Tuesday, March 29, 2016

Trapo Ka Nga

Photo Credit:  http://newayscenter.com


Para kang isang pulitikong
mga pangako'y napapako
Pinaaasa ang nakikinig
sa layuning 'di nila batid.


Mabulaklak man ang salita
na iyong laging inuusal
kulang naman ito sa gawa
at palagi pang walang saysay.


Kapag ang iyong sinisinta'y
kagyat ngang di na umiimik
Nagugulo ang isipan mo
at di ka rin nga matahimik.


Subalit sa mga sandaling
tila ba maayos ang lahat
Masyado ka namang kampante
at talagang relaxed na relaxed.


Botante ma'y marunong na rin
alam na kung ano ang mali.
Ako'y bigla rin ngang nagising
mula sa isang panaginip.


Kaya ito ang hinuha ko
Ikaw ay "Traumatic sa Puso".
Tama na ang maraming taon
na sa iyo'y aking 'tinuon.


Tama na.  Sobra na.  Palitan na.



Friday, March 25, 2016

FeeLings


In the quiet of this room
I lay empty-handed
with eyes wide open
and a heart made braver.

A love that's never wasted
was the risk that I took
I fought hard and mighty
until I can give no more.

And then it just halted
like the rain in the clouds
so I'll walk and run
and have some fun.

And fall in love once again
this time with someone else.


Thursday, March 17, 2016

Indeed

Staring at the chipped concrete
Wondering about things and timings

I am wasted.



Journeyed by far to the deepest seas
Traveled a million years to be here

I am thirsty.



Climbed mountains amidst storms
Wrote stories and sang poetry

I am living.



Fought battles and raging water
Shed a tear and now it's over

I am free.






Saturday, March 5, 2016

Certified NBSB - Part 7

Mas naging mahirap ang paghihiwalay namin nang bumalik si Wilson sa Dubai noong katapusan ng January.  Hindi naman maaaring hindi sya umalis sapagkat kaka-renew pa lamang nya ng panibagong kontrata sa kumpanyang kaniyang pinapasukan.

"Officially in a long distance relationship" na ako.

Ngayon pa lamang nagsi-sink sa akin ang LDR.  Napakahirap nga pala.  Ang dami din kasi naming masasayang memories nung surpresahin nya ako sa kanyang bakasyon noong Disyembre.  Ang dami na naming pictures na magkasama na naka-save sa cell phone ko. Ang dami na din naming posts sa Facebook tungkol sa mga adventures and road trips namin noong umuwi sya.

Pero ngayon, ang lungkot na naman.  Magkaiba na naman ang time zone namin.  Magkaiba ang rest days.

Wilson:  Hon, kaunting tiis lang.  Para naman sa future natin 'to, di ba?

Tin:  Oo nga, pero namimiss kita talaga!  Iba pala pag nakita at nakasama na kita.  L

Ganyan ang madalas na laman ng usapan namin - sa chat man o sa text o sa FaceTime.

Kahit mga parents ko ay 'yun din ang palaging sinasabi sa akin, "Saglit lang 'yan anak, napakabilis lang ng araw ngayon."

Para maibsan 'yung kalungkutan, madalas pa din akong nakatatanggap ng mga surpresa mula sa kanya - tulips, roses, minsan fruit bouquet.  Tuloy pa din ang puyatan sa FaceTime or Skype, depende kung alin ang mas maganda ang connection.

Tin:  Hon, may accrued leave pala ako sa May, sayang naman kung di ko magagamit.  One month din halos yun, di naman convertible to cash.  Gusto mo mag-tour ako papunta dyan?

Wilson:  Wow, ayos yun!  Sige kuhanan kita ng visa.  Mabilis lang naman mag-apply ng tourist visa papunta dito.  Ikukuha na lang kita sa kakilala kong agency.  Papayag ba sina Tatay na makasama kita dito?  J

Tin:  Sira ka talaga!  Alam ko ang iniisip mo!  Dun ako mag-stay sa mga pinsan ko sa may Jebel Ali ba un?

Wilson:  Ah talaga?  Sa Jebel Ali sila?  Medyo malayo yun dito sa Deira, pero reachable naman by metro.  Dito ka na lang mag-stay sa akin.  *wink*  Malaki naman ang accommodation ko at saka may kotse naman so anytime pwede natin silang puntahan sa Jebel Ali.

