5: LOVE MOVES
Maaga
pa lang kinabukasan ay may text na akong natanggap mula kay Mark. Nagpapaalam siya na kung maaari raw ay susunduin
niya ako paglabas sa opisina. May
commitment na akong lalabas kasama ang team ko for some clean fun kaya
nag-decline na muna ako, subalit sinabi ko rin namang free ang schedule ko the
following day.
Alas-kwatro
pa lamang ng hapon ay tumawag na siyang papunta na siya sa office ko. Sinabi kong 5 pa ang out ko dahil may mga
kailangan pa akong tapusing E‑mails.
Halos 5:30 na rin nga ako nakababa dahil may isa pang correspondence na
ipina‑rush si Ma’am Ems sa akin.
Pagbukas
ng elevator ay nakita ko na agad si Mark na nakaupo sa may couch sa tabi ng
reception area. Maaga pa, kaya ang bagong
security na si Jessie pa ang naka-duty.
Kilala na rin naman ako sa mukha nito, kaya pagdaan ko ay bahagya siyang
ngumiti at bumati sa akin.
Pagkakita
ni Mark sa akin ay kaagad siyang tumayo habang inaayos ang kaniyang coat na
bahagyang nalukot sa pagkakaupo.
“Hi,
Tin! How’s your day?”, masiglang bati ng binata sa akin.
“Hey,
Mark, I’m good. Thanks! Formal tayo, ah… sa’n ang lakad?” pabiro kong tanong sa kaniya.
Napangiti
na rin siya nang tuluyan. “Ammm, I actually
had a meeting with a new business partner kaya nakapang-malakasan.”
Pagdating
sa parking lot ay agad hinanap ng mga mata ko ang kaniyang asul na sasakyan,
subalit wala ito roon. Iginiya niya ako
papunta sa direksiyon ng isang maroon na kotse.
Mukhang bago pa rin ito at personalized ang plaka sapagkat napansin kong
MRK ang mga letra nito.
Tumunog
ang alarm ng sasakyan nang kami ay papalapit na. Binuksan ni Mark ang pinto ng kotse sa side
ko subalit hindi muna ako pinasakay nito.
Yumuko siya pasumandali upang kuhanin ang isang bagay na nakapatong sa
may upuan. Paglabas niyang muli ay
iniabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak, puro pink Equadorian roses!
“Pink
daw ang favorite color mo sabi ni Gelai.
So… for you…”
Bahagya
kong inamoy ang mga talulot nito at saka ako nagpasalamat sa kaniya sabay pasok
na rin sa loob ng sasakyan. Umikot siya
papunta sa driver’s side at masiglang pinaandar ang kotse.
Magaang
ang kwentuhang namagitan sa aming dalawa sa kahabaan ng aming byahe. Biniro pa ako ni Mark na kotse raw ang
naisipan niyang dalhin pagsundo sa akin dahil napansin niyang nahihirapan akong
mag-akyat-baba sa Ford dahil sa taas nito.
Ito kasi ang sasakyan na madalas niyang dala sa tuwing naisasakay niya
ako sa ilang pagtitipon dati. Natampal
ko nang bahagya ang kaniyang balikat sa aking pagkakatawa.
Kinumusta
rin niya ang naging takbo ng aking maghapon sa opisina, at gayundin ang
itinanong ko sa kaniya.
Paghimpil
sa tapat ng aming bahay ay natanaw kong sumilip si Nanay mula sa kusina. Aninag ang liwanag na nagmumula sa TV sa
aming sala, kaya alam kong naroroon din si Tatay.
Batid
ng dalawang matanda na kasama kong darating si Mark. Si Nanay na rin ang nagsabing doon na
maghapunan ang binata para raw maka-kwentuhan din nila ito. Kinakabahan man ako ay umayon na rin ako sa
kagustuhan ng aking mga magulang.
Bago
pa kami nakapasok sa aming bakuran ay nakita kong sinenyasan na ni Nanay si
Tatay upang lumabas kasama niya.
Relaxed
na relaxed lang si Mark.
Pagpasok
sa aming terrace ay kaagad itong humalik sa kamay ng mga magulang ko. “Mano po,” kaagad na sabi ng aking
kasama sabay abot ng isang cake box sa nanay ko.
“Kaawaan
ka ng Diyos, anak,”
tugon naman ng aking Nanay.
Naiwan
sa living room ang tatay ko kasama si Mark habang inihahanda namin ng nanay ko
ang hapag-kainan. Dahil kanugnog lang
naman ng aming komedor ang sala ay mabilis kong nasisipat ang dalawang lalaki.
Hindi
ko kinakitaan ng nerbyos o awkwardness si Mark.
Dinig ko ang masaya nilang usapan tungkol sa basketball. Pareho pala silang Ginebra fan ng tatay ko. Maya‑maya’y napunta na sa pulitika ang
kanilang diskusyon. Tipikal na usapang‑lalaki.
Di
kalaunan ay tinawag na sila ni Nanay upang makapaghapunan.
