Hello!
For those wanting to read the PDF version of my story "Certified NBSB", you may visit the link below and download the PDF.
https://drive.google.com/open?id=0B7QSW4Y6rucaYVg2QVlSUkQtM0U
You may also share this with your friends who enjoy reading as a pastime.
Thank you very much for supporting OPM (Original Pinoy Manunulat) ☺
God bless us all!
Tuesday, May 17, 2016
Monday, May 16, 2016
Certified NBSB - Part 10
Pumunta
pa si Wilson sa amin hanggang sa araw nang pagbalik niya sa Dubai para humingi
ng tawad at makausap ako, pero hindi ko na siya hinarap. Bukod sa pagod sa maghapong trabaho ay ayoko
na rin talaga siyang makita pa. Nag-iwan
pa siya ng isang bouquet ng bulaklak na may mensahe sa card na, “Wait for me,
please. Magpapa-annul ako.”
Nabanggit
ko na din kina nanay at tatay ang mga pangyayari. Napaiyak si nanay nang malaman ang
katotohanan. Hindi man kumibo si tatay
ay bakas sa kaniyang mukha ang galit. Itinuring
na rin kasi nilang parang anak si Wilson.
Kahit
paano’y pinakiharapan pa rin siyang mabuti ng mga magulang ko hanggang sa
huling araw ng kaniyang pagpunta sa bahay.
Isang
araw ng Sabado ay naabutan ko si nanay na nagpipili ng bigas sa may terrace. “Nay, kelan po ang balik nina Tita Mely
dito sa atin?”
“Baka
sa katapusan ng Abril, ‘nak. Bakit mo
naitanong?”
“Pakibilin
nga po na isama si Klang-Klang, bakasyon naman eh. May mga damit akong ipapasukat sa kaniya at
mga gamit na kailangan ko nang ipamigay.”
Dumating
ang katapusan ng Abril at kasama ngang dumating ni Tita Mely ang anak nitong si
Klang-Klang.
“Hello,
Ate Tin! Long time no see!!!” Kasunod nito’y padambang sumugod ang dalaga
sa kinatatayuan ko. “Sabi ni Tita
Lucy eh pinapasama mo daw ako ngayon?
Ano’ng meron?”
“Hala,
dalaga ka na, Klang! Parang di na bagay
ang nickname mo sa iyo.. Claire na lang ang itatawag ko sa iyo para tunog
dalaga na din! Lika, sama ka sa akin sa
kwarto, may mga ipapasukat akong damit sa iyo, feeling ko eh kasya na ‘yung mga
‘yun sa iyo ngayon.”
Iginiya
ko paakyat si Claire patungo sa aking silid.
Nag-iisa ko siyang pinsan na babae kaya kahit na malayo ang agwat ng
aming edad ay close kami. Madalas siyang
mag-text ng tungkol sa mga crush niya sa school at ako naman ay madalas ding
magpayo sa kaniya ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay.
Hindi
pa man nakakaupo sa aking kama ay nag-usisa na siya agad, “Ate Tin, kumusta ka
na? Nagparamdam pa ba ulit ‘yung makulit
mong ex?,” dire‑diretsong tanong ni Claire sa akin.
Hindi
ko inaasahan na ‘yun agad ang itatanong ng bata sa akin kaya hindi ako
nakasagot agad.
Kinapa
ko muna ang mga sagot sa aking sarili.
Kumusta
na nga ba ako? Mahigit isang buwan na
rin pala mula nang mangyari iyon…
“O,
kunin mo nga itong T-shirt na ito. Sukat
mo nga, pati ‘yung ripped jeans... sukat mo pareho. Tingnan ko kung kasya na sa iyo..”
Dahil
malaking bulas sa kaniyang edad, kasya na lahat ng damit na ipinasukat ko kay
Claire. Isang malaking paper bag ang
napuno ng mga damit na ipinauwi ko sa kanya.
Excited
na excited si Claire paglabas ng kwarto ko.
Nauna siyang bumaba para ibida sa Tita Mely ang mga bagong damit niya.
“Hala,
bigay lahat sa iyo ng ate Tin mo ‘yan?
Mukhang mga di pa naisusuot ‘yung iba ah. Baka naman kinuha mo lang lahat, nakakahiya,
‘nak!”
