Saturday, March 5, 2016

Certified NBSB - Part 7

Mas naging mahirap ang paghihiwalay namin nang bumalik si Wilson sa Dubai noong katapusan ng January.  Hindi naman maaaring hindi sya umalis sapagkat kaka-renew pa lamang nya ng panibagong kontrata sa kumpanyang kaniyang pinapasukan.

"Officially in a long distance relationship" na ako.

Ngayon pa lamang nagsi-sink sa akin ang LDR.  Napakahirap nga pala.  Ang dami din kasi naming masasayang memories nung surpresahin nya ako sa kanyang bakasyon noong Disyembre.  Ang dami na naming pictures na magkasama na naka-save sa cell phone ko. Ang dami na din naming posts sa Facebook tungkol sa mga adventures and road trips namin noong umuwi sya.

Pero ngayon, ang lungkot na naman.  Magkaiba na naman ang time zone namin.  Magkaiba ang rest days.

Wilson:  Hon, kaunting tiis lang.  Para naman sa future natin 'to, di ba?

Tin:  Oo nga, pero namimiss kita talaga!  Iba pala pag nakita at nakasama na kita.  L

Ganyan ang madalas na laman ng usapan namin - sa chat man o sa text o sa FaceTime.

Kahit mga parents ko ay 'yun din ang palaging sinasabi sa akin, "Saglit lang 'yan anak, napakabilis lang ng araw ngayon."

Para maibsan 'yung kalungkutan, madalas pa din akong nakatatanggap ng mga surpresa mula sa kanya - tulips, roses, minsan fruit bouquet.  Tuloy pa din ang puyatan sa FaceTime or Skype, depende kung alin ang mas maganda ang connection.

Tin:  Hon, may accrued leave pala ako sa May, sayang naman kung di ko magagamit.  One month din halos yun, di naman convertible to cash.  Gusto mo mag-tour ako papunta dyan?

Wilson:  Wow, ayos yun!  Sige kuhanan kita ng visa.  Mabilis lang naman mag-apply ng tourist visa papunta dito.  Ikukuha na lang kita sa kakilala kong agency.  Papayag ba sina Tatay na makasama kita dito?  J

Tin:  Sira ka talaga!  Alam ko ang iniisip mo!  Dun ako mag-stay sa mga pinsan ko sa may Jebel Ali ba un?

Wilson:  Ah talaga?  Sa Jebel Ali sila?  Medyo malayo yun dito sa Deira, pero reachable naman by metro.  Dito ka na lang mag-stay sa akin.  *wink*  Malaki naman ang accommodation ko at saka may kotse naman so anytime pwede natin silang puntahan sa Jebel Ali.

Ilang araw lang akong nag-ayos ng mga requirements para sa pagpunta ko sa UAE.  Ilang araw bago ang flight ko ay naipadala din ni Wilson ang visa ko through E-mail.  "Hon, don't forget to bring your work documents.  Medyo mahigpit sa immigration sa Pinas pag solo traveler ka tapos dito sa Dubai ang punta.  Make sure you have your return ticket with you, company ID, and humingi ka na din ng certificate of employment sa boss mo to be safe.  I'll see you in a week!  Wavu!"

Medyo mahaba ang pila sa immigration ng Dubai, pero hindi naman ako nagkaproblema dahil may visa naman akong dala.  Mabait din ung immigration officer na Emirati na napuntahan ko.  Ang ganda ng airport nila.  High-tech!  Nakakatuwa ang daming Pinoy - mga pasahero, mga staff ng airport, mga crew sa mga shops - para lamang akong nasa Mega Mall.

Para akong nasa loob ng pugon paglabas ko ng Dubai International Airport.  Ganoon pala kainit sa Middle East.  Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa init ng singaw ng paligid.  Ang lagkit sa pakiramdam.  Naka-sweater pa naman ako dahil malamig sa eroplano at sa loob ng airport.  Luminga-linga ako sa arrival area at napangiti ng makita ko si Wilson.  May bitbit na isang maliit na bouquet at printed bond paper na may nakalagay na, "Welcome to Dubai, honey ko!"  Nawalang bigla ang pagod na naramdaman ko sa siyam na oras na nonstop flight nung masilayan ko ang masayang mukha ni Wilson.

Wilson:  Hon, musta ang byahe mo?  Ok naman sa immigration sa atin?

Tin:  Ok naman, hon.  Mabait din ung sa immigration sa atin.  Nakita naman nya na may iba akong travel outside the country.  Grabe pala ang init dito, hon.

Wilson:  Naku, di pa mainit yan.  Nasa 31°C pa lang ngayon, konting init pa lang yan kumpara sa Pinas.  Ang peak nito ay mga June to August.  Aga pa naman, hon, kain muna tayo?  Nakausap ko mga pinsan mo, pumayag na dun ka na muna mag-stay sa accommodation ko.  Imi-meet na lang daw nila tayo for dinner at saka pasyal.  Yes!