Ilang araw lang akong nag-ayos ng mga requirements para sa pagpunta ko sa UAE.  Ilang araw bago ang flight ko ay naipadala din ni Wilson ang visa ko through E-mail.  "Hon, don't forget to bring your work documents.  Medyo mahigpit sa immigration sa Pinas pag solo traveler ka tapos dito sa Dubai ang punta.  Make sure you have your return ticket with you, company ID, and humingi ka na din ng certificate of employment sa boss mo to be safe.  I'll see you in a week!  Wavu!"

Medyo mahaba ang pila sa immigration ng Dubai, pero hindi naman ako nagkaproblema dahil may visa naman akong dala.  Mabait din ung immigration officer na Emirati na napuntahan ko.  Ang ganda ng airport nila.  High-tech!  Nakakatuwa ang daming Pinoy - mga pasahero, mga staff ng airport, mga crew sa mga shops - para lamang akong nasa Mega Mall.

Para akong nasa loob ng pugon paglabas ko ng Dubai International Airport.  Ganoon pala kainit sa Middle East.  Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa init ng singaw ng paligid.  Ang lagkit sa pakiramdam.  Naka-sweater pa naman ako dahil malamig sa eroplano at sa loob ng airport.  Luminga-linga ako sa arrival area at napangiti ng makita ko si Wilson.  May bitbit na isang maliit na bouquet at printed bond paper na may nakalagay na, "Welcome to Dubai, honey ko!"  Nawalang bigla ang pagod na naramdaman ko sa siyam na oras na nonstop flight nung masilayan ko ang masayang mukha ni Wilson.

Wilson:  Hon, musta ang byahe mo?  Ok naman sa immigration sa atin?

Tin:  Ok naman, hon.  Mabait din ung sa immigration sa atin.  Nakita naman nya na may iba akong travel outside the country.  Grabe pala ang init dito, hon.

Wilson:  Naku, di pa mainit yan.  Nasa 31°C pa lang ngayon, konting init pa lang yan kumpara sa Pinas.  Ang peak nito ay mga June to August.  Aga pa naman, hon, kain muna tayo?  Nakausap ko mga pinsan mo, pumayag na dun ka na muna mag-stay sa accommodation ko.  Imi-meet na lang daw nila tayo for dinner at saka pasyal.  Yes!

Tin:  Sige, kain muna tayo.  Di ako masyadong nabusog sa food sa eroplano, although masarap naman.  Sa wakas, matitikman ko din ang authentic na shawarma!!!

Maganda ang Dubai.  Ang lalaki ng malls nila na puro branded shops ang laman, at kahit saan talaga, ang daming Pilipino.  Kahit sa mga maliliit na tindahan na parang sari-sari store sa atin, may mga kababayang nagtatrabaho.  Naranasan ko makapag dhow cruise.  Nakapag-side trip kami sa Abu Dhabi para makapunta sa Ferrari World at sa Grand Mosque.  Ang dami-daming tourist attractions sa UAE.

Naisama din ako ni Wilson minsan sa isang dinner party ng kanilang kumpanya para sa isa nilang amo na malilipat ng US branch.  Madami pala silang mga Pilipino sa iba't ibang department doon.  Bida ng kaniyang amo ay hanga sya sa ugali ng mga Pilipino lalo na sa pagdating sa kasipagan.

Maganda ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Wilson, kaya maayos ang mga benepisyo. Maayos at maluwag ang accommodation nila at halos buong villa ay mga taga-opisina nila ang nakatira.  Mayroon kasi akong mga napanood dati sa mga documentaries sa TV sa atin na sa sobrang mahal ng renta sa UAE, nagtitiis ang mga kababayan natin na magsiksikan sa isang maliit na kwarto.  Kadalasan ay mga double-deck beds na pinagkakasya ang anim na tao o higit pa sa isang silid.  Sa kabilang villa ay may mga Pinay na umuupa.  Nagkaroon ako nang pagkakataong makilala ang isa sa kanila, si Laila.  Nakasabay ko kasi syang maglakad noon papunta sa bus stop at nang makilalang Pinoy ako ay nagpakilala.  Rest day nya noong araw na iyon.  Saglit kaming nakapagkwentuhan at nalaman kong dati pala syang kasamahan nina Wilson bago sya nakalipat sa isang kumpanyang mas maganda ang pasahod sa mga sekretarya.  Mukhang mas bata si Laila sa akin pero mas assertive ang personality, dala siguro nang karanasan nyang pakikisalamuha sa iba't ibang lahi sa UAE.  Isang tumataginting na, "Nice meeting you, Ate" nga ang sabi nya nung maghiwalay na kami ng bus na sasakyan.