Napapangiti
ako sa aking silid habang sinasamsam ang mga naiwang mga hanger. Pababa na rin ako nang may napansin ako sa
aking tokador. May naiwan pa pala. Pumihit ako saglit para bitbitin ang mga ito.
Pagdating
ko sa kusina ay nagme-meryenda na sina nanay, Tita Mely, at Claire. Kumuha ako ng isang maliit na pinggan para
sumalo sa kinakain nilang pansit palabok na dala ng aking tiyahin. Specialty niya ito, kaya hindi ako
nag-atubiling kumain.
“Tita,
tig-isa kayo ni Claire.” Kasunod nito ay iniabot ko ang dalawang relo
na nakalagay pa sa original na lalagyan nito.
“Naku,
Tin, ano ba ‘yan! Nilimas mo na ata ang
laman ng kwarto mo. Ano ba ang
nangyayari sa iyo at pinamimigay mo’ng lahat ang mga ‘yan?”
“Tita,
ok lang ‘yan. Di ko na rin naman po
magagamit. Mabuti na po ‘yung
mapakinabangan ng iba. Ayoko din naman
pong ibenta at regalo po ‘yan sa akin ni …”
“Voldemort!,”
patudyong sabi ni
Claire.
“Vol-de…Bigay
nino kamo?,” di makapaniwalang tanong ng nanay ko sa dalaga.
Napangiti
ako dahil kami lamang ni Claire ang nagkakaintidihan. “Nay, si Voldemort po,
He-who-must-not-be-named,” siya po ‘yung kalaban ni Harry Potter.
“Ay
naku, kayo talagang mga kabataan kayo… kung anu-ano ang mga nalalaman
ninyo! Kumain na nga kayong dalawa!,” pabirong sagot ni Tita Mely. “Pero ‘nak, sigurado ka bang ipapamigay mo
na lahat ang mga ito? Mukhang mga
mamamahalin, eh!”
Tumango
ako para mapigilan na rin ang pag-agos na naman ng tubig mula sa mga mata ko.
Alam
na din ni nanay na ganun ang plano ko sa mga regalo ni Wilson. Noong una ay ayaw niya akong payagan na gawin
‘yun at sabi ay itabi ko na lamang sa isang kahon at itago sa kasuluk-sulukan
ng aking silid kung ayaw kong maalala pa siya.
“Nay,
alam ninyo namang ayoko ng madaming tambak sa kwarto. Masasayang lamang po ang mga iyon. Masisira nang walang gumagamit. Mas mainam na po ‘yung maging kapaki-pakinabang
sya sa ibang tao. At saka mga malalapit
naman po sa atin ang pagbibigyan ko.”
Wala
naman ngang nagawa na si nanay sa naging desisyon ko.
Isang
weekend ay lumabas kami ni Drew para maghanap ng sapatos na isusuot sa kasal ni
Gelai. Hindi maiiwasang hindi namin pag-usapan
ang nangyari sa aming dalawa ni Wilson.
“Bes,
musta na?”
“Getting
by…,” sabay laro sa
pasta na nasa aking harapan. “Pero in
denial pa din, somehow. Paminsan-minsan
ay naiisip ko pa din siya. Umiiyak pa
din ako pag naiisip ko ‘yung happy memories namin… ‘yung surprises, ‘yung
conversations, ‘yung bakasyon ko sa Dubai…”
Hinawakan
ni Drew ang aking kamay. Pinisil ito.
“Oo
naman, bes… ‘di naman ganun kadali mawawala ‘yan. First love mo eh, first heart break pa. Iiyak mo lang pag feel mo umiyak. Alam mo namang andito lang kami, di ba?”
“Super
na-appreciate ko nga ‘yung support ninyo sa akin. Pero minsan talaga, sumusumpong ang sakit…
I’m
not yet over him… Mahal ko pa nga din, eh…
Ang tanga ko lang, di ba?
Bes,
‘yun yung reason kung bakit di ko na siya hinarap nung bumalik pa sya… I might change my mind. Baka makalimutan kong may responsibilidad na
sya, and I might choose to fight for what we had,” at muling tumulo ang aking mga luha.
Lumipat
si Drew sa tabi ko para yakapin ako nang mahigpit, “Okay lang ‘yan. At least you chose the right thing to
do. Cliché as it may sound, darating ang
araw na pag naalala mo ang pangyayaring ‘yan eh wala ka nang mararamdamang
sakit. Mayroon sigurong kaunting kirot,
pero you’ll just remember the boy but the not the feeling. Kumbaga sa picture eh, blurred na siya. Tatawanan mo na lang ‘yan, promise!”