Tin:  Sige, kain muna tayo.  Di ako masyadong nabusog sa food sa eroplano, although masarap naman.  Sa wakas, matitikman ko din ang authentic na shawarma!!!

Maganda ang Dubai.  Ang lalaki ng malls nila na puro branded shops ang laman, at kahit saan talaga, ang daming Pilipino.  Kahit sa mga maliliit na tindahan na parang sari-sari store sa atin, may mga kababayang nagtatrabaho.  Naranasan ko makapag dhow cruise.  Nakapag-side trip kami sa Abu Dhabi para makapunta sa Ferrari World at sa Grand Mosque.  Ang dami-daming tourist attractions sa UAE.

Naisama din ako ni Wilson minsan sa isang dinner party ng kanilang kumpanya para sa isa nilang amo na malilipat ng US branch.  Madami pala silang mga Pilipino sa iba't ibang department doon.  Bida ng kaniyang amo ay hanga sya sa ugali ng mga Pilipino lalo na sa pagdating sa kasipagan.

Maganda ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Wilson, kaya maayos ang mga benepisyo. Maayos at maluwag ang accommodation nila at halos buong villa ay mga taga-opisina nila ang nakatira.  Mayroon kasi akong mga napanood dati sa mga documentaries sa TV sa atin na sa sobrang mahal ng renta sa UAE, nagtitiis ang mga kababayan natin na magsiksikan sa isang maliit na kwarto.  Kadalasan ay mga double-deck beds na pinagkakasya ang anim na tao o higit pa sa isang silid.  Sa kabilang villa ay may mga Pinay na umuupa.  Nagkaroon ako nang pagkakataong makilala ang isa sa kanila, si Laila.  Nakasabay ko kasi syang maglakad noon papunta sa bus stop at nang makilalang Pinoy ako ay nagpakilala.  Rest day nya noong araw na iyon.  Saglit kaming nakapagkwentuhan at nalaman kong dati pala syang kasamahan nina Wilson bago sya nakalipat sa isang kumpanyang mas maganda ang pasahod sa mga sekretarya.  Mukhang mas bata si Laila sa akin pero mas assertive ang personality, dala siguro nang karanasan nyang pakikisalamuha sa iba't ibang lahi sa UAE.  Isang tumataginting na, "Nice meeting you, Ate" nga ang sabi nya nung maghiwalay na kami ng bus na sasakyan.

Doon ko din nabatid kay Wilson na pangkaraniwan na sa Middle East ang tawagang 'ate' at 'kuya'.

Friday and Saturday ang weekend nila sa UAE.  Friday ginaganap ang misang pang-Linggo.  Punung-puno ang Tagalog mass sa St. Mary's Church.  Nakakatuwa ang pakiramdam sa simbahan sa UAE.  Para kang nagsimba sa Baclaran sa dami ng tao.

Nakapag-shopping din naman ako nang kaunti.  Di hamak ngang mas mura ang gadgets dito. Walking distance lamang sa accommodation nina Wilson ang tindahan ng ginto na kung tawagin sa Middle East ay "gold souk".  Nabilhan ko si Nanay ng isang simpleng bracelet at si Tatay naman ay nabilhan ko ng isang bagong mobile phone na touch screen na.  Binilhan ko din ng magandang Pashmina shawl ang nanay ni Wilson.

Sa loob ng isang buwan ay tila nadagdagan ang aking timbang ng ilang libras.  Madalas kasi ay sa labas kami kumakain ni Wilson ng dinner para daw hindi na ako mapagod.  Naisasama din ako ng mga pinsan ko sa mga okasyon ng mga kababayan dun pag weekend - birthdays, kasal, binyag.  Masasarap ang pagkain doon.  Noong una ay ayoko ng Arabic food dahil akala ko ay maanghang lahat.  Pero ngayon ay paborito ko na ang hummus, ang kabsa rice with chicken, at kung anu-ano pa.

Parang hinipan lamang nang hangin ang isang buwan.  Parang kailan lang nung halos mawalan ako nang ulirat sa sobrang init na naramdaman ko paglabas ng Dubai International Airport, heto at binabagtas ko na ang arrival area ng NAIA.

Naluluha si Nanay nung makita akong palabas na sa may malaking letter A sa kaliwang bahagi ng arrival area.  Paghalik ko ay pabiro kong sinabi, "Nanay ko o.. isang buwan lang akong nawala, umiiyak na.  Paano pa pag for good na?" Bahagya akong tinampal sa balikat at pagkatapos ay paakbay na akong iginiya kung saan naka-park sina Tatay.

