumaling agad dahil company outing na namin sa weekend at ayokong ma-miss ang event na 'yun... di na naman ako makakasama sa pictures pag nagkataon tulad nang nangyari nung huling Christmas party dahil napasabay sa 60th birthday party ng tatay ko.

Wala namang may gustong magkasakit, pero lalo ko talagang na-aappreciate si nanay sa ganitong mga pagkakataon.  Alagang-nanay at its finest.  Nakahanda na agad ang pranelang pyjama at 'yung paborito kong Toronto Blue Jays na T-shirt na sobrang nipis na sa pagkaluma pero lagi ko pa ding isinusuot na pantulog (presko kasi).  Maya't maya ay umaakyat din siya para tingnan kung bumaba na ang lagnat ko, bitbit ang plangganang may yelo at Green Cross™ alcohol para palitan ung bimpong inilagay sa noo ko.  Bandang alas-onse ng tanghali ay tinawag na ako para kumain at uminom ng gamot.  Kaya ko namang bumangon kaya di na ako nagpahatid pa ng pagkain sa kwarto.

Bagong-lutong tinolang manok ang nasa mesa.  Naramdaman ko agad ang pagkulo ng tiyan ko nang maamoy ko ang mabangong sabaw nito.  Hindi ko na sila hinintay na makadulog sa hapag.  Excused akong kumain nang mas maaga sa kanila dahil may sakit ako.  Naubos ko ang sinandok ni nanay na kanin sa plato ko at nag-take 2 pa ako sa sabaw.  Pagkatapos kumain ay ininom ko na ang paracetamol na naka-stock dun sa medicine cabinet.

Pinagpawisan ako nang inam pagkakain kaya mas bumuti ang pakiramdam ko.

“Hinibasan ka na, anak.  Magpalit ka na ulit ng damit at basa na ng pawis ang suot mo.”

“Opo, 'nay” lang ang nasabi ko at pumanhik na akong muli sa aking silid.

Hindi naman ako nakabalik agad sa paghiga dahil bukod sa busog nga ako ay gumaan-gaan na ang aking pakiramdam.  Naisipan kong mag-check ng mga E-mails sa trabaho at baka may urgent concerns na kailangang sagutin.  Wala namang kailangan ng agarang sagot ko, kaya naisipan kong mag-Facebook na lang.  Nalilibang ako sa pagbabasa ng mga posts nang biglang nag pop ang chat window ko.

Si Wondering Soul.

Wondering_Soul:  Hi, Angel!

Persleydi:  Hnd nga po Angel ang name ko.

WS:  Hi, Im  Wilson, 25, Dubai.  Ayan ha, ngpkilala n ko.  Ikw?  ASL nga ulit?  Nklimutan ko n dati eh.

P:  Tin po, 24.  Obviously, girl.  L – dito lang.

WS:  If I may ask, wla k b wrk ngyn at chat ka ng chat?  Hahaha…

P:  Wow.  Tinde.  SL.

WS:  SL?  Male.  Dubai. 

WS:  Jok lng.. ano nga SL?

P:  Sick leave.

WS:  Ahh.. sorry, mejo slow.

So, doon nagsimula ang lahat.

Usual na chitchat.  Ayos ang time zone eh.  Night shift daw sya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nya, kaya may free time sa hapon na makipagkwentuhan sa Pinas.

Habang tumatagal ay mas naging palagay ang loob namin sa isa’t isa.  Nagpalitan ng contact numbers… nag-uusap thru E-mail.  Isang araw, nagkapadalahan ng picture sa E-mail.  Weh, hindi naman pogi.  (Hindi rin naman ako kagandahan, hahaha!)  Pero masaya syang kausap, anything under the sun talaga.

Ilang buwan ding ganun ang set up.  Basta magkasundo ang oras ng duty nya sa oras ko sa office, umuusok ang chat app.  Fast typist pa ako kaya na-amaze sya.

“Wilson!  Pwd nmn pgkatype mo ng 1 word send mo n agad. J  No need buuin p ang 1 paragraph bago isend, hahaha!  Nkkainip ka mgtype!!!”

Isang araw pagdating ko sa bahay, malayo pa lang ako ay natanaw ko na ang nanay ko na abot-tenga ang ngiti.  Baka may blessing na dumating, kung ano man.  “Mano po.”

“Nak, ‘musta ang araw mo?  Dami bang trabaho?”

Iba talaga.  May something kay mother!  Kinikilig ang nanay ko!

Gosh, baka dumating na ung petition nila pa-US!!!  No!!! (Panic mode na ako dito.)

“Nay, ano’ng meron?”

Patay-malisya ang nanay ko.

“Ano ngang meron?”  Medyo mataas na ng isang decibel ang boses ko.

“Wala.  Sige na, umakyat ka na at magpalit ng damit.”

“Sige po.”  Yun lang ang nasabi ko pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis ng pambahay.