Doon ko din nabatid kay Wilson na pangkaraniwan na sa Middle East ang tawagang 'ate' at 'kuya'.

Friday and Saturday ang weekend nila sa UAE.  Friday ginaganap ang misang pang-Linggo.  Punung-puno ang Tagalog mass sa St. Mary's Church.  Nakakatuwa ang pakiramdam sa simbahan sa UAE.  Para kang nagsimba sa Baclaran sa dami ng tao.

Nakapag-shopping din naman ako nang kaunti.  Di hamak ngang mas mura ang gadgets dito. Walking distance lamang sa accommodation nina Wilson ang tindahan ng ginto na kung tawagin sa Middle East ay "gold souk".  Nabilhan ko si Nanay ng isang simpleng bracelet at si Tatay naman ay nabilhan ko ng isang bagong mobile phone na touch screen na.  Binilhan ko din ng magandang Pashmina shawl ang nanay ni Wilson.

Sa loob ng isang buwan ay tila nadagdagan ang aking timbang ng ilang libras.  Madalas kasi ay sa labas kami kumakain ni Wilson ng dinner para daw hindi na ako mapagod.  Naisasama din ako ng mga pinsan ko sa mga okasyon ng mga kababayan dun pag weekend - birthdays, kasal, binyag.  Masasarap ang pagkain doon.  Noong una ay ayoko ng Arabic food dahil akala ko ay maanghang lahat.  Pero ngayon ay paborito ko na ang hummus, ang kabsa rice with chicken, at kung anu-ano pa.

Parang hinipan lamang nang hangin ang isang buwan.  Parang kailan lang nung halos mawalan ako nang ulirat sa sobrang init na naramdaman ko paglabas ng Dubai International Airport, heto at binabagtas ko na ang arrival area ng NAIA.

Naluluha si Nanay nung makita akong palabas na sa may malaking letter A sa kaliwang bahagi ng arrival area.  Paghalik ko ay pabiro kong sinabi, "Nanay ko o.. isang buwan lang akong nawala, umiiyak na.  Paano pa pag for good na?" Bahagya akong tinampal sa balikat at pagkatapos ay paakbay na akong iginiya kung saan naka-park sina Tatay.

Ang dami-dami kong kwento sa pamilya ko habang papauwi kami.  Mga obserbasyon ko sa kultura ng mga Arabo, ganda ng Dubai, mga pagkain, at mga lugar na napuntahan namin ni Wilson.  Tinapos ko nga lamang ang usapan nung maalala ko na ulit si Wilson... magkalayo na kaming muli.  Mas mahirap, mas masakit sa dibdib.  Naalala ko pa yung lumbay sa mukha nya noong nagpaalam na akong papasok na sa Dubai Immigration.  Ang hirap ng paghihiwalay, at malungkot palang talaga ang departure area ng airport.

Parang mas sumidhi yung pagnanais namin ni Wilson na magkita nang madalas mula noong magbakasyon ako sa UAE.  Kahit alangang oras sa trabaho ay nagpapadala ng mga SMS at mensahe na namimiss na nya ako.  Palagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos na ibinigay Niya sa akin ang isang tulad ni Wilson.

Bandang August ay napansin kong dumadalang ang mga mensahe ni Wilson sa akin.  Sweet pa din naman sya, nakakatanggap pa din ako ng flowers and gifts, pero madalang lang magparamdam.  Ang dati'y dalawampung mensahe sa isang araw, ngayon ay paisa-isa na lamang, kadalasan pa nga'y reply lamang sa message ko.  Kapag kinukumusta ko naman ay palaging ganito lamang ang sagot, "Pasensya na, hon, toxic lang talaga sa opisina ngayon dahil sa bagong project.  Understaffed pa kami."

Tin:  Bes, busy ka?

Drew:  Di nman.  Hmmm, sumthin wrong?

Tin:  Kape tayo maya.  Same place.