Ang dami-dami kong kwento sa pamilya ko habang papauwi kami.  Mga obserbasyon ko sa kultura ng mga Arabo, ganda ng Dubai, mga pagkain, at mga lugar na napuntahan namin ni Wilson.  Tinapos ko nga lamang ang usapan nung maalala ko na ulit si Wilson... magkalayo na kaming muli.  Mas mahirap, mas masakit sa dibdib.  Naalala ko pa yung lumbay sa mukha nya noong nagpaalam na akong papasok na sa Dubai Immigration.  Ang hirap ng paghihiwalay, at malungkot palang talaga ang departure area ng airport.

Parang mas sumidhi yung pagnanais namin ni Wilson na magkita nang madalas mula noong magbakasyon ako sa UAE.  Kahit alangang oras sa trabaho ay nagpapadala ng mga SMS at mensahe na namimiss na nya ako.  Palagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos na ibinigay Niya sa akin ang isang tulad ni Wilson.

Bandang August ay napansin kong dumadalang ang mga mensahe ni Wilson sa akin.  Sweet pa din naman sya, nakakatanggap pa din ako ng flowers and gifts, pero madalang lang magparamdam.  Ang dati'y dalawampung mensahe sa isang araw, ngayon ay paisa-isa na lamang, kadalasan pa nga'y reply lamang sa message ko.  Kapag kinukumusta ko naman ay palaging ganito lamang ang sagot, "Pasensya na, hon, toxic lang talaga sa opisina ngayon dahil sa bagong project.  Understaffed pa kami."

Tin:  Bes, busy ka?

Drew:  Di nman.  Hmmm, sumthin wrong?

Tin:  Kape tayo maya.  Same place.

Drew:  K.  Gusto mo dinner muna tapos kape, para mahaba-habang kwentuhan.

Tin:  Sure.  Latersh...

Bandang alas-otso na ng magkita kami ni Drew sa mall dahil sa sobrang traffic.  Halos di ko nagalaw ang pasta na inorder ko kahit na paborito ko 'yun.  Di ko naman na din kailangan pang magsalita pa, alam na yun ni Drew.

Drew:  Come on, spill the beans.  Ano'ng meron?

Tin:  Bes, di ko alam kung ano'ng meron.  Pero parang may kakaiba sa pakiramdam ko.

At ikinuwento ko kay Drew ang napapansin ko kay Wilson the past few weeks.

Drew:  Bes, naman... honeymoon period is over.  Sa isang relationship, ganyan talaga.  Yan na 'yung plateau phase ninyo.  You have to spice it up!

Tin:  Eh bakit ako naman, parang di naman nagbago.  Bakit parang sya lang 'yung biglang nagkaganun?

Drew:  Wag ka ngang praning!  Nakaliskisan na namin si Wilson, he's a good man.  And he's good for you.  Wag ka ding masyadong all over him.  Give him space din.

Tin:  Okay, I trust you.  Thanks, Bes!  Dyan ka lang, ha?

Drew:  Op kors!  Saan naman ako pupunta?

Kahit paano'y gumaan-gaan ang pakiramdam ko.

Pinilit kong ibalik ang dynamics ng relationship naming dalawa.  Ako naman ang gumawa ng surprises.  Minsang nagkasakit sya ay pinakiusapan ko ang pinsan kong dalhan si Wilson ng basket of fruits sa kaniyang flat at ipagluto na din ng clear soup para gumaan-gaan ang pakiramdam.  Nariyang nag-bake ako ng chocolate chip cookies at talagang sinadya kong ipadala sa isang kilalang courier company para siguradong makararating sa opisina nya sa Dubai.

Naramdaman ko naman na na-appreciate nya ang gestures ko na ganun.  Kaya akala ko ay maayos na ang lahat.  Pero may kulang pa rin.  Parang may mali.

Ina-anticipate ko na ang pag-uwing muli ni Wilson ng December dahil sa annual leave nya.  Pinipilit ko pa ding maging masaya ang mood sa bawat SMS ko sa kanya kahit nararamdaman kong parang may nagbago talaga sa pakikitungo nya sa akin.  Hindi na rin ako nangahas na magtanong tungkol sa nararamdaman ko dahil natatakot ako na mauwi lang sa LQ ung pag-uusap namin.

"Hon, di ako makakauwi ngayong December.  Pinapa-extend ako ni boss dahil nga dun sa bagong project.  Tawagan na lang kita sa Pasko.  Wavu!"

Nalaglag ang balikat ko pagkabasa ng SMS ni Wilson.

Dumating ang araw ng Pasko.  Tumawag naman nga si Wilson, pero saglit lang kaming nag-usap.  Nagmamadali din dahil workweek at madami daw trabaho.  Sabi ay babalitaan na lang daw nya ako pag may update na sa schedule ng kaniyang bakasyon.