“Sana
nga, Bes. Minsan nate-tempt pa din akong
basahin ‘yung mga letters na bigay niya.
Minsan gusot ko pa ding icheck ang Facebook niya. It still makes me cry.”
“O,
akala ko ba na-dispose mo na lahat ng bigay ni Wilson sa iyo?”
“Yup..
lahat ng gifts niya… ‘Yung heart na pendant ay ibinigay ko kay nanay. Iyong mga sulat, nasa akin pa. Sana isang araw, magkalakas-loob na din ako
to let it all go.”
“Anyways,
change topic. Nagkausap na ba kayo nung
makaka-partner mo sa pag‑eemcee sa kasal ni Gelai?”
I
rolled my eyes. Inabot ko ang tissue na
sa dulo ng mesa para ipahid sa aking mga mata.
“’Yung Mark? Naku, ke-lalaking-tao
eh ang arte-arte! Nag-sked kami to meet
one time last week para pag-usapan ‘yung program. Last minute eh nag-cancel. Nagresked kami the following day, tapos
pagdating naman dun eh wala pa kami nasisimulan ay dumating na ‘yung girlfriend
at nagpasama somewhere. Ano pa matatapos
namin pag ganun? Naku, I bailed
out. Sabi ko kay sis eh mahirap mag‑emcee
pag ‘di ko kakilala ‘yung partner ko sa pagho-host. Di ko alam kung paano ko ibabato ang
punchlines ko at hindi ko rin alam if mage-gets niya ‘yung mga ibabato ko. Sabi ni Gelai eh ‘yun din daw ‘yung partner
ko sa veil. Haaayyy..”
“Hahaha! Maarte ba?
Pinsan ni Frank ‘yun eh. Sa
pagkakatanda ko eh isa ‘yun sa pinaka-close na cousin ni Frank.”
“Whatever.”
Pagkatapos
nito’y sinenyasan na namin ang waiter para bayaran ang bill.
Inabot
din ng apat na oras ang paghahanap namin ng sapatos na babagay sa gown na aming
isusuot.
“Tin,
ang love, parang paghahanap ng sapatos.
Ang dami nating makikita pero isa lang ‘yung sakto sa paa natin… tama
ang sukat, tama ang kulay, komportable.”
“Sana
lang, matibay ‘yung sapatos, parang Spartan,” pangiting sabi ko kay Drew habang pababa kami ng
escalator papunta sa parking.
June
7, 2013. Bisperas ng pag-iisang dibdib
nina Frank at Gelai. Napagkasunduan
naming magkakaibigan na mag-check-in na sa hotel na pagdarausan ng reception
para sa hair and makeup at pictorial ng nakuhang supplier ng mga ikakasal.
“Hello,
Tin, ready ka na? Papunta na kami ni
Randolph dyan sa inyo. Huwag mong
kalimutan ‘yung mga pinadadala ni Gelai, ‘yung garter, ‘yung posporo, ‘yung
scissors.”
“Yes,
ma’am, ok na po. Hihihi.. ingats!”
Pinili
pa rin ni Gelai na sumama sa kwarto namin nang gabing iyon.
“Hoy,
Gelai, matulog ka na! Bawal ang eyebags
sa best day of your life! Dapat
fresh! Sige ka, baka magbago ang isip ni
Frank, hahaha. At kailangan mo ng
madaming energy bukas,”
tudyo ni Myrtle.
“Mga
sis, thank you so much for being there for me through thick and thin. Salamat sa lahat ng help para masiguradong
magiging maayos ang wedding ko. Super
thank you talaga. The best talaga kayong
mga kaibigan ko. If I die and will be
given a chance to live again, kayo pa din ang hihilingin ko na maging mga
kaibigan ko,” sa
pagkakataong ito ay umiiyak na si Gelai habang naka-group hug sa aming apat.
Si
Czarina ay humihikbi na din, “Ano ba yan, death agad? Wala pa ngang asawa si Kristinella. Kailangan happy lang tayo!”
“At
saka ‘yaan nyo naman na makahinga kami minsan from our hubby and kids. Bawal muna ang iyakan ngayon. In the coming months, mabi-busy na si Gelai
kay Frank and kids, hahaha,”
banat naman ni Drew habang sinisiko ako dahil ako na lamang ang hindi kumikibo.
