2: COINCIDENCES
“Nay,
punta muna po ako ng mall. May titingnan
lang po ako sa bookstore,”
paalam ko sa nanay ko isang Sabado ng tanghali.
May mga bagong libro akong nais mabasa.
Mas preferred ko pa din kasi ang tunay na aklat kumpara sa mga digital o
audio books na usung-uso ngayon. Iba pa
rin ang fulfillment habang sinisinghut‑singhot ko ang bawat pahina ng mga
bagong libro. Excited din akong balutan
ang mga ito ng self-adhesive plastic covers para manatiling nasa maayos na
kundisyon.
Mall-wide
sale pala noong araw na iyon. Hindi
magkamayaw ang mga tao sa pamimili lalo na ng mga gamit ng mga anak nila sa
school.
Wrong
move.
Hindi
na muna ako pumunta sa bookstore.
Pinili
ko na lamang mag-ikut-ikot para malibang.
Dumaan muna ako sa paborito kong pet shop para tingnan ang mga isda na
nasa malalaking aquariums. Nakatatanggal
ng pagod ang panonood sa mga ito sa kanilang paglangoy.
Maya‑maya
ay napadaan ako sa cinema. Nakita ko na
showing na pala ‘yung hinihintay kong movie.
Nakatayo
ako sa harap ng poster ng “Pitch Perfect 2” para tingnan ang mga oras ng
palabas nito.
“Miss,
tunaw na ‘yung poster!”
Paglingon
ko ay nasa may likuran ko si Mark. May
kasama itong isang matandang babae na nakakapit sa kaniyang kanang braso habang
bitbit sa kabilang kamay ang isang designer handbag.
“Hi,
Mark! Yeah, plan ko sana mag-bookstore,
kaso ang daming tao dahil sa sale. Then
nakita ko na showing na ang Pitch Perfect 2, so I decided na manood na lang ng
sine to kill time.”
“May
kasama ka?” Umiling ako.
“Oh
by the way, let me introduce you to my mom.”
Pagkasabi
nito’y humarap ako nang tuluyan sa dalawa.
Tantiya
ko ay nasa late 60s na ang mommy ni Mark.
Banaag sa mukha nito ang kagandahan marahil lalo na noong kabataan
niya. Iniabot ko ang aking kamay sa
matanda bilang tanda ng paggalang.
“Nice
to meet you, Ma’am.”
“Oh
no, forget about the formalities, hija.
You may call me Tita Carmen like everyone does,” kasunod nito ay isang napaka-warm na
ngiti.
Inulit
ko ang aking pagbati, “Nice to meet you po, Tita Carmen.”
Natanong
ko na din tuloy ang mag-ina sa pakay nila sa mall. Nabanggit ni Mark na nagustuhan daw ng mommy niya ang Pitch Perfect 1 kaya naisipan niyang i‑treat ito para manood ng Pitch
Perfect 2.
Niyaya
na ako ng mag-ina na sumabay sa kanila.
Tumanggi ako sa simula dahil naisip ko na mother-son bonding nila ‘yun,
pero nag-insist si Tita Carmen.
“Miss,
Pitch Perfect, tatlo,” kasabay nito’y ang pag-aabot ni Mark ng card niya
sa takilyera. Lumingon siya saglit
matapos ipakita ng babae sa kanya ang available seats, “Tin, any preferred
seats?”
“Ikaw
na ang bahala, Mark.”
Nakahawak
pa rin ang mga kamay ni Tita Carmen kay Mark nang muli itong magsalita, “Magsisimula
na ba, anak, ‘yung movie? If not, let’s
go grab something to eat first.”
Biglang
sumigla ang mood ni Mark. “Mahigit
isang oras pa, ‘ma. We have lots of
time. Tin, would you like to join us for
a late lunch?”
Pakiramdam
ko ay namula ang aking mga pisngi sa biglaang tanong na iyon ni Mark. “Ay naku, hindi na. Moment ninyo ng mom mo yan. Go ahead.