Nagdaan ang New Year’s Eve at Valentine’s Day… mas dumalang na ang komunikasyon naming dalawa.  Sa pagkakataong ito ay iba na rin ang pakiramdam ni Drew sa mga pangyayari.


First week ng March ng mag-message sa group si Gelai:

            Gelai:  Sisters!!!  I miss you… let’s meet later?

            Myrtle:  I’m in, sama ko si Erick..
           
            Drew:  Me, too!  Sama ko din si Randy.

Czarina:  Count me in.. kami na lang ni Tin ang partners dahil wala ang jowa namin J

Tin:  Okay.  See yah!

Habang naghahapunan ay yung mga final details ng kasal nina Gelai at Frank ang napag-usapan.  Halos plantsado na ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib sa June.  Ako as usual ang maid of honor.  Sports cars at pulitika naman ang topic nina Erick at Randolph sa kabilang dulo ng table.

Randolph:  May commission ako for being top representative for February, let’s grab some coffee?
           
            Erick:  Sure, pare, libre yan eh!  Girls, sasama ba kayo o maghahanap kami ng ibang kasama?

            Myrtle:  Subukan mo, Enrico!

            Erick:  Biro lang, ‘ling…

Nagsubside na ang kakulitan ng mga kaibigan ko over coffee.  Napapansin kong madalas ang palitan ng mga titig nina Drew at Randolph sa isa’t isa.  Biglang sumasal ang tibok ng puso ko.

            Drew:  Ahmm, Bes, musta na kayo ni papsi?

            Tin:  Huh?  Ganun pa din, Bes.  Same old…

            Czarina:  Ano’ng same old?  Hoy, ilang buwan na yan!

            Gelai:  Oo nga, para makasunod na kayo agad pag-abot ko ng bouquet ko.

            Erick:  Di pala nakauwi nitong December si Pareng Wilson, no?

            Randolph:  Ah eh.. Drew, talaga bang di sya nakauwi noong December?

            Tin:  Oo nga eh, busy daw dun sa bagong project kaya pinag-extend muna ng boss nya ng ilang buwan.

Nahuli kong nagkatinginan ulit ang mag-asawang Drew at Randolph.  Isang tingin ko pa lang kay Drew ay alam na nya ang ibig kong sabihin.  Umiiling si Drew na wari baga’y ayaw ng magsalita pa, pero pinandilatan ko sya ng mata.  “Spill it.”

            Drew:  Sure ka, Bes?

Nahimigan na nina Czarina, Myrtle at Erick, at Gelai na may seryosong bagay na mababanggit.  Tumahimik ang lahat at ipinukol ang mga mata sa mag-asawa.

            Drew:  Bes….

            Tin:  Go.  I’m listening.

            Drew:  Bes, ganito kasi… Sa Cavite na-assign si Randy last December dahil nag-maternity leave ung area representative nila.

Patuloy ang paglakas ng tibok ng puso ko.  Dinig na dinig ko na ang pintig nito.  Huminto si Drew na wari baga’y humihingi na ng saklolo sa asawa.

            Randolph:  Ganito kasi, Tin.  Paano ba.. ahmmm.. nakita ko si Wilson sa Cavite Medical City nung isang beses na nag-area ako dun.

Nag-alala pa ako at ang aking mga kaibigan.  “Ha?  Bakit?  Sino’ng naospital?  Bakit di ko man lang nalaman?,” sunud-sunod na tanong ko kay Randy.  Panic mode na ako.  May malala ba syang karamdaman na ayaw ipaalam sa akin?  Is he dying?  Is he terribly ill?  Umiling si Randolph pagkatapos ay bumuntung-hininga.

            Randolph:  Tin, he’s okay.  He looks good.  Pero may kasama syang babae sa OB.  Looks like she's pregnant.

            Tin:  Are you sure it’s him?  Baka yung kapatid nya un na bagong kasal?  Or baka kahawig nya lang sadya?

            Randolph:  It’s Wilson.  Dun sila nagpacheckup sa OB na pina-followup ko for the new medications na pinopromote namin.  It’s too late for him to hide or say anything.  We were like a foot away from each other.

            Tin:  And what did he say?  Baka pinsan nya un or tropa nya or kung sino man!

Panay na ang agos ng luha sa mga mata ko.

            Randolph:  I hope mali ang kutob natin.  I’m sorry, Tin.  But it’s better for you to confirm from him.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi  ng bahay nang gabing iyon.  Ang dami-daming tumatakbo sa isipan ko.  Nirereplay ko lahat ng mga pangyayari mula nang umuwi ako galing Dubai noong katapusan ng May.  Paano?  Sino?  Bakit?  Kailan pa?