“Sisters
forever!,” lamang ang
naidagdag ko sabay taas sa bote ng red wine na halos wala ng laman.
Ikatlo
pa ng hapon ang kasal nina Gelai at Frank, pero maaga din kaming nagising dahil
aayusan pa kami isa-isa at magkakaroon pa ng pictorial bago ang aktuwal na
kasalan.
Ligalig
ang lahat. Parang dinaanan ng bagyo ang
aming silid dahil sa mga nagkalat na damit, sapatos, makeup, accessories, mga
lalag na invitation, at kung anu-ano pa.
Nakasabit
sa isang rack ang mga gowns na aming isusuot.
Periwinkle blue ang motif na napili ng mag-asawa. Iba-iba ang style ng gown na ipinagawa ni
Gelai para sa amin. Nagustuhan ko ang
lapat ng gown na dinesign ng couturier para sa akin. Hindi masyadong revealing ang sabrina cut na napapatungan
ng chantilly lace na tinahi niya para sa akin.
Alas-dos
pa lang ng hapon ay nasa Caleruega na kami.
Si Gelai ay nasa hotel pa para sa final pictorial bago sya ihatid ng puting
Mercedes Benz SL550 na ipinahiram ng tiyuhin ni Frank. Hindi naglaon ay nakita ko na rin sina nanay
at tatay na lulan ng maroon na Toyota Revo na hiniram sa aking pinsan na siya na
ring nagmaneho.
Sa
pag-aayos sa procession ko na muling nakita si Mark. “Hi, Mark po,” sabay abot ng kaniyang
kanang kamay sa akin. Iniabot ko naman
ito para sa isang hand shake, “Yeah, I know.
We’ve met, right?”
“Ms.
Tin? Wow, sorry, di kita nakilala. Blooming ka ngayon,” pabirong sabi ni Mark.
Sasagot
pa sana ako nang biglang lumapit ang girlfriend niya, “Babe, I’ll sit beside
your mom.” “See yah in a while,”
sabay halik sa pisngi ng binata.
Maya-maya
ay nag-cue na ang wedding coordinator sa pagsisimula ng seremonya. Hindi pa namin nakikita si Gelai. Request niya ‘yun na hindi na magpakita sa
amin pag naayusan na siya para daw surprise na lang pag naglalakad na siya sa
isle.
Stunning
ang aura ni Frank sa may altar. Naka-black
tuxedo ito. Bakas ang kasiyahan sa mukha
ng kaniyang mama at papa na nasa kaniyang tabi.
At
tumugtog na ang klasikong “Here Comes The Bride” sa piano. Napalingon ang lahat sa nakapinid na pinto ng
simbahan. Kasabay ng pagbubukas nito ay
ang unti‑unting pagsiwang ng liwanag mula sa labas. Maya-maya ay aninag na ang silhouette ni
Gelai. Unti-unting nalaglag ang mga petals
ng mga pulang rosas mula sa isang maliit na net na nakasabit sa may entrada ng
simbahan. May putting ribbon ito sa magkabilang
dulo na siyang hinila ng mga assistants para malaglag ang mga talulot kasabay ng
pagpasok ni Gelai.
Naghihintay
na si Tito Emil at si Tita Nora sa bandang gitna ng isle para ihatid ang anak
na panganay sa altar. Mugto na ang mata
ni Tita Nora sa di-mapigilang pag‑iyak.
Kagaya
nang nangyari noong kasal ni Myrtle, Drew, at Czarina ay napaiyak akong muli habang
naglalakad si Gelai patungo sa altar. Luha
ito ng kagalakan sapagkat bakas sa mukha ng bride at ng groom ang lubos na
kasiyahan sa kanilang pag‑iisang dibdib.
Tatlong taon na boyfriend at girlfriend.
Tatlong taon din ang engagement.
Hindi
naglaon ay nagsimula na ang misa. Napakaganda
ng homilyang ibinigay ni Father Carreon.
“…Love
does not rejoice at wrongdoing, but finds its joy in the truth. It is always ready to make allowances, to
trust, to hope and to endure whatever comes.
