Alam
kong ang tinutukoy niya ay ang estado ng puso ko matapos ang isang major, major
heartbreak.
Kumusta
na nga ba ako matapos ang 3 months? Ano
ba ang nabago sa akin sa loob nang panahong ito?
Flashback.
Na-krungkrung
ako. Umiyak. Naloka. Natulala. Ngumalngal. Nagalit. Nagtanong. Humagulgol.
Pero
hindi tulad ng dati (pang-ilang beses na nga ba kasi?), sandali lang ako dumaan
sa anger at denial stage.
I knew
that day would come.
I knew
it all along.
Ako
lang talaga ang nagpumilit na baka may chance na mabago dahil sa mga ipinakita
the last time. I held on to that last
spark of hope. Twelve years of
friendship and something else (you know, on and off, on and off. Repeat 100
times). Baka somewhere along the way
nag-mature na kami pareho.
Pero
wala talaga.
Until
one day, nagising na lang ako na wala na akong makapang lakas para lumaban pa. Anino na lang pala ang hawak ko sa aking mga
kamay sa tinagal-tagal.
Isang
linggong iyak. Isang linggong mourning
period. Isang linggong grieving. Iyak ulit.
Then I
surrendered it all to God. Sabi nga ni
Bro. Tristan, “Hubad na hubad ako sa harap ng Diyos.” ‘Yung tipong wasak na wasak, duguan... Tapos wala na akong nasabi sa pagitan ng mga
hikbi ko kung hindi “Lord, I am sorry. Please
take over.”
Natatakot
ako na baka nagtampo na si Lord. Pasaway
kasi ako. Hindi nakikinig. Baka sabihin ng Diyos, “Mabuti nga sa ‘yo. Bagay sa iyo ‘yan kasi matigas ang ulo mo.”
Pero sa
pang-isang libong pagkakataon, ipinaramdam ng Diyos na Siya ay mahabagin. He is indeed close to the brokenhearted (Psalm
34:18).
Tinapik
Niya ang mga kaibigan ko, ang Tatay ko, ang mga kapatid ko, ang household ko.
“Be there for, Yen.”
Tall
order ‘yun from Big Brother.
Doon ko
ulit naramdaman that I am loved. Ito ung
pagmamahal na hindi judgemental. Nasaktan din sila sa nangyari. Nagalit din sila na hinayaan kong saktan kong
muli ang sarili ko. Nainis din sila
dahil hindi ko pinakinggan ang payo nila sa loob nang maraming taon. Pero noong panahon na iyon, wala silang sinabi
sa akin kung hindi, “Andito lang kami. Kaya mo ‘yan. Kailangan mong kayanin.
Mas madami kaming nagmamahal sa iyo nang higit sa akala mong pagmamahal niya. Iyak lang saglit tapos bangon na ulit!”
Tapos
na-busy na ako sa church. Sa Singles for Christ.
Teachings.
Upper household. Lower household. Retreat. Mass. Fellowship.
(In no
particular order.)
Isang
araw bumalik ang sigla ko sa pagsusulat! Natapos ko na ang Certified NBSB sa blog ko
matapos ang apat na taon!
Ngayon ay nasa chapter 2 na ang NBSB No More.
Lumabas
ulit ang aking dugong-pulitiko (Proud apo ng isang dating Capitan del Barrio. Anak ng isang dating Barangay Kagawad. Dating SK Chairman ng Imus.) I got involved ulit sa kalagayan ng bansa.
Nagkaroon ulit ako ng pakialam at malasakit sa bayan ko. Naging pioneer pa ako ng isang maliit na grupo
dito sa Qatar kung saan ang unang pakay ko lang namay ay maghanap ng masasabayan
para makaboto sa Philippine Embassy.
Isang
araw, sinubukan ko din makakilala ng mga bagong kaibigan. Pag ‘bugoy’, “Thank you. Bye!” Pag mabait, go
lang.
I
started going out again. Friendly dates.
Pwede pala 'yun! Nakakatuwang makakilala ng iba-ibang personalidad.
Mayroong epic fail, mayroon namang
naka-vibes ko at kaibigan ko na until now. Ang sarap pala sa pakiramdam ‘yung may
nakaka-appreciate sa iyo as you are. ‘Yung wala silang pakialam sa physical flaws
mo.
At alam
ko, umay na umay na kayo sa selfies ko. Selfie
in the morning. Selfie at night.
Pero
totoo nga atang may psychiatric problems ang mahilig mag-selfie.
Kasi
bawat ‘like’ ninyo sa primary photo ko gives me an assurance that I am loved. Na kahit filtered ‘yung picture para hindi
kita ang pimple ko, eh sabi nyo blooming pa din ako. Kada isang comment ninyo sa profile pic ko ay
parang Band-Aid™ na pansamantalang tumatagpi sa sugatan kong puso.
Tapos
serve pa more! Kahit luhaan, simba pa
din. Sharing sa ibang kapwa-sugatan. Pray pa more.
Unti-unti,
naramdaman kong gumagaan na ‘yung dala ko. Nakakangiti na akong muli. Umaabot na ulit ung ngiti ko sa mga mata ko. Humahalaklak na ulit. Makulit na ulit.
Nakakapagluto
na akong muli. Nakakapag-bake. Nakakapagsulat.
Natatanaw
ko na si Yen. Pero stronger, braver,
happier.
Sabi
nga ni Sarah G., “version 2.0”.
Kahapon,
narinig ko na naman ‘yung assurance ni Lord sa National Conference ng SFC.
“The best is yet to come.”
Time-space
warp to today.
Kumusta
na nga ba ang puso ko?
I’m almost there. :)
------------------------
“Don’t stop at WHY. Allow GOD to lead you to
your WHERE.”
- Sis Kate Sabug (SFC UAE)
- Sis Kate Sabug (SFC UAE)