Natigagal ako pagbukas ko ng pinto.  Feeling ko nga umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Nagba-blush ako!  “Uyyyyy!!!” pabirong udyok ng nanay ko na di ko namalayan ay nasa may likuran ko na pala.

Bakit ba naman hindi ako magigitla.  Isang bouquet ng pink tulips ang nakapatong sa kama ko.

FIRST TIME!!!

Oh my.. panic mode.  

Teka, baka prank ito galing sa mga lukaret kong kaibigan.  Hindi nakakatuwa.  Lagot sila sa akin mamaya.

Unti-unti akong lumapit sa kama at marahang dinampot ang bouquet.  Ang ganda ng mga bulaklak!  Favorite color ko pa talaga!  At saka ko napansin ang maliit na card na naka-stapler sa sinamay fiber.

“Hindi ko binasa ‘yan, Kristinella, ha?”

Defensive ang nanay ko!

“Thank you for being there for me.  WS”

Hihimatayin ata ako.  Nagpalpitate ang dibdib ko at saka para akong binuhusan ng tubig na malamig sa buong katawan pero mainit ‘yung pisngi ko.

“Nak, tumawag pa yang si Wilson kanina sa landline natin.  Nagpakilala.  Nasa Dubai daw sya pero taga-Cavite.  At tinanong kung dumating ang padala nya dito sa atin.”

Speechless ako at nahihiya at the same time dahil kitang-kita ng nanay ko ang raw reaction ko.

Nakaramdam naman si nanay.  Lumabas na din ng kwarto ko para siguro bigyan ako ng chance na makahinga at makasabay sa mga nangyari.

Marahan kong isinara ang pinto ng kwarto ko.  Inilabas ko ang cellphone ko…

Drew… pick up the phone… (nakaka-tatlong ring na...)

Come on, pick it up...

“Heller, bes?”

“Besssssssssssss!!!!!!!”

_____________________________________

Monday, June 22, 2015

Letting Go

We fell in love and out of it.  Not once.  Not twice.  A lot of times.

I thought it was something that I could hold on to, but you let go and it tore me into a million pieces.

You came back.  I let you in.

Somewhere along the way, I knew there was something wrong, but my heart won’t accept any reason.

When I had to let go of you in the past, my eyes never drifted away.  I was still looking out for you in the open.  That is why every time the waves took you back ashore, I tried to grab everything that you have to offer - a minute of your day.  When the tide started to pull back, I was like a shattered coral.  Broken.  Lifeless.

Until one day, I heard the Lord’s voice.  “Loosen your grip and let go.”

I don’t want to.

But the Lord won’t accept no for an answer.  He took my hands and shook it fiercely, so strong that my grasp weakened.  Then, He laced His fingers over mine without leaving a space in between even for a thread.  I can’t hold on to anything except for His mighty hand.

And His eyes were looking only at me.  Merciful.  Loving.  Fatherly.

My eyes started to swell, but I do not have the will to look somewhere else.  I kept staring at Him.

Unblinking.  Unmoving.  Afraid.  Anxious.  Bewildered.

He said nothing.

Silence.

By the time His hands slowly released mine, I looked out into the vast ocean.  You are nowhere to be found.  Not a single trace of you.

And now it dawned on me, only one reason made all the difference.

GOD.

I never knew it would be this easy this time.  The only thing that changed is my focus.

Before, it was just you and me.

Now, it is God and I.

No one else.

Tuesday, November 25, 2014

Certified NBSB – Part 3

♪ ♫ I've got your picture in my wallet, and your phone number to call it... ♫ ♪


Snooze.

Pikit-matang pinindot ko ang aking mobile phone para patayin ang kanta ng FM Static na nagsisilbing alarm ring tone ko.  Unti‑unti kong idinilat ang aking mga mata para makiramdam sa aking paligid.  Alas-sais ang oras na nasa glow-in-the-dark wall clock ko. Madilim‑dilim pa sa labas.


Nang bigla kong maalala na holiday pala ngayon, National Heroes Day.


Long weekend!


Hinila ko ang comforter para mamaluktot muli, pero nagbago ang isip ko.  Ang dami ko na nga palang nakatambak na labahin.  At kailangan na din ata ng makeover ng kwarto ko.


(Makeover = Pagpapalitin ang posisyon ng kama at cabinet sa maliit na kwarto.  Maglalagay ng bagong-labang kurtina.  Magpapalit ng beddings at pillow case.)


Inubos ko ang buong maghapon sa pag-aayos ng aking kwarto.  Linis dito, laba doon.


Nagtagal ako sa paglilinis ng kwarto.  Hindi naman nga dahil sa malaki ang kwarto ko kung hindi sa dami ng mga arganas at abubot.  Habang inaayos ko ang laman ng mga shelves ay isa-isa ko din binubuklat ung mga lumang aklat na andun para matanggal ang mga agiw at alikabok.