Parang lumipas ang magdamag na hindi ko namalayan kung nakatulog ba ako o hindi.  Naramdaman ko na lang na umaga na nang pumutok na ang liwanag sa bintana ng kwarto ko.  Hindi ko kayang pumasok sa trabaho.  I called in sick.  Iyon din ang naging alibi ko sa Nanay ko nung tinatawag na ako sa komedor.

Tin, once and for all…

Kinuha ko ang mobile phone ko sa aking bedside table at hinanap sa primary contacts ang name ni Wilson.

            Calling Hunney Wilson…

Hindi sinagot.  Nag-redial ako.

            Calling Hunney Wilson…

“Hello?  Hello?” … banaag sa boses ang takot at pag-aalinlangan…

… babae ang sumagot sa tawag ko.

____________________________________________




Monday, October 5, 2015

We Are Family

Every family has its own story to share, and mine was not different from most we hear.

My mother was raised by a farmer-plain housewife couple.  My father had the same upbringing. They met at a church retreat; my mom accompanied her elder sister, my father tagged along with her elder sister, too.  The bus broke down on their way home, and the rest is history.

Being the eldest, I had the perks of seeing my great grandparents and grandparents alive.  I was able to hear stories of olden times from them, learned about their life during the war, and learned the basics of my faith from them.

The wisdom from the old taught us to love and respect each other.

And in my very eyes, I saw how my family supported one another.

When an aunt was diagnosed to have end-stage renal failure (a severe kidney disease), every sibling and in-law helped to get her through the costly medications and hospital bills.  My cousins were still studying at that time, and my uncle's salary is not enough to make ends meet. She passed away on the day his eldest son was about to board his first job as a seaman.  That moment was very heartbreaking for all of us, my cousin not wanting to leave his mom's wake but he had to, else lose the opportunity they have all waited for a long time.

I stood side by side with my family amidst a demolition team at one point in our life.  We were the only ones who lived in a different city at that time, so that means everyone's house except ours will be torn down in favor of a private owner who claimed the land.  It was another painful experience as we see all our childhood memories go down into blocks of broken concrete, splinters of old wood, and a bunch of rusty metal sheets.  Eventually, everybody had to yield with what is right and lawful.  And my relatives almost came to a point of being homeless.  Our house was small, so we could not take in the entire family, but my parents relentlessly supported their siblings.  Every day, we would lift boxes of things we could salvage from the ruins while my parents helped in looking for a decent place for them to find shelter.  We were there with them all throughout their ordeal.  By God's grace, every one now has a house of their own.

When my mother was diagnosed to have stage 2 breast cancer in 2002, and our family only depends on the small crops that my father produces in our small farm, I was quite shaken for a while. I thought we would not be able to overcome that agony.  The surgery itself costs a lot. There would be six sessions of chemotherapy and numerous radiotherapy sessions following that. My younger sisters were still studying, and I have just resigned from my first job.  Then came the help from the entire family.  And to date, my mother has been one of the blessed survivors of breast cancer in the world and she has been active in our parish after recovery.

Birthdays and anniversaries have always been our favorite occasions.  This is a time for all of us to gather and give thanksgiving to the Lord for all His provisions.  Albeit the simple life that we have, we were able to provide memorable 18th birthday parties to every girl in our family. We have celebrated numerous surprise anniversary parties for our parents.  Guests would always praise our grandparents for raising a family like ours.  Friends would envy our bond.

I would always see my mother and my aunts cry together in every occasion.  When we ask them why, they would say that they miss their parents.  They miss our grandparents, and perhaps they were hoping that they were able to enjoy this little comfort that we have nowadays.

My father's side is also a closely knit family, although they were smaller compared to my mom's.  On most occasions, new acquaintances would always mistake my aunt and my mom to be sisters (they are in-laws).  She helped us get through college when my father lost his job due to the Gulf Crisis in the 90s.  My two other uncles have raised a family of their own.  We helped each other especially when I had a cousin who was diagnosed with leukemia.  It was another painful experience for us, but we remained strong.  There were struggles and conflicts along the way, but everything went well eventually, and my cousin saw it all before he passed away on his 11th birthday.

Faith in God has helped our family get through a lot of trials over the years.  No one gave up simply because the family support was strong.  Most of the time, we would hear mass as a family.  All my cousins are active lay servants in the church - some were choir members, the others lectors and commentators, and two belong to this community (my cousin is an active member of CFC Dubai, while I am part of SFC Qatar).

Our life may end up in the the month-long anniversary feature for "MMK," what with all the ups and downs that we have been through.  By God's grace, we have emerged victoriously.  My cousins and I have all landed good-paying jobs to provide for our ageing parents.  We were able to somehow provide them some comfort - restaurant treats and leisure travels here and there.

We never stopped loving.  We never gave up.  We never ceased praying.  We kept supporting each other.

We are family, and we protect family.

I may not be born with a silver spoon, but I have this family, and it is everything that matters.