Frank and
Gelai, as you start your journey together as husband and wife, always remember
these words. The anchor verse of your
relationship will be this. Your life
will not always be a bed of roses. At
some point in time, you will experience struggles. You will be tempted. You will get angry at each other. The Bible tells us, do not rejoice in your
wrongdoings but be ready to make allowances. Trust your partner. Try to endure whatever comes. Hindi na ito simpleng boyfriend‑girlfriend
relationship na kung kalian ninyo gustong maghiwalay ay pwede na. Na kapag hindi na okay ang lahat ay pwede na
kayong magdesisyon na tapusin ang lahat. ‘Iyon ang mapagpalayang pag-ibig. Marriage is different. You are now consecrating yourselves to the
Lord. And what God has joined together, let
no one separate. Ang love na mayroon
kayo ngayon encompasses all flaws. With
God as your center, hindi ‘nyo na hahayaang matibag kayo ng imperfections. You have to stay true with your promises sa
harap ng dambanang ito. Ito ay
panghabambuhay na. Till death do us part,
ika nga…”
Mapagpalayang
pag-ibig.
May
kung ano’ng kumislot sa puso ko.
Masaya
ang naging program sa reception ng kasal nina Gelai at Frank. Scripted na ang bouquet toss. Hindi na inihagis. Kusa na nila akong pinatayo dahil ako na
lamang ang dalaga sa aming magkakaibigan. Panay ang tukso ng mga ibang mga guests na
nakakikilala rin sa akin. Ayokong bigyan
ng sama ng loob ang mga bagong kasal kaya game din naman akong nakisaya sa mga
inihindang games. Ang nakasalo ng garter
ay ang teenager na kapatid ni Frank kaya hindi naman naging awkward ang mga
ipinagawa sa amin ng photographer dahil parang kapatid ko na din si Ferdie.
Nang
matapos ang mga formalities ay nagpaalam na din ako sa aking mga kaibigan. May kani-kaniya namang mga sasakyan kaya
naisipan kong sumabay na din kina nanay at tatay pauwi para hindi na din
maabala pa si Randolph o si Erick. Isang
mahigpit na yakap at matunog na halik ang iniwan ko kay Gelai.
“Frank,
take good care of our sister, ha? You
know the drill. Pag may tanong, call us
any time of the night, hahaha,”
pabirong sabi ni Drew habang nagpapaalam sa mga bagong kasal.
Gabi
na nang makarating kami sa bahay. Nagtimpla
pa ng kape si nanay para kay tatay at akmang manonood pa ng late-night news. Nagpaalam akong magpapatiuna na dahil sa
naramdaman kong pagod dala na rin ng puyat nang nagdaang gabi.
Kinabukasan
ay maaga akong nagising. Wari ko’y
nakapagwalis na si nanay sa aming bakuran dahil aninag na ang usok na
nanggagaling sa mga tuyong-dahon sa aming likod‑bahay. Bumangon ako para magkape at bumalik rin agad
sa aking silid.
Bahagya
kong inililis ang cover ng aking kama para abutin ang isang kahon sa ilalim nito.
Naalikabukan na ng bahagya ang kulay
rosas na Papemelroti box na regalo ni Drew noong nakaraang birthday ko. Pinagpag ko ang nanikit na agiw sa paligid ng
kahon at dire-diretso akong tumungo sa likod-bahay.
“This
is it, Tin,” kumbinsi
ko sa aking sarili.
Marahan
kong binuksan ang kahon.
Naroon
ang lahat ng mga sulat at cards na ipinadala ni Wilson noong magkasintahan pa
kami.
Binuksan
ko ang isang liham.
Mayroong
drawing ng isang lilang bulaklak sa may gilid ng dilaw na papel.
19
August 2011
Honey
ko!!!
I
miss you!
Yang
naka-drawing ay isang arab flower… monsonia nivea. Naisip ko na parang ikaw yan. Nung inoffer ko ‘yung love ko syo, you opened
up yourself to be loved. Naks! Korni ko…
Kadadating
ko lang from …
Hindi
ko na rin nakayanang tapusin pang basahin ang laman. Nilukot ko na nang tuluyan ang liham at
inihagis sa nagbabagang mga dahon.
Hilam
na ng luha ang aking mga mata nang maabo ang lahat ng mga papel na inilagay ko
sa siga. Masakit pa rin palang maalala lahat
nang masasayang kwentuhan naming dalawa, lahat ng pangakong napunta sa wala…
Ilalapat
ko na sana ang takip ng kahon nang may nalaglag pang isang papel na tumama sa
aking paa. Dinampot ko ito para tingnan
kung ano pa ang naiwan. Picture naming
dalawa sa entrance ng Ferrari World. Natatandaan ko ito. Nakiusap kami sa isang matandang
Indian para kunin ang larawang ito.