May nalaglag na picture sa isang libro ko ‘nung high school.  Nakakatuwa.  Larawan namin ni ex-crush sa isang outing ng klase.  Payat days.


Pagbukas ko ng isang kahon ng sapatos na binalutan ng gift wrapper at plastic cover ay nakita ko ang mga notes naming magkakaibigan.  Ito ‘yung mga palitan namin ng sulat habang ang teacher ay salita nang salita sa unahan.  “Saan tayo kakain mamaya?”  “Cute ata ngayon si Jay?”  “Inaantok ako.”  “Pautang naman ako ng 50 pesos, bibili ako ng Bench 8.”  


Ang papangit pa ng penmanship nila noon, lalo na ang sulat‑kamay ni Myrtle.  Aminado naman sila na ako ang pinakamaganda ang handwriting sa barkada.  Writer nga daw kasi ako.


Nangangati na ang ilong ko sa dami ng alikabok na nagliliparan dahil sa pag-aayos ko ng mga gamit ko, pero sige pa din ako sa pagbubuklat.  Time space warp.


Sa isang mas maliit-liit na kahon ng sapatos na may wrapper na pink at plastic cover pala nakalagay ung mga love letters.  Mga padala sa akin ng mga “may kras” daw sa akin nung elementary o nung high school.  Iilan lang naman ‘yun, hindi naman ako school beauty. Nakakatuwa lang basahin ulit, ang daming maling grammar.  Mga sweet nothings.


At ehem, andun din pala ang mga “unsent letters” ko.  Ang liham na muntik‑muntikan ko nang maibigay kay ex-crush nung minsang malasing ako sa isang birthday party (mula ‘nun, hindi na ako uminom ng hindi ko kaya)… unrequieted crush kasi.  Andun din ‘yung sulat ko sa nanay at tatay ko ‘nung gusto kong maglayas dahil sobrang higpit nila sa akin nung nagdadalaga na ako (pero hindi ko itinuloy ang pag-alis dahil takot din akong sabihin nila na, “Natutong umalis, matutuong bumalik.”  Saan ako titira?  Saan ako kakain?  Saan ako hihingi ng baon sa school?)


Sa isang box pa ay nabuklat ko naman ang aking mga lumang diary at autograph (slum book [slam book] pa nga ang tawag dati, di ba?)  Naloka ako sa mga sulat ko sa diary.  Para namang irregular ang paglalagay ko ng entry.  Napaisip nga akong bigla… Ako ba talaga ang nagsulat ng mga iyon?  (What?!  Naging crush ko si Martin noon?!  Ewwwww...)  Nagsusulat lang ata ako ng “Dear Diary” nung pinansin ako ni crush, nung kinausap ako ni crush, nung sinabayan ako ni crush pag-uwi, et cetera, et cetera.


Kaya ang paglilinis ay may kasamang pagrereminisce.  Linis:reminisce, tugma naman.


Nang mapagod ay naisipan kong magbukas ng aking desktop PC.  Matagal‑tagal ko na din itong hindi nagagamit mula ng magkaroon ako ng company‑issued laptop.  Di ko namalayan na naka-automatic log in pala ako sa isang chat application.  Sa kalagitnaan nang pagbubukas ko sa mga lumang folders ko ay may nag-pop na chat window.


Wondering_Soul:  Hi, Angel!


Persleydi:  ?


Wondering_Soul:  Hi, Angel!


Persleydi:  I’m sorry, but I am not Angel.


WS:  Alam ko.  Pero natuwa ako nung makita ko ang pangalan mo na nag‑alert sa mga naka-online.


WS:  Para kang anghel na bumaba sa langit. Ü


Wala ako sa mood magpaka-maldita kaya naisipan kong kausapin na din si Wondering Soul. Pampalipas-oras.  Pangtanggal-pagod.


P:  Di ba obsolete na ang chat app na ito?  Naka-automatic log in nga lang ako kaya nabuksan sa desktop.


P:  At saka paano mo ‘ko nakitang online eh wala ka naman sa contacts ko, at ‘di nga kita kilala?


WS:  Ang bilis mo namang makalimot.


WS:  Sabagay, matagal-tagal na ‘rin yun.  Wala pa ngang Friendster nung panahon na ‘yun.


Palihim akong napangiti.  Oo nga naman, mukhang matagal na panahon na talaga, sarado na ang Friendster ngayon eh.


P:  Ah, matagal-tagal na nga. :D


WS:  Saglit lang tayo nagka-chat that time.  Parang nasa night shift ka ata nun if I remember it right.  Ako naman ay patulog na.


“’Nak, parine na at kakain na.  Paborito mo ang ulam, patola con miswa.”


P:  O sya, nice talking to you again.  Tumawag na nanay ko, dinner time.


WS:  Wait!  May FB ka?  Viber?  Skype?  Pahingi na lang ng number mo.


P:  Bye!


_____________________________________


Certified NBSB - Part 1
Certified NBSB - Part 2
Certified NBSB - Part 4