I am truly blessed.

__________________________

And this, my friends, is my family.


My wacky family (L-R):  Ellalaine (youngest), Shella (middle), me, Nanay Luz, Tatay Ben, and my niece Arlain.

New Year's Eve 2011 at our home.

With my aunts, uncles, and cousins (father's side).

Our annual Encabo family get-together (mother's side).

With Nanay's siblings and in-laws on her 60th birthday.









Monday, August 31, 2015

Certified NBSB - Part 6

"Hello, miss. Pwedeng makipagkilala?"  Pabirong bati ni Wilson sabay abot ng kulay pink na bouquet sa akin. Kasunod nito'y ang bahagyang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking kanang pisngi.

Para akong napadikit sa isang magnet pagkaabot nya ng mga bulaklak.  Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.  Hindi rin ako makapagsalita.  Ang daming tumatakbo sa isipan ko pero wala akong maintindihan ni isa man.

"Ma'am, mauuna na po ako sa inyo," paalam ni Mang Joel na syang kasabay ko sanang umuwi.  'Yun lamang ang tila nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.  Napatango na lamang ako nang bahagya bilang pagsang-ayon kay Mang Joel para magpatiuna na.

Totoo talaga.  Andito na si Wilson galing Dubai!  First time naming nagkita ngayon in person.  Dinig na dinig ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba at pagkasorpresa at excitement!  Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong ikilos.  Ngingiti ba ako?  Yayakapin ko ba sya?

Nang bigla kong naalala... ni hindi ko nga pala nakuhang magsuklay buong araw sa dami ng trabaho kanina.  Hindi ko na nga din tila nasipat ang sarili ko sa salamin bago umalis ng opisina.

Wala pa ring salitang namumutawi sa bibig ko.  Tahimik lamang akong nakatingin sa kanya habang bahagyang inaamoy ang mga bulaklak na galing sa kanya.

Pilit kinuha ni Wilson ang paper bag na bitbit ko.  Pagka-abot ko nito ay diretso na din niyang hinawakan ang aking kaliwang kamay.  Sasal na naman ng kaba ang dibdib ko!

Holding hands while walking.

Pakiramdam ko ay nag-blush na naman ako nang mga sandaling iyon.

"Hon, 'di ka ba masayang andito ako? Ang tahimik mo eh!"  Usal ni Wilson habang iginigiya nya ako papunta sa maliit na pavement papunta sa parking sa gilid ng building namin.  Maya-maya pa'y narinig ko na ang tunog ng alarm ng isang kotse kasabay ng pag-ilaw nito sa bandang gitna ng parking lot.  Ito marahil 'yung Honda Accord na nabanggit nyang binili nya para sa 30th wedding anniversary ng parents nya noong September.

Pagtapat sa kulay maroon na sasakyan ay huminto ako sa paghakbang at pumihit ako paharap sa kanya.  Natatamaan sya ng ilaw ng poste na nasa gilid ng kaniyang parking slot.  Tiningnan ko syang mabuti.  Nakangiti sya.

Pinisil ko ang kamay niyang nakakapit sa aking kaliwang kamay at inabot ko din ang kabila niyang kamay.  Nang hawak ko na ang mga ito ay saka ako nagsalita, "Hon, masaya ako na andito ka.  Grabe lang talaga ang pagka-surprise ko.  Ang haggard ko pa naman ngayon.  Walang suklay.  Walang lipstick.  Nakakahiya."

Napangiti si Wilson sa mga sinabi ko.  Napapailing nyang inunlock ang sasakyan at binuksan ang passenger's side para makasakay ako.

"Saan mo gustong mag-dinner?  Treat ko," sambit ni Wilson sabay siko sa akin.

"Sa bahay na lang tayo kumain.  Hinihintay ako nina nanay kasi paborito ko ang ulam..."

"... patola con miswa..."

Malakas kaming nagkatawanan nang sabay naming sabihin ang patola con miswa.  Alam nya na talaga ang mga favorite ko.

"Nag-text na ko kay nanay na pauwi na ako, pero hindi ko pa sinabing kasama kita, para ma-surprise din sila."

Dumaan muna kami saglit sa isang branch ng Conti's para bumili ng mango bravo para sa dessert.

Gaya nang inaasahan ay nagulat din sina tatay at nanay.  Pabiro pang nagtampo ang nanay ko dahil hindi ko man lang daw sya inabisuhan para nakapagbihis ng maayus-ayos na daster.  Inabot na ng halos hating-gabi bago natapos ang masayang kwentuhan.  Saka lamang nagpaalam si Wilson nang sinenyasan kong malalim na ang gabi.  Pauwi pa kasi siya ng Cavite kaya pilit ko na ding pinauwi at baka mag-alala pa ang mga magulang nya.