Drew:  K.  Gusto mo dinner muna tapos kape, para mahaba-habang kwentuhan.

Tin:  Sure.  Latersh...

Bandang alas-otso na ng magkita kami ni Drew sa mall dahil sa sobrang traffic.  Halos di ko nagalaw ang pasta na inorder ko kahit na paborito ko 'yun.  Di ko naman na din kailangan pang magsalita pa, alam na yun ni Drew.

Drew:  Come on, spill the beans.  Ano'ng meron?

Tin:  Bes, di ko alam kung ano'ng meron.  Pero parang may kakaiba sa pakiramdam ko.

At ikinuwento ko kay Drew ang napapansin ko kay Wilson the past few weeks.

Drew:  Bes, naman... honeymoon period is over.  Sa isang relationship, ganyan talaga.  Yan na 'yung plateau phase ninyo.  You have to spice it up!

Tin:  Eh bakit ako naman, parang di naman nagbago.  Bakit parang sya lang 'yung biglang nagkaganun?

Drew:  Wag ka ngang praning!  Nakaliskisan na namin si Wilson, he's a good man.  And he's good for you.  Wag ka ding masyadong all over him.  Give him space din.

Tin:  Okay, I trust you.  Thanks, Bes!  Dyan ka lang, ha?

Drew:  Op kors!  Saan naman ako pupunta?

Kahit paano'y gumaan-gaan ang pakiramdam ko.

Pinilit kong ibalik ang dynamics ng relationship naming dalawa.  Ako naman ang gumawa ng surprises.  Minsang nagkasakit sya ay pinakiusapan ko ang pinsan kong dalhan si Wilson ng basket of fruits sa kaniyang flat at ipagluto na din ng clear soup para gumaan-gaan ang pakiramdam.  Nariyang nag-bake ako ng chocolate chip cookies at talagang sinadya kong ipadala sa isang kilalang courier company para siguradong makararating sa opisina nya sa Dubai.

Naramdaman ko naman na na-appreciate nya ang gestures ko na ganun.  Kaya akala ko ay maayos na ang lahat.  Pero may kulang pa rin.  Parang may mali.

Ina-anticipate ko na ang pag-uwing muli ni Wilson ng December dahil sa annual leave nya.  Pinipilit ko pa ding maging masaya ang mood sa bawat SMS ko sa kanya kahit nararamdaman kong parang may nagbago talaga sa pakikitungo nya sa akin.  Hindi na rin ako nangahas na magtanong tungkol sa nararamdaman ko dahil natatakot ako na mauwi lang sa LQ ung pag-uusap namin.

"Hon, di ako makakauwi ngayong December.  Pinapa-extend ako ni boss dahil nga dun sa bagong project.  Tawagan na lang kita sa Pasko.  Wavu!"

Nalaglag ang balikat ko pagkabasa ng SMS ni Wilson.

Dumating ang araw ng Pasko.  Tumawag naman nga si Wilson, pero saglit lang kaming nag-usap.  Nagmamadali din dahil workweek at madami daw trabaho.  Sabi ay babalitaan na lang daw nya ako pag may update na sa schedule ng kaniyang bakasyon.

Nagdaan ang New Year’s Eve at Valentine’s Day… mas dumalang na ang komunikasyon naming dalawa.  Sa pagkakataong ito ay iba na rin ang pakiramdam ni Drew sa mga pangyayari.


First week ng March ng mag-message sa group si Gelai:

            Gelai:  Sisters!!!  I miss you… let’s meet later?

            Myrtle:  I’m in, sama ko si Erick..
           
            Drew:  Me, too!  Sama ko din si Randy.

Czarina:  Count me in.. kami na lang ni Tin ang partners dahil wala ang jowa namin J

Tin:  Okay.  See yah!

Habang naghahapunan ay yung mga final details ng kasal nina Gelai at Frank ang napag-usapan.  Halos plantsado na ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib sa June.  Ako as usual ang maid of honor.  Sports cars at pulitika naman ang topic nina Erick at Randolph sa kabilang dulo ng table.

Randolph:  May commission ako for being top representative for February, let’s grab some coffee?
           
            Erick:  Sure, pare, libre yan eh!  Girls, sasama ba kayo o maghahanap kami ng ibang kasama?

            Myrtle:  Subukan mo, Enrico!