Ang
pag-ibig ay mapagpalaya.
Niyakap
ko nang bahagya ang picture at pagkatapos ay hinayaan ko na rin itong maging
abo kasama ng iba pa.
“Paalam,
mahal ko.”
Pagkatapos
nito’y tumalikod na ako pabalik sa aking silid.
Mahaba
pa ang araw.
Pag-akyat
sa aking silid ay binuksan ko ang aking Facebook account. Matagal-tagal ko na din palang hindi ito
nabubuksan. Naka-upload na ang ibang mga
pictures mula sa kasal nina Gelai at Frank. May mga mensahe akong hindi pa nababasa. Pumunta ako sa aking timeline at itinipa ang
mga ito sa keyboard:
Moving
on.
___________________________________
- THE END -
Matuling
lumipas ang mga araw.
Nagpabinyag na si Frank at Gelai ng
kanilang panganay. As usual ninang na
naman ako. Hindi na kinuhang ninang ang tatlo
pa naming mga kaibigan dahil masama daw iyon sabi ng matatanda, para daw
nagsolian ng kandila.
Sumapit ang first birthday ni Angela.
Kumpleto kaming magkakaibigan. Buntis ulit si Myrtle. Naka-attend na finally si Martin, ang seaman
na asawa ni Czarina. Big girl na din si
Jenine na inaanak ko naman kay Drew at Randolph.
Busy ako sa pagkuha ng pagkain sa
buffet table kaya hindi ko namalayan ang paglapit ng isang tao sa aking tabi.
“Suplada
ka pala sa personal, miss.”
Si Mark.
___________________________
Abangan
… J
Thursday, May 12, 2016
Certified NBSB - Part 9
Dalawang araw ang naka-file kong vacation leave sa trabaho pagkatapos ng isang araw
na sick leave ko, pero naisip kong mas dapat akong maging busy upang hindi ko masyadong maisip ang mga pangyayari kaya kinabukasan ay pumasok na din ako.
Nakasalubong ko sa may lobby si Ma'am Ems, "Tin, why are you here? Two days yung filed leave mo, di ba?"
"Ma'am, naiinip po ako sa bahay, so I decided to just retract this day. Naalala ko po kasi mayroon pa akong report na due i-send sa US office natin by end of business day today."
Pagdating ng break time ay tumawag ako sa customer service ng aking mobile network provider. Nag-request ako na palitan ang mobile number ko pero same account pa din dahil nanghihinayang ako sa loyalty perks. Pwede naman daw 'yun dahil postpaid subscriber ako, at ichacharge na lang nila ung 500 pesos sa susunod na billing statement ko.
Anxious ako sa bawat araw na dumadaan dahil naalala ko ang huling SMS ni Wilson sa akin... "Uuwi ako next week - emergency leave ng 5 days. Pag-usapan natin 'to," kaya alam kong any moment ay magkikita talaga kami. Nakakatatlong araw na mula noong ipadala nya ang text na 'yun.
Masakit pa rin 'yung impact. Hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap tungkol dito. Hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba ang kwento sa likod ng mga kaganapang ito. Ang dami ko pa ding pinagdudugtung-dugtong na mga pangyayari para pilit kong mabigyan ng kasagutan 'yung mga tanong sa bumabagabag sa akin.
In denial pa din ako.
Wala akong idea kung kailan sa "next week" ung sinasabi ni Wilson. Sa pagkakatanda ko, Thursday night sya bumibyahe pauwi ng Pilipinas dahil Biyernes ang simula ng weekend sa Dubai. Kung ganun pa rin ang schedule niya, andito na sya sa Pilipinas ng Friday ng hapon.
"Gaga! Bakit ikaw ang iiwas? Ikaw ba ang may kasalanan?", pasungit na biro ni Czarina nang tawagan ako sa opisana para kumustahin noong lunch break ko.
"Hindi ko lang kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi ko rin alam kung kaya ko siyang harapin."
"Sis, kung hindi ka pa ready, tell him. Pero I suggest that you get over it the soonest. Do not prolong the agony. And there is no better preparation. I'm telling you, kahit ano'ng practice ang gawin mo ngayon sa mga bagay na gusto mong sabihin or itanong, it won't matter. Iba pag kaharap mo na sya. Mata sa mata. It will hurt the most pag kaharap mo na 'yung taong akala mo ay magiging kakampi mo for the rest of your waking life."