Inihatid ko sa may terrace si Wilson nang makapagpaalam na sya sa nanay at tatay ko.

Ginagap nyang muli ang mga kamay ko.

"This is one of the happiest days of my life.  I'll see you tomorrow, hon, ha?  Yung solo naman kita.   Sunduin kita dito ng mga 10:30?   Brunch and then bahala na kung saan tayo makapamasyal.  Weekend is with me."

Pagkasabi nito'y mabilis nya akong hinalikan sa noo sabay sabing 'I love you, hon.  Good night.'

Magdamag akong hindi nakatulog.  Pinuyat ko din si Drew sa telepono para ikwento ang mga kaganapan at para makapagtanong na din ako kung ano ang isusuot ko sa date namin kinabukasan. Panay ang message nina Gelai, Czarina, at Myrtle sa Facebook.  Alam na din nilang andito na si Wilson.  Wala talagang pwedeng isikreto sa mga kaibigan ko.  Seen-zoned muna sila.  Imi-meet ko na lang sila sa Sunday after ng date namin bukas.

Alas syete pa lang ng umaga ay nakahanda na ang isusuot ko.  Nakahanda na rin ang hair dryer na minsan ko lang atang nagamit mula nang mabili ko ito sa isang sale.  Maya-maya pa ay narinig ko na ang matinis na boses ni Drew habang tinutukso ang nanay ko sa may komedor.

"Magmamanugang ka na po ba, 'nay Lucy?  Ihanda na ang pinatabang baka ng Tatay Ed!  Panhikin ko lang po muna si Tin at kailangang maganda sa first date!"

"Bessss!!!" Tili ko nang maramdaman ko na ang mga yabag nya sa may tapat ng kwarto ko.

Fully supportive ang bestfriend ko sa lovelife ko.  Hindi na daw muna nya sinabi sa tatlo na pupunta sya sa amin para hindi sila magtampo.

Ang daming bilin ni Drew!

"Bes, wag kang mag-oorder ng spaghetti.  First date nyo.  Clumsy ka pa naman, naka white pants ka pa."

"Bes, relax lang.  Act natural.  Boyfriend mo ung kasama mo, hindi mamamatay-tao."

"Bes, 'yaan mong sya ang magbayad ng bill.  Madami syang uwing dollars, hahaha!"

Madami pa syang sinabi pero wala na akong ibang natandaan dahil narinig na namin ang pagpasok ng kotse ni Wilson sa aming looban.

Niyakap ako ng mahigpit ni Drew. "This is it, bes! Break a leg! I love you. Enjoy the moment."

"Bes! Be safe.. wag munang isusuko ang Bataan, ha!"

"Sira!" Natampal ko sa balikat si Drew pagkasabi noon at sabay kaming nagkatawanan habang naglalakad palabas ng aking kwarto para imeet si Wilson.

Mabilis namang nagkapalagayan ng loob si Wilson at si Drew.  Maya-konti pa ay nagpaalam na din kami sa kanila.

"This is it, pancit!  My first date," sambit ko habang ikinakabit ang seatbelt sa aking upuan.  Nakangiti si Wilson habang iginigiya ang sasakyan papalabas ng aming bakuran.

Pa-South ang tinatakbo ng aming ruta kaya naisip kong baka uuwi kami sa kanila sa Cavite.  Pero lumampas na kami sa arko ng bayan nila ay diretso pa rin sa pagmamaneho sa Wilson.

"Pa-Tagaytay tayo, hon.  Saan mo gustong mag brunch?"

"Ahhmmm.. pwedeng dumaan muna tayo sa Lourdes?  Matagal-tagal na din akong hindi nakasisimba dun mula nang mapauwi na kami sa Manila."

Nag-park kami sa gilid ng bagong simbahan ng Our Lady of Lourdes sa Tagaytay.  Higit na malaki ito kaysa sa lumang chapel na ngayon ay bahagi na ng formation house.   Medyo ma-traffic na din pa-Cavite kaya tanghaling-tapat na kami nakarating sa Tagaytay.  Walang misa nang oras na iyon, kaya pumasok na lamang kami para magdasal.  Naglagi kami sa loob ng mga labinlimang minuto bago ko sya hinudyatan na pwede na kaming umalis.

Sa Bag of Beans namin naisipang mananghalian.  Maganda ang ambiance.  Disyembre noon kaya mas malamig ang panahon kaysa sa mga nagdaang buwan.  Mabuti na lang pala at naka-cardigan ako.  Manaka-naka pa ang tao dahil maaga pa.  Ang bida sa amin ng mabait na waiter ay sa hapon pa magsisimulang dumagsa ang mga tao dahil paakyat pa lamang galing Manila ang karamihan sa mga customers nila.