Mukhang
at home na at home ang binata.
Nag-second serving pa siya talaga sa pork sinigang.
“Di
po ako mahihiya, tita. Super sarap po ng sinigang ninyo, parang
luto ni mommy ko! ‘yung natutunaw ung taba
sa sobrang lambot!!!”
Napatawa
ako ng malakas sabay sabing, “Eh akala ko ba diet ka?”
“Kaya
kong i-burn sa gym ito bukas, promise,” pabirong sagot naman ni Mark sabay higop ulit sa sabaw.
Maya-kaunti
pa’y inilabas ko na rin ang red velvet cake na dala niya. Maliliit lamang na slice ang aking ginawa
sapagkat alam kong di naman kakain nang madami ang mag-asawa dahil tumataas na
ang sugar nila, subalit nagustuhan ng tatay ko ang cake at humingi pa ng isang
slice.
“Masarap
ang pagkakagawa ng cake na ito, hindi masyadong matamis,” puri ng aking ama.
“Naku,
ganoon po ba? Hayaan po ninyo at
makakarating sa mommy ko na nagustuhan ninyo ang gawa niyang cake. Specialty niya po talaga ‘yan.”
Napahinto
ako sa pagnguya para suriin kung tama ba ang aking narinig.
Wari’y
nahulaan naman ni Mark ang laman ng aking isip.
“Yup, si mommy ang gumawa niyan.
Na-excite nang malamang dadalaw ako dito sa inyo para ma‑meet ang
parents mo. Kaagad nag-volunteer na
magbe-bake daw sya. Kaya I’m pretty sure
na tataba ang puso ‘nun pag nalamang nagustuhan nina Tito and Tita ang gawa niya!”
Sa
sala na namin ipinagpatuloy ang kwentuhan.
Saglit kaming sinamahan ng aking mga magulang habang umiinom ng
tsaa. Maya-maya ay nagpaalam na rin ang
mga ito upang makapagpahinga na.
Nakatuon
pa ang aking mga mata sa kapipinid lamang na kwarto nang mag-asawa nang biglang
nagsalita si Mark.
“Ang
cool ng parents mo, Tin. Nakakatuwa si
Tito Ed, ang dami niyang kuwento. Saglit
pa lang kami nagkakausap kanina before dinner, pero ang dami ko na nakuhang
insight sa kanya!”
Ako
man ay naninibago rin kay tatay. Kilala
ko siya bilang isang seryoso at hindi palakibong tao, pero sa tingin ko nga
kanina ay nag-enjoy din itong kausap ang aking bisita.
“Uy,
magmemessage na lang ako kay Tita Carmen about the red velvet. Ang sarap ng cake na gawa niya, promise!”
Nakatingin lamang si Mark sa akin pero bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
Nakakatuwa ang taong ito, when I thought eh napakahambog niya when we first met for Gelai and Frank's wedding.
Hindi namin namalayan ang oras sa dami ng aming napagkwentuhan.
Nakatingin lamang si Mark sa akin pero bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
Nakakatuwa ang taong ito, when I thought eh napakahambog niya when we first met for Gelai and Frank's wedding.
Hindi namin namalayan ang oras sa dami ng aming napagkwentuhan.
Bandang
alas-diyes ay nagpaalam na rin si Mark.
Hindi
na pumanaog ang dalawang matanda kaya pakiwari ko ay nakatulog na ang mga ito. “Salamat sa pagdalaw, Mark. And thanks ulit for the cake.”
“No,
I should be the one thanking you. Na-appreciate
ko ang warmth ng family mo. I hope this
won’t be the last time. Papayagan mo ba
akong bumisita ulit?”
Namula
na naman ang pisngi ko.
Isang
mahinang, “sure,” lamang ang naging sagot ko.
Biglang
sumigla ang mukha ng aking kausap.
“Sya,
pumasok ka na bago ako umalis. I’ll be
fine from here, Tin. Good night and
thanks again.”
Pagtango
ako ay tumalikod na rin ako papasok sa aming bahay. Lumingon lamang akong muli nang ako ay nasa may
terrace na. Masaya pa ring nakangiti si
Mark sa akin.
“Sige
na, Mark. Good night.”
Iniligpit
ko lamang sandali ang mga pinag-inuman ng tsaa at di naglaon ay umakyat na rin
ako para magpahinga.
Ilang
saglit pa ay tumunog ang aking cell phone.
Si
Mark.
To:
Tin (+63917-503-xxxx): “Home na, magandang binibini. Thanks again.
Pahinga ka na po.”
To:
Mark Mayabang (+63917-551-xxxx): Ukis. Nyt po.
Natawa
ako nang mapansin ko ang pangalan niya sa phone book ko.
Pumunta
ako sa contacts para i-edit ang kaniyang pangalan.
Ang dating Mark Mayabang, ngayon ay ginawa ko ng Mark lang.
Ang dating Mark Mayabang, ngayon ay ginawa ko ng Mark lang.
___________________________________
Itutuloy...