"Thanks, Czar... sana kaya ko nga..."
Walang Wilson na naghihintay sa lobby paglabas ko bandang alas-sais ng gabi. Part of me was disappointed.
Bakit ganun? Bakit wala siya?
Sh*t, Tin... 'wag kang tanga! He hurt you. Period.
I hate this bubble talk inside my head. Nakakainis!
And then I hoped again.
Pero wala din ang kotse niya sa may gate namin nung dumating ako.
Wala siya.
Hindi na 'yun darating. Wag ka nang umasa. Sinaktan ka na nga, hinahanap mo pa?
Naisip kong pinasakay niya lang ulit ako sa text niyang 'yon na parang pampalubag-loob. Pinaasa. At umasa naman nga ako.
Biling-baliktad ako sa higaan nang gabing iyon. Hindi ako sumabay kina Tatay at Nanay sa pagkain ng hapunan. Hindi ko pa rin ikinuwento sa kanila kung ano ang nangyayari sa aming dalawa ayon na rin sa advice ng mga kaibigan ko. Give him the benefit of the doubt, ika nga nila.
"Let them know kapag malinaw na ang lahat. We don't want to make him look bad agad sa parents mo. Baka naman mali ang lahat at baka magkaayos din kayo sa bandang huli, mahirap na," dagdag pa ni Drew nang minsang tumawag sya sa bahay.
Weekend na kinabukasan kaya hindi ako nagmadaling gumising. Mag-aalas diyes na ng umaga nang maisipan kong bumaba para magkape. Mabigat ang buong katawan ko marahil sa bigat ding dinadala ng kalooban ko. Balak ko naman ay magkulong lamang din sa kwarto sa maghapon kaya hindi na ako nagpalit ng damit. Suot ang kupas kong Hello Kitty na pyjamas, pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto papunta sa kusina.
Routine na sa akin ang pagtitimpla ng kape pagkagising. Bangon - hilamos - kape.
Noong araw na iyon, may kakaibang nahagip ang mga mata ko pagbaba ko ng hagdanan. Malapit na ako sa komedor nang maisipan kong umatras para sipatin kung ano ung kakaiba sa aking paningin sa may sala.
Kinabahan ako.
Napakaraming lobo na hugis puso. Kulay rosas at pula. At napakaraming bulaklak. Iba't ibang talulot ang nakakalat sa sahig.. sa mesita.. sa mga upuan. Sa upuan ... hindi ko na kailangang suriin pa ang buong bahay.
Si Wilson.
Bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan pagkakita sa akin.
"Hon..."
Napasalampak na lamang ako sa sahig sa biglang panlalambot kasabay nang pagbalisbis ng luha sa mga mata ko. Nanikip ang dibdib ko sa dami ng mga bagay na gusto kong sabihin pero wala ni isa mang kumawala sa bibig ko.
Nasa tabi ko na si Wilson nang mahimasmasan ako. Pareho kaming nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding.
Kagat-labi akong naghihintay na makarinig ng salita mula sa kanya. Hindi ko siya tinitingnan. Hindi rin ako kumikilos. Nakatingin ako sa kabuuan ng aming sala at kusina na napapagitnaan lamang ng isang maliit na divider kung saan nakalagay ang TV at ilang mga maliliit na ceramic figurines.
Ginagap nya ang aking mga kamay.
Hindi pa rin ako natinag. Pilit ang pagmamatigas ko.
"Hon... Look at me, please? I am sorry. Let me explain."
"Si Lira 'yung girl. Kapatid ni Laila. You met her, right?"
Wala pa rin akong imik.
"Galing sya ng Kuwait. Hindi maganda ung naging experience niya with another expat there, kaya kinuha sya ni Laila para makalipat sa UAE mga first week ng July. I met her sa baba ng villa at a later time. I was rushing to go to MoE para sa isang business lunch and hindi ko pa nakuha sa casa 'yung kotse so I decided to take the metro. She approached me to ask kung ano ang pinakamalapit na mall. I told her that the nearest one is ung Deira City Centre. You remember that?"
And then he laced his fingers through mine. 'Yung paglalambing na klase ng hawak sa mga palad ko. He was gently sqeezing my fingers. Ninenerbyos? Natatakot? I really have no idea.