Pagkatapos mananghalian ay pumunta kami sa isang bagong-bukas na branch ng Starbucks sa may Tagaytay-Calamba road.  Mas kakaunti ang tao dito kumpara dun sa naunang branch sa may Magallanes.  Tulad nang dati ay kung saan-saan na naman napadpad ang aming usapan.  Mas palagay na ang loob ko sa kanya ngayon kumpara noong nagdaang araw sa una naming pagkikita. Hindi na din ako nako-conscious pag hinahawakan nya ang kamay ko o kapag niyayakap nya ako.

Palubog na ang araw nang umalis kami sa kapihan.

Pagbaba ng Bacoor ay dumaan kami saglit sa kanilang bahay at ipinakilala ako ni Wilson sa parents nya.  Mababait ang mga magulang nya.  Kabaligtaran ng tatay ko ang tatay nya.  Palabiro at komikero si Tatay Wilbert samantalang seryoso at hindi palangiti ang Tatay Eduardo ko.  Halos magka-edad at magka-ugali naman ang Nanay Gloria nya at ang Nanay Lucy ko.  Hindi ko nakita ang mga kapatid nya dahil nasa basketball court daw at kasali sa liga ng barangay nila.  May pauwi pang Samala's Bibingka ang Nanay Gloria para sa parents ko.  Specialty daw yun sa Cavite City pero may branch na malapit sa bahay nila kaya may pasalubong ako sa dalawa.

Alas-diyes na nang makabalik kami sa Maynila.  Patay na ang ilaw sa loob ng bahay kaya nahinuha kong tulog na sina nanay at tatay.  Yung ilaw na lamang sa streetlight ang nagbibigay ng liwanag sa aming patio papasok sa may terrace.  Hinagilap ko na ang susi sa bag ko bago pa ako makababa ng sasakyan para hindi na rin ako maggising pa.

Inanyayahan ko pa si Wilson na pumasok sa bahay ngunit tumanggi sya para daw hindi na din makaabala at tyak na nagpapahinga na sina tatay at nanay.  Ibinaba nya sa pasimano ng terrace ang bibingkang pasalubong at saka hinawakan ang kamay ko.

"Hon, thank you for everything.  You are the best thing that has ever happened to me.  Sana ay napasaya kita today kahit mas madalas na magkalayo tayong dalawa.  Mahal na mahal kita."

Walang kurap nyang sinabi ang mga salitang ito.

At bago pa man ako makatugon ay nailapit na pala niya ang kanyang mukha sa akin.  Nakatitig pa rin ako sa kanyang mga mata.  Nagniningning ang mga ito sa kaligayahan.  Naramdaman ko na lamang ang unti-unting paglapat ng mga labi nya sa labi ko.  Ipinikit ko ang aking mga mata. Napakabanayad ng halik nya.  Hindi ko alam kung ano ang gagawin.  Biglang nanlambot ang mga tuhod ko na parang babagsak ako anumang saglit.  Naramdaman ito marahil ni Wilson dahil binitawan nya ang pagkakahawak sa kamay ko para isuporta ito sa aking likuran.  Ang isang kamay naman nya ay bahagyang nakahawak sa aking pisngi.

Nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko na para bang sasabog sa sobrang lakas ng tibok.  Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo.  It felt like forever!

Parang ayoko nang matapos ang sandaling iyon.

Nakapikit pa ako nang marinig ko ang pabirong udyok ni Wilson. "Hon, uwi na 'ko. Gabi na."  Tila nakukuryente akong napabitaw sa kanya.  Doon ko lang na-realize na nakayakap na pala ako sa kanya.  Napayuko akong bigla nang naisip kong tila nakakahiya ang ginawa ko.  Iniangat nya ang mukha ko para matitigan sya. "Yun ang best kiss na natanggap ko sa buhay ko."

Nagnakaw pa syang muli ng isang halik sa noo bago sumakay sa kanyang kotse.

Naglaho na ang ilaw ng kanyang sasakyan ay nakatanaw pa rin ako sa direksyong binagtas nito. Nakatingin ako sa kawalan habang unti-unting nirereplay ang mga kaganapang namagitan sa aming dalawa.  Dahan-dahan kong ni-trace ang labi ko na kanina lamang ay kadikit ng malambot na labi niya.

First kiss ko si Wilson.  May first kiss na ako.

Totoo nga ang sabi ng iba, may fireworks talaga!

To:  Hunney Wilson (+63999-803-xxxx):  Hon, that was my first kiss.   Thank you for being so gentle. Thank you for this day.  Thank you for making me feel that I'm the prettiest girl in the world.  Wavu to infinity and beyond.

To:  Honey Tin (+63917-555-xxxx):  Nagpa-gas lang ako saglit.  Tulog na. :)  More hugs and kisses to come.  Wavutu. :-*


Mukhang mahaba na naman ang gabi ko...