Mag-iikut-ikot muna ko and then I’ll just see you maya sa movie. See you later po, Tita…”
Hindi
na naman pumayag si Tita Carmen.
Dahil
puno din ang mga kainan, sa isang maliit na fastfood chain na lamang kami
nakahanap ng mauupuan.
Sobrang
animated si Mark habang kumakain kaming tatlo.
Napansin ko din na sweet sya sa mommy niya. Asikasung-asikaso niya ang matanda.
Panay
naman ang interview ni Tita Carmen sa akin.
Saan daw kami nagkakilala ni Mark.
Gaano na daw kami katagal magkakilala.
Nang
mabanggit ko na matalik na kaibigan ko si Gelai na asawa ni Frank ay napakarami
na din nitong naging kwento tungkol sa mag-asawa.
“Naku,
kaibigan mo pala si Gelai. No
wonder. Napakabuting bata rin noon. I’ve met her a lot of times sa mga family
gatherings namin. Giliw na giliw din sa
kaniya ang mga magulang ni Frank. Unang kita
ko pa lang kay Gelai, I knew Frank made the right choice.” Saglit
itong bumuntung-hininga sabay tingin kay Mark, “di tulad nitong bunso ko…”
Pabirong
umingos si Mark sa ina, “Ma, ako na naman?
Nakakahiya kay Tin, o. Wala ng
naikwento ‘yung tao.”
Hindi
pa rin nagpapigil si Tita Carmen sa pagkukwento. “Eh totoo naman, Mark. Naku Tin, kung andun ka sa kasal nina Frank
at Gelai eh tyak nakita mo na ang girlfriend nito. Hindi ko sya gusto. Basta.
I just don’t like her.”
“Ma,”
seryoso na ang tinig
ng binata.
Na-tense
ako.
Pero
ngumiti lang ang mommy niya sa kaniya sabay yakap sa braso nito na parang
naglalambing, “pero I am glad it’s over.”
Kaya
pala.
Makuwentong
sadya si Tita Carmen. Sa loob nang
mahigit na isang oras na nakasama ko sila sa pagkain ay hindi ko naramdaman ang
awkwardness. Mararamdaman mo ‘yung
sincerity sa bawat sinasabi niya.
Manaka-naka ay napapahawak din siya sa braso ko habang nagkukwento.
Paminsan-minsan
ay sinusulyapan ko si Mark sa pag-aalalang baka nagalit ito sa tinuran ng ina,
subalit hindi naglaon ay bumalik na ulit ang dating kakulitan nito.
I
insisted to pay for the food, pero in the end, si Mark pa rin ang nasunod. “Lunch is on me. Next time, ikaw naman ang taya. Deal ba ‘yun, Tin?”
Tumango
na lamang ako para matapos na ang usapan.
Naglalakad
na kami palabas ng sinehan ng magbiro ulit si Tita Carmen. “Nak, kunan mo kami ni Tin ng
picture. Ilagay mo sa Facebook ko mamaya
sa bahay. Gusto kong makita ng mga ate
mo sa Amerika na nag-eenjoy ako dito sa Pilipinas.”
Kinuhanan
nga kami ni Mark ng picture gamit ang kaniyang cell phone. Ang isang shot pa ay groupie na kasama siya.
“Di
mo naman ina-accept ang friend request ko sa FB, Tin. Ang tagal na kaya nun. Nagsend ako ng invite sa iyo nung birthday pa
ni Angela. Lahat sila na-accept na ako,
ikaw na lang ang hindi,”
biro ni Mark.
Humingi
ako ng paumanhin sa kaniya dahil hindi pa talaga ako nagbubukas ng Facebook
mula nung huli kaming magkita sa birthday ng anak nina Frank at Gelai.
Nagpaalam
na din ako sa mag-ina pagkatapos noon.
Nagyayaya pa sana si Mark na magkape, pero naisip kong ibigay na lang sa
kanila ang time na iyon para sa isa’t isa.