"Well, to make it shorter, sa MoE din sya natuloy. While on the metro, naikwento niya who she is and what she went through sa Kuwait. Nagkataon naman na 'yung imimeet ko for lunch had an emergency so nag-inform na malelate. Sinamahan ko na muna sya while killing time. Dun ko nalaman na kapatid pala siya ni Laila."
"In a short span of time, naging close kami. Dahil wala pa syang trabaho, every time she would cook something special, binibigyan nya din kami. She knew about you. I showed her pictures of us. I tell her everything I miss about you. And I missed you more habang kinukwento ko ang mga 'yun sa kanya."
Mahabang katahimikan. Isang malalim na buntung-hininga.
"And then one time around early October, nagyaya sila mag night out sa isang club. Celebration kasi unang sweldo niya sa bagong work and on process na ung visa niya. Nataon namang ang toxic sa office noong araw na 'yun kaya I had to breathe. Sa sobrang saya nung bonding, di ko napansin na ang dami ko na pala nainom. Ayokong mag-drive ng nakainom so Arnold had to drive for us. Pero pagdating sa villa, hilung-hilo na ako kaya in-assist ako ni Lira and ni Arnold para makaakyat. At naiwan kami ni Lira na kami lang ang tao sa room."
"She made coffee for me. Nagkwentuhan nang konti siguro para bumaba ang tama ng alkohol sa kukote ko."
Then he started crying.
"Pero hon, I really missed you that time! It's my fault! Gago lang ako!!! Gago!!!"
Sinusuntok na ng kanang kamao niya ang sahig namin. Pero tiniis ko pa ding hindi siya lingunin.
"I'm sorry!!! I'm sorry ... na kahit aware ako sa nangyayari, I didn't have the inhibition to stop myself from doing it with her. I'm sorry, hon! You know how much I love you!!!"
Pilit kong inalis ang mga kamay niya sa kamay ko. I started crying, too.
Hikbi na naging hagulgol.
At saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.
"Iyong nakita ni Randolph?"
Sumagot si Wilson. "She got pregnant. Hindi siya pwedeng mag-stay sa UAE as a single person tapos buntis. Makukulong sya. Makukulong din ako. They would ask her who the father is. Madedeport kami."
Pasabunot niyang hinawakan ang kanyang ulo.
"Hon, you know I can't give up my job there. That's the best I have so far. Para sa kinabukasan ng magiging pamilya natin. Di ba?"
"Hindi ko alam, I'm so lost. 'Yun din ang dahilan kaya ang sabi ko sa iyo ay hindi ako makakauwi nang December kasi gulung-gulo talaga ang isip ko. Nagising na lang ako isang araw na kailangan ko nang desisyunan 'yung nagawa ko. And getting married civilly dito bago pa man maging obvious 'yung dinadala nya was the only way out at that time. That was the time Randy saw us. Dalawang linggo lang kami tumigil sa Pinas para sa kasal."
Nasagot na lahat ng tanong na tumatakbo sa isip ko. Naramdaman kong bigla ang pagod.
Tumayo ako.
"Kailangan ko nang magpahinga. Makakaalis ka na."
Dali-dali akong nagpilit makatayo para makabalik sa aking silid.
Pilit niya akong pinigilan. "No, hon... talk to me! Sampalin mo ako! Saktan mo ako! ... Patawarin mo lang ako, please? Gagawin ko ang lahat, 'wag mo akong iiwan, hon. Ikaw ang mahal ko. Please, please? Honey, don't do these... Don't leave me!!! Di ba sabi mo, walang bibitiw?"
Panay ang sigaw, iyak, at pagmamakaawa ni Wilson.
Pagdating sa may pintuan ng aking kwarto ay lumingon ako nang bahagya sa direksiyon niya.
Hilam na ng luha ang mga mata ko. Hindi na ako makahinga.
"Ikaw ang bumitiw, hindi ako," sabay kandado sa aking pinto upang kahit paano'y hindi ko na marinig pa ang mga sumunod na pakiusap na Wilson.
Ibinagsak ko ang aking sarili padapa sa aking kama para yakapin ang malaki kong unan. Ito na lamang ang nakarinig ng mga katagang sinabi ko bago ako makatulog dahil sa labis na kapaguran...
"Bye, Wilson."
___________________________________
Itutuloy :)
Certified NBSB - Part 1
Certified NBSB - Part 8

Subscribe to:
Posts (Atom)