Lumiliit ang singkit na mga mata
Ang ngiti nama'y abot hanggang tainga
At di mapalagay ang kaba sa dibdib
Pag ang pangalan mo'y akin nang nadinig.
Nakatutuwang isipin kung saan nagsimula
Ang sabi nila tawag daw ay paghanga
Sa mga sugat na aking pinagdaanan
Hindi inakalang kita'y masusumpungan.
Salamat sa mga ngiting palaging nariyan
Lalu na sa panahong di ko inaasahan
Hiling ko lang sana'y walang magbago
Sa pagkakaibigang sa ati'y nabuo.
Inspirasyon nga siguro kita,
Parang bata lang, di ba?
Naibsan ang lumbay ng pusong bato
Kahit batid na iba naman ang 'yong gusto.
Sa simula lang pala talaga masakit.
Akala ko ay dead end na ang napuntahan ko.
Napakaraming minuto, oras, araw, taon, luha at tissue ang aking inaksaya sa iyong pagkawala.
Pero totoo palang lahat ng sugat ay naghihilom sa takdang panahon, depende nga lamang sa sitwasyon. Katulad din kasi ng isang tao na may diabetes, kapag sobrang tamis, mas matagal ding gumaling ang mga sugat. Pero gagaling at gagaling pa din eh.
May point.
Ngayon, atapang-a-tao na ako.
Siguro kahit may nararamdaman man akong kaunting kirot, 'yun ay dahil na lamang sa pilat na iniwan nung mga sugat. MGA talaga, kasi madami eh! (Pabili nga po ng sebo de macho!)
Mabuti na lang at ang puso ko ay naka-Energizer. It keeps on going, and going, and going ... Kahit nasugatan na, tumitibok pa din!
Ngayon nga, kapag nililingon ko 'yung mga bakas ng kahapon, napapangiti na lang ako sa mga masasayang sandali. At lalong mas napapalakas ang tawa ko kapag naalala ko ang mga katangahang pinaggagawa ko noong "lulong" pa ako sa pagmamahal niya.
Oh well, nakaka-aliw lang magbalik-tanaw kapag hindi mapalagay ang mga uod sa iyong isipan dahil sa sobrang dami ng kape at tsaang nainom.
Tama nga sila, lilipas din.
Sabi nga ng isang kaibigan ko, andun lang 'yung puwang nila sa puso natin, pero unti-unti din itong liliit hanggang sa mawala na nang tuluyan para sa paghahanda sa susunod na ookupa dun! Bongga lang, di ba?
Kaya ikaw, kaibigan, broken-hearted ka ba ngayon?
Iiyak mo lang!
Maniwala ka, parang sakit lang ng isang sirang ngipin 'yan. Kailangang magamot - pasta o bunot. Kapag nagpabunot ka nga, makirot lang sa umpisa, 'di ba? Pero magigising ka na lang isang araw na wala na ang sakit. Ang masasalat na lamang ng dila mo ay 'yung puwang ng dating pwesto ng ngipin na nawala, pero wala ka nang sakit na mararamdaman.
Lilipas din nga. :)
There is something in this June air.
Excited brides.
Dashing grooms.
More than that, I have started a new journey.
This is a road less traveled, something I have overlooked for so many years. I have started to rediscover the power of God's love. I know it will not be easy, but slowly I know I will be able to fully embrace the light and let go of what's keeping me away from receiving His grace.
June is the month when most couples declare their commitment of everlasting love. This is the time that I commit myself back to the Lord's service. While we watched the Man of Steel come to life on the big screen, I go back and watch in awe as His life enfolds before my very eyes.
Tomorrow, as the world stares at the super moon, we will once again be reminded of the Creator who has made all things beautiful. He is the light of the world.
And as summer solstice arrives, we shall experience longer periods of daylight. May we all be guided back into doing the righteous things. Let the warmth of His forgiving hands embrace us and lead us to the right direction.
This will be another bumpy ride, but I am confident. My Super God will be there to help me. The lunar light shall light up my path. The sun shall keep me out of the dark. Amen.
Pray for me and the rest of SFC batch 23.