Matapos
magpasalamat sa dalawa ay humalik ako kay Tita Carmen para magpaalam. “I hope this is not the last time I’ll see
you, hija.” Tumango naman ako at
dali-daling lumayo sa kanilang kinatatayuan.
Hupa
na ang tao sa bookstore nang dumating ako.
Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para hanapin ang mga librong
nais kong bilhin. Tiningnan ko din kung
may mga bagong release pa sa mga bestsellers.
Nalibang ako sa pag-iikot sa dalawang-palapag na puno ng iba’t ibang
libro, magazines, at office and school supplies. Apat na novels ang bitbit ko paglabas kasama
ng mga abubot na nakatuwaan ko lamang bilhin sa stationery section.
Mahigit
isang oras din ata ang ginugol ko sa bookstore sa pag-iikot lamang at pagbabasa
ng synopsis ng mga bagong librong nakadisplay sa bestseller shelves.
Dumaan
ako sandali sa isang pizza parlor para bumili ng pasalubong para kina tatay at
nanay.
Mahaba
ang pila ng pasahero sa taxi stand. Wala
naman akong choice kung hindi maghintay sapagkat tiyak na punuan din ang mga
jeep sa kabilang side ng mall.
Nirereplay
ko ang mga pangyayari nang araw na iyon kaya hindi ko namalayan ang pagtigil ng
isang sasakyang naka-hazard light sa may dulo ng taxi stand.
“Miss,
miss…” sabay kulbit
sa akin ng binatilyong nasa gawing kaliwa ko.
Paglingon ko sa kaniya ay awtomatiko nitong itinuro ang isang asul na
sasakyan.
Si
Mark. Panay ang kaway nito para ayain
akong sumabay na sa kanila. Nagtataka
ako sapagkat wala si Tita Carmen sa sasakyan.
Nag-aalangan
man ay nilisan ko na din ang pila ng taxi sapagkat tiyak na gagabihin ako ng
uwi kapag hindi pa ako sumabay sa kanila.
Binuksan
ko ang likurang pintuan at nagulat ako na doon nakaupo si Tita Carmen. “Sa unahan ka na maupo, hija, kung okay
lang.”
Hindi
na rin ako nagdalawang-isip pa sapagkat may dalawang sasakyan na ding
nakahimpil sa likod ni Mark.
Pagsakay
ko ay nagpaliwanag pa ang mommy ni Mark na may phobia na siyang maupo sa unahan
dahil iba na ang mga driver sa Pilipinas ngayon.
Dahil
parehong makwento ang mag-ina ay hindi ko rin namalayang nasa tapat na kami ng
aming bahay. Inanyahan ko silang bumaba
para makapag-minindal subalit tumanggi na ang matanda at nagsabing masakit na
ang tuhod nito.
“Salamat,
Mark, ha. Libre lahat. Nakakahiya.
Tita Carmen, salamat po and nice meeting you po.”
Napakaganda
ng ngiti ni Mark habang akmang ipipihit ang sasakyan nito, “Tin, may utang
ka na sa akin. See you soon!”
Pagkasabi
nito’y itinaas na niyang muli ang bintana ng sasakyan at tuluy-tuloy nang
umalis.
Hindi
ko agad napansin na nasa terrace pala sina Tatay at Nanay at nagpapahangin.
Biniro
ako ni Tatay pagkaabot ko sa kaniya ng kahon ng pizza. “Parang pangalawang beses ko nang nakita
ang Ford Everest na yan sa gate natin, Kristinella. Bakit ayaw mo pang ipakilala sa amin?”
Pigil
na pigil ang ngiti ni Nanay bilang pagsang-ayon sa pambubuyo ni Tatay.
“Naku,
‘tay, wala ‘yun! Si Mark Mayabang ho
‘yun. Pinsan ni Frank. Partner ko ‘nung kasal nila ni Gelai.”
Nangingiti
rin akong pumasok sa loob ng bahay para magpahinga.
It’s
a happy day. J
______________________
Itutuloy.
No comments:
Post a Comment