            Erick:  Biro lang, ‘ling…

Nagsubside na ang kakulitan ng mga kaibigan ko over coffee.  Napapansin kong madalas ang palitan ng mga titig nina Drew at Randolph sa isa’t isa.  Biglang sumasal ang tibok ng puso ko.

            Drew:  Ahmm, Bes, musta na kayo ni papsi?

            Tin:  Huh?  Ganun pa din, Bes.  Same old…

            Czarina:  Ano’ng same old?  Hoy, ilang buwan na yan!

            Gelai:  Oo nga, para makasunod na kayo agad pag-abot ko ng bouquet ko.

            Erick:  Di pala nakauwi nitong December si Pareng Wilson, no?

            Randolph:  Ah eh.. Drew, talaga bang di sya nakauwi noong December?

            Tin:  Oo nga eh, busy daw dun sa bagong project kaya pinag-extend muna ng boss nya ng ilang buwan.

Nahuli kong nagkatinginan ulit ang mag-asawang Drew at Randolph.  Isang tingin ko pa lang kay Drew ay alam na nya ang ibig kong sabihin.  Umiiling si Drew na wari baga’y ayaw ng magsalita pa, pero pinandilatan ko sya ng mata.  “Spill it.”

            Drew:  Sure ka, Bes?

Nahimigan na nina Czarina, Myrtle at Erick, at Gelai na may seryosong bagay na mababanggit.  Tumahimik ang lahat at ipinukol ang mga mata sa mag-asawa.

            Drew:  Bes….

            Tin:  Go.  I’m listening.

            Drew:  Bes, ganito kasi… Sa Cavite na-assign si Randy last December dahil nag-maternity leave ung area representative nila.

Patuloy ang paglakas ng tibok ng puso ko.  Dinig na dinig ko na ang pintig nito.  Huminto si Drew na wari baga’y humihingi na ng saklolo sa asawa.

            Randolph:  Ganito kasi, Tin.  Paano ba.. ahmmm.. nakita ko si Wilson sa Cavite Medical City nung isang beses na nag-area ako dun.

Nag-alala pa ako at ang aking mga kaibigan.  “Ha?  Bakit?  Sino’ng naospital?  Bakit di ko man lang nalaman?,” sunud-sunod na tanong ko kay Randy.  Panic mode na ako.  May malala ba syang karamdaman na ayaw ipaalam sa akin?  Is he dying?  Is he terribly ill?  Umiling si Randolph pagkatapos ay bumuntung-hininga.

            Randolph:  Tin, he’s okay.  He looks good.  Pero may kasama syang babae sa OB.  Looks like she's pregnant.

            Tin:  Are you sure it’s him?  Baka yung kapatid nya un na bagong kasal?  Or baka kahawig nya lang sadya?

            Randolph:  It’s Wilson.  Dun sila nagpacheckup sa OB na pina-followup ko for the new medications na pinopromote namin.  It’s too late for him to hide or say anything.  We were like a foot away from each other.

            Tin:  And what did he say?  Baka pinsan nya un or tropa nya or kung sino man!

Panay na ang agos ng luha sa mga mata ko.

            Randolph:  I hope mali ang kutob natin.  I’m sorry, Tin.  But it’s better for you to confirm from him.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi  ng bahay nang gabing iyon.  Ang dami-daming tumatakbo sa isipan ko.  Nirereplay ko lahat ng mga pangyayari mula nang umuwi ako galing Dubai noong katapusan ng May.  Paano?  Sino?  Bakit?  Kailan pa?

Parang lumipas ang magdamag na hindi ko namalayan kung nakatulog ba ako o hindi.  Naramdaman ko na lang na umaga na nang pumutok na ang liwanag sa bintana ng kwarto ko.  Hindi ko kayang pumasok sa trabaho.  I called in sick.  Iyon din ang naging alibi ko sa Nanay ko nung tinatawag na ako sa komedor.

Tin, once and for all…

Kinuha ko ang mobile phone ko sa aking bedside table at hinanap sa primary contacts ang name ni Wilson.

            Calling Hunney Wilson…

Hindi sinagot.  Nag-redial ako.

            Calling Hunney Wilson…

“Hello?  Hello?” … banaag sa boses ang takot at pag-aalinlangan…

… babae ang sumagot sa tawag ko.

____________________________________________